paligsahan sa Amerika- sino ang magwawagi?

416 19 5
                                    

Sumama ang magulang ni Justin ant sumama rin ang ina ni Andrea.

Tahimik lamang ang ina ni Justin habang ang ina ni Andrea ay maraming kinukwento sa kanila. Na kesyo kapag nanalo ang kaniyang anak sa paligsahan na ito ay ipapasyal niya sa bakasyon ang anak sa lugar na gusto nito. Ipinagmamayabang niya rin na marami ang humahanga kay Andrea at pag natapos nito ang kontest sa Amerika ay ililipat niya na si Andrea sa University of the Philippines sa susunod na taon. Ang kailangan niya lamang ay masungkit ni Andea ang pinaka prestisyosong  award para sa paligsahan na ito.

Tahimik lamang si Aling Norma,  ang nanay ni Justin, Pangiti ngiti lang at patango tango . Panatag na ang loob niya dahil sinabi na ni Justin ang plano niya sa contest. Ang magpatalo ng isang tanong para kay Andrea.

Contest na....

Iniisa-isa ng quizmaster ang panuntunan sa paligsahan. Naroroon ang mga delegado mula sa iba't ibang bansa. Bawat bansa ay may tig dadalawang kalahok. Ang sinumang mananalo ay maglalaban-laban sa final round. Kung dalawa mula sa Pilipinas ang mananalo, Sina Andrea at Justin ang maglalaban sa Final round. Napaghandaan na nila ito. ang tanong nga lamang ay kung makapasok sila sa finals.

Nagsimula na ang unang round. tabla ang bansang Japan, China,  Amerika at Pilipinas. Hanggang sa  difficult round ay dalawa na lamang ang natira. Tabla sina Andrea at  Justin.  Kinakabahan na ang nanay ni Andrea at halos walang tigil ito sa pagbulong.

Bago ang paligsahan sa finals may kaunting break muna. Nagkaroon ng pagkakataon  Ang nanay ni Andrea na kausapin ang anak.

" Andrea, lapitan mo si Justin, hawakan mo ang kaniyang kamay. Higupin mo ang kaniyang katalinuhan. KAilangang manalo ka sa huling round. !" utos ng ina

" Opo" ang tanging sagot ni Andrea sa ina. Papaano niya sasabihin sa ina na hindi niya alam kung bakit hindi niya na kayang higupin ang katalinuhan at lakas ni Justin. Ngunit opo lamang ang kaniyang nasabi upang hindi na magsalita pa ng kung ano ano ang kaniyang ina. Panatag din ang kalooban niya dahil nagpromise si Justin sa kaniya na magpatalo ito sa pamamagitan ng isang maling sagot.

Buzzzzzzzzzzz....... Hudyat na upang tawagin ang dalawa para sa final round.

magkasama sina Justin at Andrea na umakyat sa entablado. Nakita ng nanay ni Andrea na hinawakan nito ang kamay ni Justin kaya't napangiti ito at panatag na naupo. Samantalang si Aling Norma ay dasal lang ng dasal ang ginawa.

Unang tanong....

makikita sa malaking screen na 0 ang puntos ni Justin samantalang 10 naman kay Andrea.

Paligsahan sa TalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon