kabanata 3
Date tayo, oo ikaw at ako..
[Eric's POV]
" diwata ako alam mo yan at isang kumpas lang ng kamay ko maari ko ng makuha ang kahit anong gugustuhin ko, ikaw? ano bang kaya mong ipangako sakin maliban sa pagmamahal mo na posibleng makakuha ng loob ko?"
Yan ang huling tanong niya sa akin bago siya maglaho sa harapan ko na hindi ko manlang nasagot, sayang, bakit kasi siya biglang nawala? hindi manlang niya inintay ang sagot ko, sabagay, ni hindi ko nga alam kung anong isasagot ko sa kanya dahil sa totoo lang, wala naman talaga kong mapipagmamalaki sa kanya na higit pa sa kung anong meron siya, nang humarap ako sa kanya kanina, ang tanging baon ko lang, lakas ng loob at ang pagmamahal ko, pero para sa kanya, hindi pa sapat yun.
sa ngayon nandito parin ako sa ilalim ng puno na pinagbitinan niya sakin na may tatlong bagay na iniisip, una, kung paano ko sasabihin sa kanya na hinahanap ko ang tatay ko ng hindi sasama ang loob niya, pangalawa, kung paano ako makakapasok sa mundo niya para bawiin ang ama ko at pangatlo, kung paano ko makukuha ang tiwala't pagmamahal niya..
hooh..
paano ko magagawa yan ngayong hindi ko alam kung makikita ko pa siya ulit?
o kung magpapakita pa siya sakin matapos kong magtapat sa kanya at mapatulala sa tanong niyang hindi ko alam ang kasagutan?
tsk, dapat hindi ako nagpadalos dalos, kaso ang tumatakbo lang sa isip ko kanina, gusto ko ng sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil kapag naglaho siya sa paningin ko, hindi ko na yun masasabi, kaso ganun din, naglaho parin siya..
Hutaena kasing puso to, magmamahal nalang sa hindi pa mareach =___=
Ni hindi ko nga naitanong ang pangalan niya, e kahit pangalan ko hindi ko nasabi e, kung tatawagin ko naman siya ngayon, sa dinami dami ng diwata dito sa gubat na to, paano niya malalaman na siya ang tinatawag ko?
Hooh! makatulog na nga lang! baka sakaling mapanaginipan ko siya't malaman ko ang sagot..
[Maria Makiling's POV]
Haay...
ang tagalupang iyon, iba siya sa lahat ng mga lalaking nakadaupang palad ko sa gubat, siya lang ang bukod tanging nagtapat ng pag-ibig sa akin ng walang halong takot at alinlangan, kanina habang kausap ko siya, ang mata niya, nakatingin ng diretso sa mga mata ko, at ang labi niya nung hinalikan niya ako, mapang-akin na halos ayaw niya itong pakawalan at tila hinihigop ang buong puso't kaluluwa ko...
Nang mga oras na iyon, ang puso ko biglang bumagal ang pagtibok at ngayon ko lang iyon naramdaman sa hindi na halos mabilang na taon ng pagiging diwata ko, ngayon lang..
sa kanya lang...
nangangahulugan bang umiibig na ang isang diwatang tulad ko?
hay hindi maari ito, siguro'y nagkakamali lamang ako, marahil bumagal lamang ang tibok ng puso pagkat nabigla ako sa ginawa niyang paghalik sa akin gayong siya pa lamang naman ang nakakahalik sa labi ko..
hindi ako dapat basta-basta magtiwala at mahulog sa tulad niya, hindi ko pa siya lubos na kilala, hindi ko alam kung anong tunay na tumatakbo sa isipan niya ng nakita niya ako, hindi ko alam kung tapat siya sa mga tinuran niya, hindi ko alam kung handa na ang puso kong magmahal at higit sa lahat, ipinangako kong hindi ako matutulad sa aking ina...
kahit sinabi kong bibigyan ko siya ng pagkakataon, sinabi ko lamang naman yun upang mapaisip siya't itigil ang kahibangan niya sa akin..at nagtagumpay naman ako, hindi niya ako nasagot kaya naglaho na ako..sa totoo lang ay hindi ko din alam ang aking pamantayan pagkat hindi pa naman ako nagmamahal..isa lang ang alam ko, meron akong hinahanap sa lalaking maaari kong mahalin na hanggang ngayon ay hindi ko parin nakikita..
BINABASA MO ANG
Aking Diwata [short story]
Fantasikapag nariyan ka..bumabagal ang ikot ng mundo..hindi kita dapat ginugusto pero natutukso..ano man ang sabihin nila, di kita ipagkakaila pagkat ikaw lang ang minamahal ko, oh Aking diwata..