Ang sarap ng tulog ko. Galing ah. Parang wala na akong katabi. Minulat ko ng unti unti ang mga mata ko. Ako lang ngang mag isa. San kaya yung Kabayong yun? Bumaba ako. Ay oo nga,naka pajamas ako. Nagbihis kasi ako bago natulog eh. Bumaba ako at may naamoy akong masarap na amoy. Sinundan ko ito sa kusina.
"Goodmorning babe!" Napasigaw ako dun. Nilagay ko ang mga kamay ko sa bewang ko. "Babe?! Tsk. Di tayo close." Tumawa siya. At hinarap niya ako. Shet! Naka pajamas siya at nakatopless! Pero naka apron naman siya. SIX PACKS. Ugh! Kumindat siya sakin. Hmp! Kinuha niya yung niluto niya at dinala sa mesa. Umupo ako. "San pala si Hans? Tsaka yung tatlo?" Kumuha siya ng dalawang baso ng gatas. Nialapag niya ang mga ito sa mesa at umupo siya sa harap ko. "Ayun. Knock down. Dun na sila natulog kala Kurt. Before the party ended,kala Kurt sila pumunta. May handaan daw dun." Uminom ako ng gatas. "So? Sinong nandito?" "Tayo lang. nag iwan siya ng note eh." Kumakain kami. "Nga pala, anong oras pa?" Tinignan niya ang relo niya. "6:30AM" "ang aga naman." Tumawa siya. "Aga? Its 30 minutes late." Tinaasan ko siya ng kilay. "Di ako early bird no." "Well you have to. Oh before I forget, nagtext ako sa mama mo, sabi ko mamayang gabi ka uuwi." Nanlaki agad mga mata ko. "Ano?! Gabi! Bakit?" "May lakad tayo mamaya." "Saan?" "No questions!" Bossy! Hmp! Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Pagkatapos namin kumain,nilagay namin ang kinainan namin sa lababo. Naligo nadin ako at nag ayos. Ganun din si Nathan. Pumunta ako sa closet at woah! Marami palang mga pambabaeng damit dito! Sinuot ko agad ang white skirt at kumuha ako ng ZAP printed tshirt. Ganda. Nanghiram din ako ng flat shoes. At inayos ko ang buhok ko. Bamaba ako at nandun na si Nathan. In fairness, ang macho niya tignan sa NIKE tshirt niya with matching white pedals at Vans Shoes. "Tara!" Bungad niya. Sumunod ako sa kanya. Sumakay siya sa kotse. Sumakay din ako sa tabi niya. Nagmaneho siya. "Saan ba tayo pupunta?" "Sikretong malupet!" Sabay kindat. Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Tsk. OA.
After 20 minutes,nakarating na kami. Haha dito lang pala sa mall. Tsk. Bumaba ako at siya din. Nasa loob na kami ng mall. "San tayo?" Tanong ko. Hinila niya ako at nasa Starbucks na kami. Umorder siya ng dalawang Choco Ice Cream Overload. At umupo siya sa harap ko. "Dito lang pala?" Sabi ko. "Not just here. I just want to be free for one day." "Bakit?" "Shut up." Sinamaan ko nalang siya ng tingin. Tektang to. Hmp! Pagkatapos namin,bumili kami ng sundae na cookies and cream,take out.
Naglalakad kami habang kumakain. Napasigaw ako nung tinapon niya ang sundae sa damit ko. "Ano ba?!" "One point saken." Sabay evil smile. "Yan pala gusto mo ah.." tinapunan ko din siya. Akala mo ikaw lang ha! Wahahaha! Nagtapun tapunan kami ng sundae hanggat sa maubos ito. "Tignan mo! Ang lagkit ko na!" "Tss,ako din naman."
Hinila niya ako sa may tshirt shop. Nanlaki agad mga mata ko ng puro couple shirt ang nandun. "Sa iba nalang tayo!" "Hey! This is my treat. And can't you see? Ang lagkit na natin? And this is the only shop close to us." Napabuntog hininga nalang ako. Hay! Kakainis. Bumili siya ng couple shirt na kasya namin. Siya yung may King crown ako naman yung Queen. Ugh! Ang weird.
Nagbihis na kami. Pagkatapos,pumunta kaming timezone. Naglaro kami ng basketball. "One shoot,One Kiss." Nanlaki agad yung mga mata ko. "Ano?! No way! Di tayo close!" Tumawa siya. "Haha! Kala mo totoo yun? Wag kang assuming!" Arghhh! Binato ko siya. Tumawa na naman siya. Baliw. Pagkatops naming maglaro,pumunta kami sa Jollibee para mag lunch. Umupo ako sa tabi ng window. Siya naman yung umorder. Ako lang mag isa dito. "Hi miss." Inangat ko ang ulo ko. Nanlaki agad yung mga mata ko sa nakita ko. Natatakot ako,para siyang criminal. Argh! Help! Umupo siya sa tabi ko. NOOOOOO! "Miss? Are you single? Can I take you to my place?" Sabay kindat. Lord Help!
"Babe? Who are you talking to?" Nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi niya. Sinamaan niya ng tingin yung lalaking mukhang criminal. "Girlfriend mo pala to? Sorry ah. Sige enjoy." Sabi ng mukhang criminal na parang natatakot. Eh totoo naman eh? Natatakot nga ako nung nagbabe siya sakin. Umalis na yung lalaki at tumabi si Nathan sakin. "Huy! Anong yung ginawa mo ha?!" Naiinis kong tanong. Nagsmirk siya sabay evil smile. "Wala ka man lang thank you ah." Napabuntog hininga nalang ako. "Thank you." Sarcastic kong sabi. "It is the only way to save you." Ngumiti nalang ako. Totoo naman,yunlang yung paraan.
Awkward. Kumain nalang kami. Wala akong paki sa mga tao dito kaya kumakain ako ng para bang 1 year na di ako kumakain. Wahahaha you know what I mean.
Pagkatapos namin kumain,nasa labas na kami ng Jolibee. "San tayo Nathan?" Huminga siya ng malalim. "Be careful." Sabi niya. Mukha siyang seryoso sa sinabi niya. "Ano? Bakit na--" hinila niya ako papunta sa cr. Ewan ko kung pang anong cr to. "Ano bang ginagawa--" "shhhh! They spotted us." Sambit niya. Ano ba to? Di ko gets! Huhu help me!
"Lets get out of here." Umalis kami ng SM mall. Sumakay kami sa kotse niya. Habang nagmamaneho siya,di ko mapigilang di magtaka. "Bakit? Ano bang nangyayari?" Huminga na naman siya ng malalim. Ewan pero bakit ako kinakabahan? Hays. Pahamak talaga tong tektang to.
"Kris." Nanlaki agad ang mga mata ko sa sinabi niya. Kris? Familiar eh. "Sinong Kris?" Tanong ko. Ewan ko pero parang kilala ko yun eh. "Kris, Kris De Leon." Agad nanlaki ang mga mata ko. Siya nga. Pero bakit? Anong meron sa closest pinsan ko? "Bakit? Pinsan ko yan!" "You don't know anything about it Shane." Napabuntog hininga nalang ako. Bakit? Anong meron kay Kris?
Hininto niya ang sasakyan at nasa parking lot kami ng Star City. Nanlaki agad ang mga mata ko sa kasiyahan. Bumaba kami. Para akong bata na tumatalon. "3 years old palang ako nung nakapunta ako dito." Sabi ko. Share lang. "ako di pa." Sabi niya. Nagulat ako nun. "Sure? San kayo naglilibang noon?" "Sa Universal Studios lang kami tsaka sa Disney Land lang." sabi ko nga eh. Ikaw na,ikaw na ang rich. Pft. Hinila niya ako papunta sa may Ice Cream stand. Kahit kelan. "Pabili ng cookies and cream! Dalawa!" Sabi ni Nathan. Nagbigay ang ale ng dalawang cup ng ice cream sa kanya.
"Eto iho,mag enjoy kayo! Relationship goals talaga." Nanlaki agad mga mata ko nun. May pa goals goals pa siya ha? "Naku po---" hininto ni Nathan ang sasabihin ko at hinila niya ako sa may bench. Umupo kami. Habang kumakain, napapansin kong may milyon milyong mata na nakatutok samin. Eh pano,naka couple shirt padin kami. Hays. Kakainis naman. Ang weird tuloy.
Natapos na kaming kumain tsaka hinila niya ako. Nasa harap na kami ng ROLLER COASTER?! Noooooooo! Mygad help! I die! Huhu! "Nathan,wag nalang dito please?" Pra akong bata na natatakot. Hawak hawak ko pa ang braso niya. Tumawa siya. "Takot ka jan? Naku naman,ganda niyan oh?" "Wag na please!" Hinila niya ako at sumakay kami. Magkatabi kami.
"Nathan naman! Sabi kong wag dito! Aalis ako---" patayo na ako ng pinigilan niya ang braso ko. "Its worth a try." Napabuntog hininga ako at umupo. Treat niya naman to eh. Sige nalang. Hinay hinay na papunta sa taas ang sasakyan namin. At pagdating sa tuktok,grabe,halos maputol ang ugat ko sa kakasigaw. Takot na takot ko ng yakap yakap ko ang braso ni Nathan. Ang weird pero bitch please,I hate roller coasters. Waaaaaah! Grabe talaga! Nakakatakot! Hanggat sa huminto na ang sasakyan. Bumaba na kami. "Namumutla ka." Sabi ni Nathan. Binitawan ko ang braso niya at inayos ko ang sarili ko. Naglalakad kami. "Ganda ng roller coaster no?" Hinampas ko siya sa braso. Ako pa ang nasasaktan sa tigas ng braso niya. Huhu. Tumawa siya. "Dun tayo sa Ferris Wheel" sabi ko. Tumango siya. Nagline kami sa ticket line at sumakay. Para akong nabo bore pero ang ganda sa baba. Ang akward lang kasi kami lang ni Nathan ang nakasakay sa 14th na sasakyan.
"Salamat." Nanlaki agad ang mga mata ko dun. Well hello? Isang 2 million percent badboy ang nagpasalamat. "Bakit?" Tanong ko. "Dahil pinasaya mo ako ngayon." Nakangiti niyang sinabi. "Salamat din,dinala mo ulit ako dito." Nakangiti kong sinabi. Tumawa siya. "Stupid." Aysh,bipolar naman neto.
Nang natapos ang ferris wheel,pumunta naman kami sa bump car. Halos dalawang oras na kami nagpapasyal dito. Ang dami na naming natry. Ganda nga eh. Naglalakad kami at nagulat ako sa nakita ko. Waaaaaah! Teddy beaaaaaaaar! Hinila ko si Nathan papaunta dun. "Bilhan mo ako please?" Para akong bata na nagpabili ng lollipop. "Sino ka?" Pang aasar niya. "Sige na! Please!" Sabi ko. Gusto ko kasi yung teddy bear eh! "Fine." Sabi niya. Tumatalon ako na parang bata.
"Sir,basketball lang yan,pag maka 10 points ka,makukuha mo yung bear." Sabi ng lalaking nagtitinda. Eh? MVP kaya tong si Mukong. Nagbayad siya at kumuha ng bola. Pumunta muna ako sa may bench at umupo. May mga magboyfriend dun sa tabi tabi. Naiinggit tuloy ako. Hay. Miss ko na si Kurt eh. Nakatulala lang ako kakatingin sa mga couples.
"Hi. Long time no see."
Inangat ko ang ulo ko. Shet.
BINABASA MO ANG
Inlove With The Badboy's Bestfriend
Teen FictionMeet Shane Lin,yung addicted sa books,yung laging binubully,yung loner. For short,yung Campus Nerd. She is known to be bullied. And she never cared. Wala siyang paki sa world kundi ang grades niya. Until one day,may mga unexpected na taong pdumatin...