Chapter 27-Getting Ready

7 0 0
                                    

"Ate! Ate! Anong oras na!" Ayyyyy! Kakainis naman! Ang sarap pa ng tulog ko. Haysh! Minulat ko ang mga mata ko. Nanlaki agad ang mga mata ko nung nakita kong 6:45 na pala.

Dali dali akong nag ayos at pumunta agad ako sa school. Pagdating ko,titig ng titig sakin yung mga studyante. Anong meron. "Hi Shane! Goodluck bukas ah?!" Natauhan agad ako. Seriously?! Bukas na ang MS.INTELLIGENT?! Urgh! Ang dali naman ng araw! Pumunta agad ako sa room at umupo sa upuan ko.

"Hi Bestfriend!" Bungad agad sakin ni Hans. Ngumiti nalang ako. "Mukhang ang sama ng gising mo panget ah?!" Sigaw ni Nathan. Naku please! Kakainis! "Shut up. Wala ako sa mood okay?!" Sigaw ko. Napatahimik yung dalawa. Salamat naman.

Biglang pumasok si Ms. Steinfeld. "Okay class,di na tayo magdiscuss. Tutulong tayo kay Ms.Shane para bukas." Nanlaki agad yung mga mata ko. Ay shete. Biglang itinaas ni Hans ang kamay niya. Tumango si Mam. "Gusto ko po mam, kami ni Nathan ang kasama ni Shane sa talent portion." Sabi niya. "Okay good. Sige. All of you,please make a circle and lets talk about tomorrow." Sabi ni Mam.
Sinunod namin ang mga utos. Nakacircle na kaming lahat.

"Sige,eto yung plano. Ang gagawin sa talent portion,sasayaw na may halong drama. Ang meron nito,si Shane,namimili ng lalaking mamahalin. Yung gusto niya o yung may gusto sa kanya. Ako yung gaganap na may gusto sa kanya. At ikaw! Sean? Ikaw yung magpanggap na gusto ni Shane ah? Magdadrama din tayo. Tas sa huli,dadating si Nathan,at siya yung napili ni Shane." Opinyon ni Hans. Umoo naman ang lahat. "So? Anong kanta?" Singit ni Dena. "Ano nalang! Yung kantang....ano bayun..ah! Yung kantang mahal ko o mahal ako!" Sabi ni Sean.

Lahat sila umoo. "Pero,bakit si Nathan? Bakit siya ang magkatuluyan ko?" Singit ko. Totoo naman eh,I don't like him. "Bakit? Chance mo na to para makapartner ang crush mo." Singit ni Nathan. Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa siya. Pffft. "Okay na! Wala nang atrasan ah? Hmmm.. kailangan ko ng apat na babae para maging back up dancer." Sabi ni Hans.Nagvolunteer yung kaklase kong apat na kasali sa cheering squad.

Nakakatouch naman. Nagparticipate sila para lang sakin. Huhu I love you class A! "Sige,magpapractice kami ng stepping at Shane? Dun ka muna sa mga babae at ni Ms. Steinfeld para sa introduction mo. Tumango ako at nagpractice lumakad at yung introduction ko. Ang hirap pero sige, class A to kaya dapat gawin ko ang lahat.
Sabi ni Ms. Steinfeld na siya na daw bahala sa lahat ng susuotin ko kaya wala na akong problema.

Pagkatapos ng kalahating oras,pumunta ako kina Hans. "Sige,reday ka na Shane?" Tumango ako. Nagpractice na kami. Kahit ayaw ko kay Nathan,gawin ko nalang to. Wala na akong magawa eh.

Pagkatapos lahat,lunch na. Papunta na akong canteen ng may humila sakin. Let me guess..."Hi Shane." Sabi ko na eh. Kilala ko tong taong humihila sakin kada break. "Oh Kurt? Anong meron?" "Miss kita eh." Eeeeeeh? Kurt! Wag ganun be! Waaaaah! I love you! Wahahaha. "So? Ready ka na ba para bukas Shane?" "Di pa. Pero kakayanin ko." Inakbayan niya ako. Naglalakad kami papunta sa canteen. "Kaya mo yan! Alam ko Shane. Di mo matitiis ang Class A." "Kakayanin ko nga eh. Well,baka bukas mukha akong pusa na nadaanan ng tsunami." Ginulo niya ang buhok ko. "Kahit maging pangit ka sa lahat ng pangit,nandito padin ako. Mahal padin naman kita eh." Wew! Nang iinit na talaga ang mga pisngi ko. "Salamat Kurt ah,nandito ka palagi para sakin." "Thats what I do for someone I love."

Kurt naman eeeeeeeeeeeeh! Nakarating na kami sa canteen. Bumili kami ng napakaraming pagkain at kumain kami. Kumaikain ako ng may tumawag sakin.

"Ateeee!" Inangat ko ang ulo ko at nakita ko ang maganda niyang mukha. "Bakit Nikki?" "Wala lang. goodluck bukas ah. Magchecheer ako!" Tas umalis siya. Ayie naman..kakatouch. Andami ko nang supporters haha.

"Shane,galingan mo ah?" Huminga ako ng malalim. "Gagalingan ko sa makaya ko. Bakit? Sino ang mga kasama ko dun or ka co-candidates?" "Sina Gillian, Hanna, Jenny tsaka si Kasha." Malapit ko nang maibuga lahat ng pagkain sa bibig ko. As in,SERIOUSLY? bitch please.

Gillian Magarento,leader ng cheering squad. Valedictorian. Di ko siya ka grade, she is one year older than me. She is a pen shoppe model at magiging future Ms. World daw siya sabi ng marami.

Hannah Santina,leader ng girls' dancing squad. Valedictorian siya nung elementary at top 1 ngayong high school. Grade 8 siya. Which means I'm 2 years older than her. Sabi din ng marami, HER BENCH model daw siya.

Jenny Keller,leader ng acting squad. Salutatorian,kaklase ko noon. Ewan bat nasa Class B siya ngayon. Siguro sa boyfriend niya na nasa class B din. She is half British. Hollister model din siya.

Kasha Jones, Australia's pride. Half Australian siya. Salutatorian din,grade 9. Leader ng "The Singing Models." Ilang countries na ang napuntahan niya sa mga contests. And the most voted Aeropostale model.

Umiikot na ang ulo ko. Really?! Silayung mga kalaban ko? No way! Puro sila certified model... eh ako? Model sa basura? Ganun? Mygadd! Help me! "Don't worry Shane,nandito naman kami eh." Comfort ni Kurt. Salamat talaga Kurt. Lagi talaga siya nandyan para sakin. "Salamat." Sabi ko.

Last Bell na,umuwi na ang mga studyante. Ako namandito sa room, nakatulala. Eh bakit pa sila ang mga kalaban ko? Wala naakong paki kung 6:00PM na.

Puro sila sikat. Ano bang ipagmamalaki ko sa sarili ko? Na pangit ako? Na Nerd ako? Ay ewan. Masakit na.

"Ang aga mo naman." Inangat ko ang ulo ko. Sinamaan ko lang siya ng tingin. Umupo siya sa tabi ko. "Hoy Panget na Nerd! Ano bang problema mo ha?!" Napaatras ako sa lakas ng pagkakasigaw niya. "Ano ba?! Pake mo ha?! Umuwi kana! Inaantay kana sa Baliw mong Kabayong May Sungay!" "Fvck. Don't Call Me that!" Sigaw niya. Ayoko na.

Tumayo ako at papunta sa gate. Ramdam kong sinusundan ako ng baliw na to. Tumalikod ako. "Ano ba? Hanggang dito pa ba?" "Ehem,first,its a lane. Sayo bato? Second,hanggang dito? Bakit sinusundan ba kita mula kanina? And third, this is a lane patungo sa gate. Saan ba ang exit ng university na to? Diba sa gate?" Sinamaan ko nalang diya ng tingin.

Tumakbo ako papunta sa bahay. Nasa gate na ako ng bahay at feel ko may nakatingin sakin. Wait what? Gabi na naman ah. Bakit prang nangingilabot ako? Nooooooo! Pumunta agad ako sa loob. Nagpaalam nina mama at sa mga kapatid ko kung bakit natagalan ako.

Pagpasok ko sa kwarto ko, may malaking box. May paper dun.

Hi ate!
Eto yung susuotin mo bukas. Tatlo yan,sa intoduction number,sa talent at sa formal. Galing yan sa tita kong designer dun sa Hong Kong. Instead na magbayad ka, galingan mo nalang okay? Sige ate,I'll do the best cheering leader for you tomorrow. #TeamShane I love you ate❤️

                                            -Nikki Jang💘

Naku naman. Kakatouch talaga. Salamat Nikki ah. Mygad hulog ka nang langit sakin. Binuksan ko ang box tas may mga heels dito! Perfect talaga. Buti mabait si Nikki unlike her brother na napaka ugh! Demon. Nilagay ko ang box sa closet ko at nagsuot na ako ng pjs ko.

Ewan ko kung pano,but for the sake of Class A. I'll do what I can....

Inlove With The Badboy's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon