PAGBUBUNYAG NG LIHIM

504 26 6
                                    

 "JUSTIN?  Paanong....i mean... bakit nandito ka?

Yayain sana kitang magsimba at para na rin makilala ang mama mo. Nandyan ba siya? 

Sandali lang ha, tatawagin ko sa itaas.

Nang maiwan si Justin , nilingon niya ang kapaligiran ng bahay. NAkita niya ang animo'y altar na may iba't ibang larawan at mga babasahin. MAya-maya ay narinig niya na ang mga yapak sa hagdan.

" Ikaw pala si Justin, ang kaibigan ng anak ko. kamusta ka iho. Naku, idol kita iho. Alam mo bang gustong -gusto ko rin matulad si Andrea sa iyo, ang makilala sa buong mundo. Salamat at nagawa niya iyon noong huling paligsahan. Pasensya ka na ha kung natalo ka niya?  ang masayang balita ng ina ni Andrea na si Melissa.

OKay lang po iyon. natuwa rin ho ako at nanalo siya. paligshan lang naman po iyon. Ah, heto nga pala , mga prutas ho para sa inyo. Sabay abot ni  Justin ang mga ito kay Aling Melissa

Sige, sabi ni Andrea ay magsisimba kayo. salamat sa pasalubong iho.

"Salamat po Tita. o paano Andrea tayo na." binalingan si Andrea na kanina pa walang imik.

MAtapos magsimba, kumain sila sa labas. 

"Kanina ka pa walang kibo ah, may problema ba Andrea?

Wala....salamat...at hinawakan ang kamay ni Justin. 

NAgulat si Justin nang hindi siya nakaramdam ng panghihina sa pagkahawak sa kaniya ni Andrea. 

Hinawakan niya rin ito sa kamay at nagsabing" may problema ba? Bakit di mo sabihin sa akin at baka matulungan kita.

NAisip ko lang ang sunod na paligsahan. Gusto kong manalo Justin, gusto kong mapaligaya ang aking ina. Ito ang gusto niya. Maya-maya ay napahagulhol na siya ng iyak.

Shhhh... tahan na. Sige kung iyan ang gusto mo, magpapatalo ako sa isang tanong para manguna ka sa score.

Pero......nakakahiya Justin. Okay lang ba sa pamilya mo? Hindi ba sila nagagalit kapag natalo ka? Sinasaktan ka ba nila?

Walang problema sa akin at sa pamilya ko Andrea. Bakit, sinasaktan ka ba ng mama mo kapag natatalo ka?

Ha? ah....eh.....

Please sabihin mo sa akin ang totoo.

Huhuhuhu minsan. Napakabait mo sa akin Justin. Bakit mo ito ginagawa sa akin?

Kaibigan kita, mahal kita. 

May ipagtatapat ako sa iyo Justin. nagsisisi ako sa ginawa ko sa iyo. kung alam ko lang na kaya mong ibigay ang karangalan mo sa akin , sana hindi ko na ginawa sa iyo . maniwala ka , napilitan lang ako na gamitin iyon dahil sa aking ina. huhuhhu

Hindi kita maintindihan Andrea. Anuman ang ginawa mo sa akin, hindi ko na kailangang alamin... hindi iyon makakaapekto sa ating pagkakaibigan. Naiintindihan kita.

Pero bakit? hindi ka ba nagkaka interest na malaman iyon? 

Tulad ng sabi ko, naiintindihan kita. TAra na, ihahatid na kita.

Inihatid na nga ni Justin si Andrea sa bahay nila. Doon niya napagtanto na hindi na tumalab ang paghawak kamay ni Andrea sa kaniya. Tama ang diwata kapag si Andrea ay nakadama ng awa, hindi siya makahihigop ng kaniyang katalinuhan. naawa siya sa dalagita. Kakausapin niya ang kaniyang ina upang maihanda na sa susunod na paligsahan maari siyang matalo ni Andrea

Anak, kahit ano man ang maging kapalaran mo sa paligsahan, okay lang sa amin. MAsaya nga kami dahil matalino ka. May panalo o wala, mahal ka namin.-  pagbibigay ng kasiguraduhan ng ng ina..

 SA PALIGSAHAN SA AMERIKA

Paligsahan sa TalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon