Nasaan si Andrea

252 15 5
                                    

HALIKA KA NA ANDREA, BABALIK NA TAYO SA HOTEL" at  hinila na ni Aling Melissa si Andrea.

Naiwang nakatayo si Justin at nabigla. hindi man lamang siya nakapagpaalam sa dalaga.

KINABUKASAN...

Magkasabay pa rin sila sa eroplano ngunit hindi man lamang sila nagkausap .sa kabilang upuan naupo at sa kabila naman sina Andrea.

Pasulyap sulyap si Justin kay Andrea ngunit hindi siya natingnan ng dalaga .halatang umiiwas ito. 

Samantala nahagip ng tingin ni Justin si Aling Melissa at tinititigan siya nito at sabay bulong s sarili. Nanlilisik ang mga mata nito na nakatitig kay Justin. 

Nakaramdam ng panghihina si Justin at inalis ang tingin kay Aling Melissa. Dinukot niya ang bulsa para kunin ang panyo ngunit  ang nakapa niya ay ang kwintas na ibinigay sa kaniya ni Andrea. Hinimas niya ito lalo na ang palamuting kulay itim.palihim na hinawakan nang mahigpit sa ilalim ng bulsa hanggang nakadama siya nang unti-unting pagbabalik ng kaniyang sigla.

Doon niya lamang naunawaan ang sinabi ni Andrea sa kaniya tungkol sa kwintas.

"Anak, may problema ba?" 

"Wala po inay.

Matagal ang biyahe hanggang sa nakaidlip si Justin. 

"Congratulations  Justin," sabay yakap ng kaniyang lola sa kaniya.

"Salamat lola.." niyakap niya rin ito  at maya-maya ay nakita niya si diwata liway na papalapit din sa kaniya.

"Ahhhhhh" sigaw ni Liway at bigla itong tumilapon matapos matamaan ng isang mainit na liwanag mula sa dalwang palad ni Aling Melissa.

"DIWATA LIWAAAAAAAY...." napasigaw na sabi ni Justin habang nilapitan ang diwata.

"WALANGHIYANG BATA KA, IKAW ANG SAGABAL SA AKING MGA PANGARAP! KAYA'T HETO RIN ANG SA IYO!!!!!"  itinuon ni Aling Melissa ang dalawang palad na may lumabas na maiinit na liwanag sa katawan ni Justin.

"APO KO...." hinarang ng lola ang kaniyang katawan kay Justin at siya ang tinamaan ng nag aapoy  na liwanag..

napalingon si Justin at nakita niyang nagliliyab ang kaniyang lola at tumilapon din ito.

"LOLAAAAAAAAA"

"Justin, Justin, Justin, anak.. GIsing"

Napabalikwas si Justin at  halos maubusan ng hininga....

"Anak, nanaginip ka ba?umuungol ka at parang binangungot"

"Inay.....masamang panaginip po."

"Heto ang tubig anak, uminom ka muna.Ano ba naman ang napaniginipan mo?"

matapos uminom ng tubig ay sinabi ni Justin sa kaniyang ina na huwag mag-alala sa kaniya. hindi niya na ikinuwento ang kaniyang panaginip upang hindi ito mag-alala.

Sa wakas, nakarating din sila sa Manila International Airport. Pinagkaguluhan sila ng media at sinalubong sila ng mga interbyu. Matapos ang lahat ,Sumakay na sina Andrea sa sasakyan at ganoon din si Justin. 

Sa  pag-uwi sa kanilang bayan ay pinagkaguluhan din sila ng media. Abala sina Justin at Andrea sa engrandeng salubong ng kanilang kababayan...

Sa ikalawang araw ay sa paaralan naman sila binigyan ng pagtanggap. Sa dalawang araw na sila'y magkasama hindi man lamang sila nagkaroon ng pagkakataong magkausap dahil hindi umaalis sa tabi ni Andrea ang kaniyang ina.

BAlik eskwela na sila sa pangatlong araw.

Excited na si Justin sapagkat magkita na sila ni Andrea at magkakaroon na sila ng pagkakataong magkausap.

MAtapos ang klase ni Justin ay pinuntahan niya ang building na classroom ni Andrea ngunit di niya ito nakita. NAgpunta siya ng kantina ngunit di pa rin niya ito nakita.

Maghapong naghintay si Justin pati na sa loob ng silid aklatan ngunit nabigo siya.

"Ano kaya ang nangyari sa kaniya? Baka napagod at bukas na lamang mag-aral" sabi nito sa sarili.

KINABUKASAN..

   Matapos ang klase ni Justin sa isang asignatura ay pumunta ulit siya sa classroom ni Andrea ngunit hindi niya ulit nakita ang dalaga. nag txt siya ngunit walang reply.tinawagan niya ngunit out of coverage area na ang kaniyang number.

 Naghintay siya hanggang hapon ngunit walang anino ni Andrea ang sumipot.  Alalang-alala na si Justin.

Nagkaroon siya ng desisyon.......pupuntahan niya si Andrea sa bahay nito at alamin ang nangyari sa kaniya.

Paligsahan sa TalinoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon