Kabanata 4 - Karangalan kong alagaan..

542 20 4
                                    

Kabanata 4

Karangalan kong alagaan..

[Maria's POV]

"Yan ba ang dahilan kung bakit nangunguha kayong mga diwata ng tao? at isa ba doon ang ama ko?"

"Eric.." ano bang sinasabi niya? hindi ko siya maintindihan..

"narito ba ang ama ko? ikaw ba ang.. kumuha sa kanya?"

at ngayon naman ay pinagbibintangan niya akong kumuha sa ama niya? 

"A-ako?"

" Bakit parang hindi mo alam ang sinasabi ko? o itinatanggi mo lang."

"Hindi ko alam pagkat wala naman akong kinalaman dyan, paano ko gagawin iyon gayong hindi ko naman kilala ang ama mo?! Maya ibaba mo na kami!" hindi ko alam ang nangyayari sakin at tila nag-init ang buong katawan ko sa pinagtatanong niya sa akin.

pagklapag sa amin ni Maya, tila sasabog naman ang dibdib ko sa yamot habang naglalakad palayo sa kanya..

"Maria sandali lang naman! kausapin mo ko, hindi ko naman gustong pasamain ang loob mo, nagtatanong lang ako,Mari----"Hay utang na loob umalis ka na! kung narito ka lamang upang pagbintangan ako ng kung anu-anong wala akong kinalaman, mabuti pa'y bumalik ka na sa mundo niyo! para sa akin ay insulto ang tanong mo!"

" paano ko makakabalik kung hindi ko alam kung paano ako napunta dito? at kung hindi ikaw, o kayong mga diwata ang kumuha sa ama ko, sino ang nakita ng kapatid kong diwatang kumuha sa kanya?"

" Hindi ko alam! hindi ko ugaling kumuha ng tao alam mo yan hindi ba? maging ako'y nahihiwagaan sa sinasabi mo, n-ngunit kung may nagawa ang ama mong masama sa amin o sa kagubatang nasa pangangalaga namin, marahil ay kinuha nga siya ng mas nakatatandang diwata.." sa isang banda, kung narito ang ama niya, bakit hindi ko pa siya nasisilayan..

"Naniniwala ako sayo, alam kong may dahilan at hindi lang siya kinuha basta-basta..matagal na siyang nawala samin diwata ko, matagal na kong walang ama.." napatigil naman ako sa paglalakad ng lumungkot ang kanyang tinig..

"Eric.."

" Tulungan mo naman ako o? wala naman akong ibang gusto kundi makita siya..gusto kong marinig ang paliwanag niya."

"Patawarin mo ko Eric, ngunit naisin man kitang tulungan ay wala rin akong magagawa pagkat wala akong laban sa nakakatanda sa akin sa desisyon nila sa ama mo.." hindi ko rin batid kung ibabalik pa nila ang ama niya..

" paano kung nagsisisi na siya? hindi mo ba sila kayang kumbinsihin na bigyan ng pagkakataon ang ama ko kahit sandali lang? "

"*hikbi* hindi ko kaya.." napatangis na lamang ako sa pilit niyang ipinapagawa sa akin kaya tumalikod nalang ako sa kanya..

paano ko gagawin iyon kung iba na ang tingin nila sa akin simula ng nagkasala ang aking ina pagkat umibig siya sa isang mortal na kaaway nila? at ngayon ay ako naman ang magsusumamo sa kanilang ilabas naman ang tulad din nitong isang ang mortal para sa bago ko lang nakilalang kalahi nito na sundalo pa? ano na lamang ang gagawin nila sa akin..

"M-maria.. umiiyak ka ba?"

"*hikbi* n-naaawa kasi ako sayo Eric n-ngunit hindi ko alam kung paano kita tutulungan, ayokong makulong habang buhay tulad ng ginawa nila sa ina ko at sa mortal na inibig niya noon *hikbi*"

"Ano?!"---"Ssssh.. huwag kang maingay baka may makarinig sayo.."

"Nga pala..paumanhin, teka ayun o may kweba, halika dun natin yan pag-usapan.." hinila naman niya ako sa kweba malapit sa pinagbabaan samin ni maya at naupo kami doon, tyaka niya ako kinausap at nilahad ko sa kanya ang mga nangyari noong tanging alam ko..

"G-ginawa nila yon sa kanila? pero bakit? dahil lang sa pagmamahal? napakababaw namang dahilan yun para ikulong sila." nababakas ko naman ang yamot sa mukha niya.

" Nalaman ko sa aking kapwa diwata na ang mortal na iyon ay kagalit ng mga nakakatanda sa amin dahil sa kanyang ginawang pagpaslang sa isang hayup noon sa gubat kaya't ng nalaman nila na inibig iyon ng ina ko, agad silang pinarusahan.."

"Kaya ba para sayo kahibangan ang mahalin kita?"

"Oo..kaya ngayon pa lamang ay itigil mo na ang nararamdaman mo, isipin mo na lang na panaginip lang itong lahat, kalimutan mo na ako.." hindi ko batid ang aking damdamin ngunit tila nasasaktan ako sa aking tinuran..

"Paano kung ayoko? pano kung sabihin ko sayong sawang-sawa na kong mahalin ka sa panaginip lang? ang tagal kitang hinanap Maria, huwag mo naman akong ipagtabuyan dahil lang sa nangyari sa nakaraan..iba ako sa mortal na yun, takot nga ako sa hayop e, isa pa, di rin ako pabor sa mga nagmimina at iligal na pamumutol ng puno kaya hindi ako gagawa ng kahit anong makakasama sa mundo niyo lalong- lalo na sayo.."

"*hikbi*  Ganyan mo ba talaga ako kamahal? na kahit anong sabihin ko sayo'y hindi mo ko lalayuan---tsup.. oo. " halik niya sa akin na tila siguradong-sigurado siya sa kanyang mga tinuran..

sa pangatlong beses na hinalikan niya ako at sa kung paano niya paulit-ulit na sinambit sa akin kung gaano siya katapat sa mga binibitawan niyang salita..

tila tuluyan na akong nahulog sa kanya..

sa mortal na ilang araw ko pa lamang nakikilala..

"Diwata ko, alam ko hindi madaling makuha ang puso mo at marami pa kong kailangang patunayan pero sa ngayon pwede bang hayaan mo na lang akong iparamdam sayo kung gaano kita kamahal? kahit sa sandaling panahon lang?"

 at isa pang dahilan kung bakit nakuha niya ang loob ko, yun ay dahil...

"Eric..w-wala ka ng dapat pang patunayan pagkat narinig ko na ang matagal ko ng nais marinig sa lalaking mamahalin ko.. mahal mo ang kalikasang pinangangalagaan ko higit pa sa buhay ko kaya ngayon..nasayo na ang puso ko..iniibig na rin kita.."

" t-talaga mahal ko?  salamat naman kung ganun, sobra mo kong pinasaya."

matapos niyang magsalita ay tinitigan niya ako habang hinahaplos ang pisngi ko,ilang saglit pa'y sinunggaban na niya ng halik ang aking labi dahilan upang mapapikit na lamang ako at hindi na pumalag pa, dahan- dahan niya akong inihiga sa malambot na lupa, at tinanggal ang koronang bulaklak na nasa ulo ko.." Karangalan kong mahalin at alagaan ka aking diwata.." ngumiti siya sa akin at naramdaman ko namang tumulo ang luha ko maging ang kanya na rin hanggang sa hanalikan niya muli ako sa labi pababa sa leeg ko habang unti-unting na niyang binababa ang aking saplot..sa isip ko nais ko siyang pigilan ngunit binubulong naman ng puso ko na ipagpatuloy niya lang ang kanyang ginagawa..

at oo..inaamin ko, iba ang nararamdaman ko ngayon sa banayad niyang paghalik sa bawat parte ng katawan ko..tila lahat ng takot at alinlangan ko, nawawala.. yung pagyakap niya sa akin habang nagtatalik kami, tila kumot at kalasag na prumoprotekta sa akin sa mga nakaambang panganib at pangambang bumabalot sa buong magdamag..at kahit ramdam ko rin ang pagkasabik niya sa bawat paghinga niya, batid ko parin ang pag-aalaga niya sa akin pagkat palagi niya akong tinatanong kung nasasaktan ba ako o hindi sa ginagawa niya..

at ngayong kapiling ko siya..

ibayong kaligtasan at  kasiyahan ang nararamdaman ko..

nasa kanya na nga siguro lahat ng pamantayan na hinahanap ko sa isang lalaki..

at hindi ko inaasahang tulad ng aking ina..

 isang mortal din ang aking mamahalin..

itutuloy...

Aking Diwata [short story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon