ANG HULING KABANATA

658 33 22
                                    

ANG HULING KABANATA

[Maria Makiling's POV]

"MARIA!" 

lubdup...

"I-ILA?" (A/N: yan po ang tawag ng mga diwata sa "lola" )

sandali namang lumakas ang tibok ng puso ko at napahiwalay ako sa yakap ni Eric ng marinig ko ang nakakakilabot na tinig ng aking ila..

"Sino siya mahal ko?" tanong naman sa akin ni Eric na hindi ko nasagot pagkat tumulo na ang aking luha habang nakatingin sa akin si ila," P-paanong..paano niyo ho nalaman na narito ako.. Ila?" hindi ko lang lubos maisip kung paano niya kami natunton dito gayong napakaliblib na ng lugar na ito..

"Sa tingin mo ba'y hindi kita matunton sa laki na iyong tapat na ibon na nagbabantay sa labas ng kwebang ito? halika nga dito! sumama ka sakin!" mariing hawak ni ila sa braso kong halos ikapula ng balat ko palayo kay Eric ngunit, " teka sandali lang naman diwata! huwag mo nga siyang pilitin kung ayaw niyang sumama sayo! sino ka ba ha?!" pagtataas ng boses ni Eric sa ila ko kaya sinamaan siya ng tingin nito, hay hindi dapat siya sinagot ng ganoon ni Eric, lalo siyang pag-iinitan ni lola e *hikbi* hindi ko naman siya masisi pagkat ang anyo ni ila ay tila kasing edad lamang namin,  " Manahimik ka walang modo! hindi ka diwata tama ba ako ? pagkat kung tulad ka namin, dapat ay kilala mo ako! isa pa.." hindi ko naman maintindihan ang tingin ni ila kay Eric, tinitigan niya ito ng matagal na tila---"halika na Maria, lumayo ka na sa lalaking yan, hindi siya nararapat sayo!" sigaw ni ila sa akin at hinawakan niya muli ang braso ko,

"*hikbi* ila sandali lang po h-hayaan niyo po muna kong magpaalam sa kanya ng maayos aalis rin naman po siya e, diba Eric? *hikbi*" tinignan ko naman si Eric ng nagmamakaawa tingin na sana ay nakuha niya..

"M-maria? p-pero sandali hindi ko naiintindihan ano ba talagang nangyayari? bakit ka niya kinukuha? mas mataas ba siya sayo?"

"Eric ipangako mo muna sakin na hindi ka na magpapakita sakin kahit kelan pakiusap *hikbi*

"kahit kailan? hindi naman ako papayag na hindi na tayo magkikita----Tigilan mo ang apo ko tagalupa! huwag mong lasunin ang isipan niya!"

"A-APO? lola mo siya Maria?"

"Oo Eric *hikbi*"

"Ngayong alam mo na, siguro naman ay marunong kang humingi ng paumanhin?"

"P-paumanhin ho kung pinagtaasan ko kayo ng boses, pero lola, mabuti ho ang intensyon ko sa apo niyo, hindi ko ho siya sasaktan.."

"Hindi ako naniniwala! lahat kayong mga tagalupa, lahat kayo pare-pareho lamang na halang ang bituka!  at ikaw naman Maria! hindi na ba talaga kayo marunong magtanda ng iyong ina?!"

Aking Diwata [short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon