Kabanata 1- Nang una kang masilayan..

715 20 4
                                    

a/n

friends sorry po sa matagal na pag-iintay:(( pinag-isipan ko pa po kasi kung iwa-one shot ko o hindi ito e, pero final na, three chaps ang story na ito:)) hehe sana po magustuhan niyo:)

***

January 30,2013.. 9:00 PM....Mt. Makiling..

" Alvarez! " sigaw ng nakakatandang opisyal namin ng utol ko kaya napalingon kami pareho ni kuya tas tumakbo papunta sa kanya..

"pumarito kayong dalawa, may itatanong ako.."

siya nga pala, nasa kampo ako ngayon sa bundok Makiling kasama ng mga kapwa kong sundalo, sumunod na rin ako sa yapak ni kuya, ewan ba pero ito ang gusto ko kahit alam kong delikado..

at ito ang unang araw ng pagsisilbi ko bilang baguhan..

paglapit namin kay chief, inakbayan naman niya kami," soldiers, sigurado ba kayo na maraming ginto sa bundok na to at nasa diwatang kumuha sa tatay niyo ang iba pa? pumayag akong back up-an ang pagrescue sa tatay niyo kahit mukhang kahibangan ang kwento niyo sakin pero sa oras na malaman kong pinagloloko niyo lang ako..malalagot kayong dalawa, hindi biro ang tumanga dito sa gubat para sa wala..naiintindihan niyo ba?"

 "yes chief, malinaw na malinaw, makuha lang namin ang ama namin, ibibigay ko sa inyo ang gintong nasa kamay ng diwata, kayo ng bahala kung anong gusto niyong gawin sa kanya.." sagot ni kuyang kinapoot ng dibdib ko..ang totoo, ideya lang naman niya yan, hindi nga ko sang-ayon dahil narinig niyo naman, oras na  makuha nila si papa at ang ginto, kung may ginto nga, kasunod nun baka patayin nila ang diwatang ito at kung ano pa man, kaya naman sinakyan ko ang plano nila at..

" Ikaw Alvarez jr. malinaw na ba sayo ang gagawin mo? handa ka na bang maging pain at humarap sa diwatang kumuha sa ama mo?"

"yes chief." 

pumayag akong maging pain sa diwata..

"good, back to  your tents now."

kung ako ang makakahanap sa kanya, at kung siya nga ang babaeng nasa panaginip ko na matagal ko ng hinahanap..gagawin ko ang lahat makumbinsi lang siya at ang lahi niyang ibalik si papa ng walang dahas na mangyayari..

pano?

simple lang..

gamit ang pagmamahal..

at kagwapuhan ko..

*smirk*

" HUY!"----"AGAAY!!" yamot ko namang sigaw ng batukan ako ni utol habang nakaupo kami sa loob ng tent! problema niya?

"Ano nanaman tol? nanahimik ako dito ah?"

"nakakairita yang katahimikan mo! gag*! may pangisi pang parang ulol pucha! wag mong sabihing minamanyak mo yung diwatang sa panaginip mo sa utak mo? wag kang mag-alala, mamaya makakadaupang palad mo na siya!" napakalalim namang makadaupang palad niya yan, pede namang maka face to face nalang, at ano raw?? M-minamanya-----"lul! asa men!  di ko gawain yun nu! iniisip ko  lang kung anong itsura niya..ano kayang sasabihin ko sa kanya mamaya?"

"ibang klase rin ang panang pinukol sayo ni kupido e nu? lakas ng tama mo e, tol paalala lang, pwedeng siya at ang diwatang kumuha sa ama natin,iisa, kung hindi man, lahi parin niya ang dahilan kung bakit wala kang nakilalang tatay at ang gabi-gabing pag-luha ni inay kaya ngayon palang itigil mo na yang kahibangan mo, baka mapatay ko pa yun pag hinarap mo sakin."

Aking Diwata [short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon