Paligsahan sa Talino

2.5K 28 12
                                    

    " Grabe naman ang anak ni Aling Norma, napakatalino, naku, natalo pa niya ang mga kalahok mula sa ibang bansa.Akalain mong nanalo sa paligsahan sa talino .Noong isang linggo pumunta ng china, nanalo sa matematika, kahapon , sa Japan naman,naku,nanalo na naman ng unang gantimpala sa Agham.napakatalino talaga ni Justin, kaswerteng magulang! Ito ang maririnig mo sa mga taong nag-uumpukan sa lugar nina Norma.

     "Justin, anak, salamat sa tulong mo sa ating pamilya. Kundi dahil sa mga premyo mo di nakapagpatuloy ang kuya Kevin mo na makapag-aral sa kolehiyo. Mula pa nang nasa elementarya ka ay puro karangalan na ang binigay mo sa amin ng papa mo, sa paaralan at sa bayan natin. Saan mo pala balak mag-aral sa kolehiyo? maraming mga malalaki at magagandang paaralan ang nag-aagawan sa iyo. Lahat may offer na malalaki." " sa bayan lang po, gusto kong bigyan ng pangalan ang ating lugar dito na lang po ako mag-aral." Pero anak...mas maganda kung sa Maynila ka dahil...." "inay nakapagdesisyon na po ako, dito lang po ako sa bayan". " ikaw ang bahala anak.

       Cris, saan kaya namana ng anak natin ang katalinuhan niya? Napansin mo ba, ayaw niyang iwanan ang ating lugar, mas gustuhin niyang mag-aral dito sa bayan kaysa sa Maynila." " hayaan mo na Norma  kung ano ang gusto ng ating anak.  Ipagpasalamat natin sa Diyos ang bigay niyang katalinuhan sa ating anak.

       Makalipas pa ang ilang taon hindi na mabilang ang mga tropeo at medalyang parangal ang natanggap ni Justin mula sa lokal, pambansa at internasyunal na paligsahan.Kinilala siya sa  buong mundo na pinakamatalinong mag-aaral ngunit nanatili siyang mapagkumbaba.  

     Kumuha ng medisina si Justin sa Kolehiyo at siya ang pinakabata sa lahat.Kung tutuusin siya ay dapat nasa unang taon pa lamang sa hayskul ngunit dahil sa kaniyang katalinuhan, ilang beses siyang na accelerate . gaya ng dati wala pa ring nakakatalo sa kaniya.

  isang araw, nakilala niya ang isang magandang babae sa isang mall. Nagpakilala itong si Andrea at taga kabilang bayan. Parang pamilyar ang mukha ni Andrea sa paninigin ni Justin. Mula noon naging magkaibigan na sila at parating sabay sa pag-aaral sa silid-aklatan kapag uwian. Madalas silang nagkikita at nagpapakita na si Andrea ng motibo na gusto niya si justin. parati nitong pinipisil ang kamay ng binata at nagpapasalamat sa mga oras na magkasama sila.

     Isang araw , napansin ni Norma na may nag-iba sa kaniyang anak. madalas itong nanghihina at   minsan ay makalimutin. Pinaalalahanan ni Norma ang anak na magpahinga dahil sa susunod na araw ay masasabak na naman ito sa kompetisyon sa ibang bansa  . 

   Sa kauna-unahang pagkakataon, natalo si Justin sa isang paligsahan sa tagisan ng talino. Ikinagulat ito ng lahat at nalathala sa iba't ibang panig ng mundo. May mga doktor sa ibang bansa na gustong pag-aralan ang utak ni Justin ngunit ikinagalit ito ng kaniyang magulang.  

  Si Andrea na ang laman ng mga pahayagan na nananalo sa paligsahan sa tagisan ng talino. Ipinagtaka ito ni Justin. Ngayon niya lamang napagtanto na sa bawat hawak niya ng kamay kay Andrea, naramdaman niya ang panghihina ng katawan at pagiging makalimutin. Gusto niyang tuklasin ang katotohanan.

    Palihim niyang sinundan ang dalaga hanggang sa makarating ito sa kaniyang bahay. Nanubok siya sa ginawa ng babae . " Hahahaha  akala ko pa naman matalino si Justin, ang hindi niya alam bawat hawak ko ng kaniyang kamay, hinihigop ko ang kaniyang katalinuhan..hahahaha pag nakuha ko na ang lahat ng kaniyang katalinuhan, wala na akong maging kalaban dahil katapusan  na rin ng kaniyang buhay! hahahaha! "  Nagulat si Justin sa kaniyang narinig. 

  Kinabukasan nagkita ulit sila ni Andrea. Nagkunwari siyang walang alam sa pinagagawa nito. Ngunit iniwasan niyang hawakan ito sa kamay..subalit si Andrea na ang humawak sa kaniyang kamay upang magpasalamat sa mga oras na kasama siya sa pagrerebyu nito. Unti-unting naramdaman na naman ni justin ang panghihina at kinuha ang kamay nito mula sa pagkapisil ni Andrea. "  Sa susunod na linggo Justin, ipadadala tayo ng paaralan para sa paligsahan sa Matematika at Agham. Kailangan nating paghandaan iyon. Sino man sa atin ang mananalo, maligaya ako basta kasama kita palagi." ang wika ni Andrea na lihim na nakangiti sa binata..

   Si Andrea ay kumukuha ng  abogasya sa kanilang paaralan. Nasa Unang taon na rin ito sa kolehiyo. Siya ay nakapag-aral ng hayskul sa Maynila at lumipat sa paaralan ni Justin sa  University of Koronadal.(UK)   Kilala rin siya sa paaralan nila na pinakamatalino. ngunit palagi na lamang itong nasa pangalawang pwesto  dahil kay Justin.. Katulad ni Justin accelarated din si Andrea . Dapat ay nasa unang taon pa lamang siya ng hayskul.

    Nag-isip na ng paraan si Justin upang mapigilan si Andrea na ubusin ang kaniyang katalinuhan at mailipat ito sa kaniya. kayat nag desisyon na siya na....

abangan sa susunod

Paligsahan sa TalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon