Prologue

186 8 2
                                    

     "Janelly!"
     He's across the street, grinning wild and that's all it takes to stop the world from spinning. I'm rooted on the ground as I gaze at his dazzling eyes.
     Lahat ng sakit na nararamdaman ko nawala dahil sa ngiti niya.
     Mahal ko talaga tong mokong na to
     "I love you aaron dela vega!"
     He put his index finger to his lips, telling me to quiet down but he's still grinning at me. Naglalakad na siya patawid, papunta sakin
     *BEEP...BEEP*
     Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nakakabinging busina na papalapit kay aaron. Bumagal ang ikot ng mundo....
     We locked each other's gaze and then things started happening all at once in fast motion. I heard the deafening crash of a truck.
     And then I screamed.

***

How I met him..
     medyo kinakabahan ako dahil ito ang unang araw ng klase kaya dinadaan ko sa daldal ang kaba. Nagtatawanan lang kami ng best friend ko ng bigla na lang may dumating na magsyota. Nagsisigawan sila kaya naman napatigil kami
    tumigil sila sa harapan namin at napatingin ako kay Marie. Pareho kaming namamangha sa pinapanood namin. Live ang teleserye. Sumigaw ang lalaki..
     "Bakit ba nagagalit ka nanaman?" halos lahat ng tao sa canteen ay nakikinood na pero parang wala lang ito sa magsyota. Yung totoo po? siguro normal na sa kanilang dalawa ang ganitong away kaya okay lang.
     "dapat ba ikatuwa ko yon?" sagot nung babae. Lalo pang nadagdagan ang mga nanonood sa canteen. Tutok na tutok naman ang best friend ko.
     "WALA NGA AKONG BABAE" ay potek may babae naman pala tong lalaki, tapos magtataka siya kung bakit nagagalit yung babae. Nakita kong nagtawanan ang ibang nakikinood ng malaman din nilang may babae yung lalaki
     tumalikod si kuya sa akin (dahil katabi ko lang si ate) nakita kong ihahakbang niya na ang paa niya pero mukang nagbago ang isip niya...mabilis niyang hinablot ang kaliwang kamay ko....
     Wait...WHAT?
     Oo! kamay ko ang hinila niya. Nabigla ako ng kaladkarin niya ako palabas ng canteen. Nagulat din ang mga tao sa canteen dahil sa nangyari. Sa sobrang gulat ko, hindi ko alam ang gagawin. Tumingin ako kay Marie na ngayon ay medyo malayo na, she dropped her jaw out of shocked.
     Ano bang ginagawa niya? Bat niya ko hinihila? tuloy tuloy lang akong hinihila ni kuya hanggang sa tumigil siya sa main gate. Hindi niya pa din binibitawan ang kamay ko...
     "wala talaga yon, I'm sor----" napatigil siya ng humarap na siya sakin. Halatang halatang nagulat siya eh pero mas nagulat ako dahil gwapo pala siya sa malapitan, maputi, matangos ang ilong, chinito at ang bango niya pa pero wala akong pagnanasa sa kanya ha
     "Shit!" binitawan niya ang kamay ko at naglakad pabalik. Naiwan akong nakatulala sa kaninang kinatatayuan niya. Nakaramdam ako ng pagkainis.
     "Hoy! Babaero! Uso mag sorry" napatigil siya sa paglalakad at humarap saakin. Natawa siya at inayos ang buhok niya.
     "ikaw na nga ang hindi pumalag diyan tapos ako pa mag sosorry? hindi ko din naman gustong hilain ka dito no!"
     ano daw? aba'y gago at kalahati pala 'to eh.
     naglakad ako palapit sa kanya. Nakita kong bigla siyang nagtaka pero hindi siya umalis sa kinatatayuan niya. Tumigil ako sa harapan niya at....
TUUUUGS!!!
     "Aray ko!" sinipa ko ang binti niya kaya naman napahawak siya dito.
     Aha! Buti nga sayo yabang!
     Napatingin ako sa relo ko. "Pucha 7:10 na!!" mabilis akong tumakbo papunta ng classroom. Kasalanan to ng mayabang na yon eh.
     sana ito na ang huling pagkikita namin...

***

Cheated by CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon