Chapter 23- Friendsarry

10 0 0
                                    

Shane.

Ready na ako papunta sa university. Nasa kotse na ako ni papa pero si Mang Cody ang nagdadrive. Feel ko,may kulang. Ano ba kasing meron ngayon? Hay,wala. Hahaha. Ano ba kasi tong isip ko. Di nagtagal,nakarating na kami. Bumaba ako sa kotse at nakita ko agad ang apat dito sa parking lot. Wait,alam ko na! Friendsarry ng LIMA ngayon! Wah! Apat lang sila nandon. Wala si Kurt. Amp. Kakalungkot naman. Kkausapin ko nalang siya mamaya.

Pumunta na ako sa classroom at umupo sa upuan ko. Maya maya lang,dumating ang dalawang magkaibigan. Eh sino pa ba? Malamang si Hans at si Nathan. "Hi bestfriend!" Bungad agad sakin ni Hans. Ngumiti nalang ako. Sinamaan agad ako ng tingin ni Nathan. Problema niya? Tsss. "Hi Panget!" Yan naman pala eh. "Hello Uni---" "Shut up or I'll rape you!" Natigilan ako sa sinabi niya. Hmp! Bumalik na naman siya sa pagkamanyak niya. Urgh! Umupo nalang ako ng maayos. Si Hans naman,parang wala nang bukas kung tumawa. Pft. Binatukan ko siya. "Oo na,sorry bestfriend. Wahahaha irape ka ni Nathan! Wahahaha" sinamaan ko lang siya ng tingin. Buti dumating agad si Sir. Hay salamat. "Goodmorning class!" Tumayo kami at bumati. Umupo din ulit kami. "Mamayang 3:00PM ang report niyo. There at the theatre room. Dun nalang tayo. Tsaka nag invite ako ng tatlong tao para magjudge ng report niyo. Remember, this is 60% of your grade." Napahinto ako. Di naman madali ang buhay namin kaya di ako nakakasiguro kung magugustuhan nila ang report namin nang kabayong may sungay na to. Tumingin ako sakanya. Natatakot ako. Tumango lang siya sakin. Showing a sign na okay lang ang lahat. Huminga na din ako ng malalim. At nagdicuss na si Sir. Before kami nag dismiss,

"I just want to say,even though mga 1million percent bad boy tong LIMA, I just wanna say Happy Friendsarry boys. I am so proud dahil hanggang ngayon, kompleto padin kayo. Congrats boys." At nagsipalakpakan silang lahat. Ngumiti naman at tumango si Hans at Nathan. Naisip ko tuloy si Kurt. Pano sila magiging okay neto? Kasalanan ko kasi tong lahat ng to eh. Sana di nalang ako nagkagusto sayo. Pero...ay ewan.

Nagdissmiss na kami. Umalis na sina Hans at Nathan. Puntahan ko nalang si Kurt. Gusto ko siyang kausapin. Sayang naman ang friendsarry nila pag di silang LIMA ang magkakasama. Papunta na ako doon. Halos lahat ng mga estudyante,nagchi chismisan tungkol sa friendsarry ng LIMA,ang iba nga,kinikilig pa. Pumunta ako sa tambayan niya. Nandun siya. "Kurt?" "Oh? Shane? Sorry Shane ah,may lakad kasi ako eh. Mamaya nalang." "Di naman din ako magtatagal dito eh. Gusto ko lang magsorry. Apat lang ang--" ngumiti siya agad. "Okay na kami. Dahil yun kay Nathan. Wag ka nang mag alala,in fact sa apat ako papunta,may inorder daw sila para samin. Tsaka dun kami sa tambayan namin." Di ko mapigilang ngumiti. Ang saya ko ng buo na ang LIMA. Wah! "Ah sige. Ganun ba. Sige,mauna ka na,enjoy!" Hinalikan niya ang noo ko. Waaaaah! Kurt naman eh! "I'll enjoy." At umalis siya. Hay salamat naman. Natauhan na si Mukong. Kabayo. HAHAHA

Pumunta ako sa bulletin board. Nakota ko ang mga mukha ng LIMA. Happy Friendsarry daw. Siguro ang mga fangirls nila ang gumawa neto. Nanlaki agad ang mga mata ko sa nakita ko sa dulo ng bulletin.

NO CLASS DUE TO THE CELEBRATION OF THE FIVE CAMPUS PRINCES.

Ganun ba talaga sila kafamous? Wow ha. Birthday ko nga,regular class lang. Amp. No class daw. Pumunta agad ako sa labas. Nasa parking lot ako dumaan. Napatalon agad ako dahil may humawak sa braso ko. "Ihatid na kita Shane ko." Ngumiti siya. Ang gwapo niyaaaa! "Kurt?! Bakit...diba?...asan?" Yan. Nauutal na ako. Tumawa siya ng mahina. "Walang pasok diba? Galing ako sa apat kanina. We just took a lot of photos and pupunta nadin ako kala Hans kasi dun daw ang party. Gusto mo sumama?" Alok niya. "Party?" "Friendsarry party namin. Invited lahat ng studyante ng university. Sasama ka--" "di na Kurt. Masaya akong nabuo ulit kayong LIMA. Pero alam mo naman diba? Ayoko sa mga party. Kasi....." hinalikan niya ang pisngi ko. Nangangamatis tuloy ako sa pagkapula. "Kilala kita. I know every inch of you." Waaaah! Yan na naman siya! Kurt naman! Ngumiti nalang ako. "Eh..Mauna ka nalang Kurt,gusto ko kasing maglakad eh." "Sige. Bye!" At umalis na siya. Kahit kailan ang sweet niya! Naglalakad ako na nakaharap sa sahig. Yung kanina kasi.. si Kurt eh. Waahhaha. Ng biglang..

*tugsh*

Nabitawan ko lahat ng libro ko. Kinuha ko eto at nilagay sa bag ko. Nung nakita ko siya. Nanlaki agad ang mga mata ko. "Watch your steps." Alam kong masungit at baliw to pero di ko na napigilang ngumiti at napayakap ako sa kanya. Alam kong gulat siya. "Thank you! Thank you Nathan! Salamat talaga binalik mo na si Kurt! Thank you!" Wait what? Lumayo ako sa kanya. Shet,nayakap ko pala siya. Kakahiya naman. "Yan naman kami eh, at di ko matitiis ang best bro ko." Nagbow ako sa kanya. Nagpapasalamat. "Thank you." And he passed through me. Idc. Haha at masaya akong naglalakad pauwi.

Di nagtagal,nakarating na ako. Sina mama at ate,pumunta sa may kasal. May note siyang binilin. Si Josh,nasa school. Whole day sila dun. Hays. 10:00AM pa naman,nag ayos ako ng pambahay tsaka humiga sa kwarto ko. Inon ko ang tv ko at nanood ng TIL I MET YOU. Kakakilig kasi neto. Ng ilang minuto,para nang pumipikit ang mga mata ko. Humiga ako sa kama ko tsaka pumikit.

"Shane!" Napaupo ako sa sumigaw. Kakabuiset naman. Sira tuloy ang tulog ko. "Ano?!" Tanong ko. "Wala lang. hahaha Hi!" Tas nagwave siya. Kakainis! "Umalis ka na nga! Kakabadmood ka eh." "Tara!" "Anong tara?" Hinila niya ako papaunta sa cr. Tsaka sinara ang pinto. Nasa loob ako at nasa labas siya. "Magbihis ka na! Dali!" Nagbihis ako. At paglabas ko,nandun padin siya. "Tara!" Hinila niya ako papaunta sa kotse niya. Tinulak niya ako papasok sa loob. Nilapag ko nalang ang likod ko sa upuan. Pumasok din siya at umupo sa front seat. "San ba tayo pupunta?!" Kakainis kong tinanong. "Wag kanang OA dyan! Pasalamat ka nga dadalhin kita dun!" "Saan nga!" Nagmamaneho lang siya habang nagtatalunan kami. "Sa bahay ni Hans!" Ano daw? Bat niya ako dadalhin dun? "Bakit mo naman ako pinapunta dun?" "Just shut up." Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Nilapag ko ulit ang likod ko sa upuan.

Di nagtagal,nakarating na kami. Andaming tao. Parang isang grand opening ng bansa. Rich kid nga naman. Nasa parking area palang kami ni Hans, dinig na dinig ko padin ang ingay ng sound system. Ano tong bahay na to? Disco venue? Pft. Lumabas ako sa kotse.

"Pssssst!" Napalingon kami sa kanan at nandun si Hans. Masaya siyang lumapit. "Wow! First time! Talagang aatend ka sa party ah?" "Kasi lang naman a--" "she wants to. Its worth a try." Singit ni Nathan. Arghhh! Tumango nalang ako. Kahit kelan epal ka talaga NATHAN!!!! Pumunta nalang kami sa loob. Mga tao dun,nagsi sayawan. Ayaw ko sa mga ganito. Yung masikip dahil andaming tao, yung may mga alcoholic drinks sa gitna. Thats not my thing. Dumating si Hans. Hinila niya ako at dinala sa may kwartong nakatago sa itaas. Pumasok kami. Ganda din ng kwarto. Guest room ata. "Alam ko namang ayaw mo sa mga ganito eh. Dito ka nalang Shane,may pagkain sa ref. Kumuha ka nalang kahit anong pagkain sa baba ha. May tv,wifi at kahit ano dito sa guest room na to. Sige,I have to catch something." Kumindat siya. Parang baliw. "Salamat Bestfriend ha." "No problem bessy!" Kumindat siya at sinara ang pinto. Bessy talaga? Samin ni Herelie yan eh! Hmmmm,ganda ng room nato. 1/2 just like Nathan's room. Ganda. Humiga ako sa kama at inon ko ang tv. Boring eh.

Inlove With The Badboy's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon