ikatlong labas

517 25 1
                                    

"Ano po ang gagawin ko mahal na diwata?" Pakitaan mo siya ng kabutihan , puro kabutihan at kapag hinawakan ka niya sa kamay , hawakan mo rin siya sa kamay . Tandaan mo Justin, kahit anong ipapakita niya sa iyo, gantihan mo siya ng kabutihan, sapagkat ang kabutihan ang makakatalo lamang sa kasamaan."  Makakaasa po kayo mahal na diwata at maraming salamat po." 

"Tok Tok Tok"   " Justin , anak narito si Andrea, hinahahanap ka. "  Nagulat siJustin at napabalikwas. Naputol ang kaniyang alaala sa mga pinag-usapan nila ng diwata..

  "Justin, san ka ba nagpunta, pasensya ka na ha, nagpunta na ako dito sa bahay dahil gusto kong mag-aral na tayo."  

"  Sige Andrea , maupo ka muna diyan at ipagtitimpla kita ng Juice". Aalis na si Justin nang biglan hinawakan ni Andrea ang kaniyang kamay  "Justin, salamat ha. ?salamat talaga" Nakaramdam na naman si Justin ng unti -unti panghihina ngunit hindi siya nagpahalata at hinawakan din ang kamay ni Andrea. " Walang anuman Andrea, masaya ako pag kasama rin kita. "  

     Biglang pumiglas ang kamay ni Andrea at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ni Justin. Ni hindi niya alam kung ano ang kaniyang nararamdaman. Sa unang pagkakataon, hinawakan din siya ni Justin at pinisil pa ang kaniyang palad."  "Bakit  Andrea, anong nangyari sa iyo?"  " ah....wala"

    Naramdaman ni Justin na bumalik ang kasiglahan ng kaniyang katawan. Nang bumalik na ito ay nagkuwentuhan muna sila. Maraming itinanong si Justin kay Andrea tungkol sa pamilya ngunit  matipid itong sumagot.  Ang alam lang ni Justin na wala nang ama si Andrea at tanging ina na lamang ang bumubuhay sa kaniya. Nakita ni Justin sa mga mata ni Andrea ang kalungkutan at naawa siya rito.  Ang totoo , hindi man niya aaminin, nagugustuhan at nakaramdam rin siya ng ligaya kapag nakasama si Andrea ngunit itinatak niya sa kaniyang isipan ang huwag munang pumasok sa isang relasyon. Alam niyang kumplikado ang buhay niya at abala sa mga paligsahan. Ang buong Pilipinas at buong mundo ay nakakikilala sa kaniya. Maraming mga taong halos hindi siya tinitigilan sa pagkumbinsi na kukunin siya. Pati na ang mga doktor sa ibang bansa .. Mabuti na lamang at may batas para sa mga menor de edad na katulad niya kaya takot din sila na maharass siya. MArami rin ang mga babaing may pagtingin sa kaniya at nangarap na makasama siya kaya lang mailap talaga sa babae si Justin. Maliban na lang kay Andrea dahil hindi siya tinigilan sa kakukulit na maging magkaibigan sila. 

   Nang makita siya sa isang mall, nagpakilala kaagad si Andrea. Nagulat siya dahil parang ordinaryo lang sa kaniya ang kaniyang ginagawa na maunang magpakilala sa lalaki .Dahil sa pagiging pursigido ng babae na maging kaibigan siya, at ipinagmamalaki niya rin na isa rin siya sa pinakamatalino, napahinuhod niya si Justin. Mula noon parati na silang magkasama..

  Gabi na nang matapos ang kwentuhan at pag-aaral ng dalawa. Nagyaya si Justin na ihatid si Andrea ngunit hindi ito pumayag.

   " Bukas, gugulatin ko rin siya, pupuntahan ko siya sa bahay nila at yayaing magsimba...

     kinabukasan naghahanda na si Justin sa pagpunta kina Andrea, "Sa wakas, makikilala ko na rin ang kaniyang ina na sinasabi ni diwata na may kakaibang kapangyarihan.  Dumaan muna siya sa isang tindahan at bumili ng mga pagkain at prutas na pasalubong niya sa ina ni Andea.

      Sa wakas , nakarating na rin siya sa lugar.  " TOk TOk Tok"

    " Andyan na..."  binuksan ang pinto at nagulat sa nakita. 'JUSTIN?

ABANGAN ANG IKAAPAT NA LABAS

Paligsahan sa TalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon