Chapter28-Ms.Intelligent

9 0 0
                                    

Minulat ko ang mata ko. Hay naku. Ngayon na. Ngayon na talaga. Wala nang atrasan Shane. Naligo ako at nag skirt at tshirt lang ako para madaling palitan.

Ganyan na ba talaga ang buhay? Pipiliin ang madaling palitan na di mo man malaman kung gano siya masaktan.

Ay ano ba to! Hugot? Ganun? Pero ang lame ah. Wahahahaha. Bumaba ako at nagluto si mama.

"Goodmorning anak!" Ngumiti lang ako. "Baby? Galingan mo ah?" Sabi ni ate. Tumango nalang ako. "Ate! Pag manalo ka,it will mean na gumanda ka ng 0.1%" sinamaan ko nalang siya ng tingin. Si Josh talaga! Pero love ko yan. Hehe.

Kumain ako at pagkatapos,pumunta na ako sa school. Busyng busy ang mga tao ngayon. Porket may pageant,busy dapat lahat? Naku naku! Di na dapat akong mabusy,wala na talaga akong pag asang manalo. Pagpasok ko sa room,aba? Busyng busy sila! "Shane! I hired two of my friends para magpaganda sayo. Meet Gemma and Lottie." Sabi ni mam. Ngumiti yung dalawang kasama niya. Ngumiti din ako. Kinuha agad nila ang box na dala ko at nilagay sa mesa. Pinaupo nila ako.

Si Gemma yung nag ayos ng buhok ko tas si Lottie sa mukha ko. Ewan ko ba pero kinakabahan ako. Nakikita ko sa salamain kung gaano kabusy sina Hans. Best supporter talaga tong bestfriend ko.

"Wag kang sumilip bestfriend!" Sigaw ni Hans. May pasecret secret pa sila ah? Ano kaya yun. Inalis ko nalang ang tingin ko sa kanila. Halos isang oras nila ako inaayusan. Ang dami nilang nilagay sa buhok ko. At parang feeling ko,mukha akong clown dito dahil andami nilang nilagay sa mukha ko.

Pinikit ko nalang yung mga mata ko. Di rin nagtagal,natapos na sila. Gusto ko na bago ako tumingin sa salamin, suotin ko yung dapat kong suotin sa introduction. Nagbihis ako.

Tumingin ako sa salamin. Hala! Shane?! Ikaw yan?! Shet ang ganda ko. Wait, bakit naging blue yung buhok ko? Tsaka yung mata ko? Ay bahala na,at least nagmukha na akong tao. Suot ko ngayon ang Black skirt na may matching white blouse. At heels. Simple pero maganda.

"Wow! Shane! Ang ganda mo!" Sigaw ni Hans. Wow ha,first time. Wahahaha. Lahat sila naghiyawan. Ang saya saya nila. Nakakatouch naman. Wait,parang may kulang....

San si Kabayo? Hala ka! Okay lang sakin kung wala siya,pero bat ngayon pa? Kasama siya sa talent portion ko. Hay bahala ka jan Kabayo. Hmp!

"Excuse me,but the pageant is starting in 20 minutes." Sabi nung babae. Kinakabahan na talaga ako. Alam ko namang wala akong pag asa. Ang kinakatakotan ko lang... Isa akong palpak na babae. Pano pag pumalpak ako dun?! No!!! Huhu help me!

Papunta na kami sa backstage. Pagdating namin. Omo! Ang gaganda nila. Well,as always. Ang sama ng tingin nila saken. Huhu help! Umupo ako sa may bakanteng upuan. Ngayon ko lang napansin,ang ikli ng mga palda nila. Di naman sila poor ah? Bat nagtitipid sila ng tela? Tssss.

Ako yung number 5,last number. Huhu. Buti last ako. Mygad.

"Good day students!" Naghiyawan ang mga tao. Eto na. Eto na talaga. Shane pls. Ngayon lang,kakayanin mo. Nag bigay ng minsahe yung principal namin. Habang nagsasalita,tinawag na kami ng organizer. "Okay candidates! One line by number now!" Sabi niya.

Nanginginig na ang buong katawan ko. FIRST TIME KO TO. Shet talaga. Kada hakbang ko parang bang ang bigat ng paa ko. Napansin kong may pumikpik sa balikat ko. Paglingon ko sa kanya, niyakap ko siya ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit. Kahit gaano siya ka busy,naka punta parin siya dito.

"Goodluck baby,kaya mo yan." Ngumiti ako. Tsaka umalis na si ate. Okay. Huminga ako ng napakalalim. Unti nang nabawasan ang kaba ko. Okay. Woh. Kaya ko to.

"Are you ready?!" Naghiyawan lahat ng mga tao. Eto na. Lord,guide me always please. "Candidate number one!" Umakyat na si Gillian. Naghiyawan ang mga tao. Bakit ba naman hindi? Famous eh.

Inlove With The Badboy's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon