Nag umpisa ng umambon ng makarating ako sa kanto namin. Maaga pa kaya wala pang masiyadong jeep na nadaan sa highway
Paano kung abutan nga ako ng malakas na ulan dito? Papasok pa ba ako?
Nag hanap ako ng masisilungan sa paligid kung sakali mang lumakas na yung ambon. May maliit na waiting shed sa tabi ng Arko ng subdivision namin pero hindi pa rin ako umalis na kinatatayuan ko.
Lahat ng dumaan na jeep ay puno na. Bakit naman puno na agad? 6:40 A.M. pa lang naman. Nagsimula na akong kabahan dahil medyo lumalakas na yung ambon.
Please! Sana may dumaan na bakanteng jeep.
May apat na students ng sumilong sa waiting shed. Mukang limang tao lang ang kasya dun.
Sisilong na ba ako?
Ihahakbang ko na dapat ang paa ko pero naunahan na ako ng dalawang students na bagong dating.
No choice na ako kung hindi ang magstay sa kinatatayuan ko. Bakit ba kasi wala akong payong? Edi sana tuyo ang buhok ko at hindi naaambunan.
6:45 A.M. Wala pa ding bakanteng jeep but this time bumuhos na ang malakas na ulan. Tumingin ulit ako sa waiting shed na ngayon ay puno na ng mga studyanteng gusto ding pumasok ng maaga.
I'm already drenched and it only took 10 seconds. Buti na lang leather ang bag pack ko but basa na uniform ko.
I was about to run back to my house but I bumped into someone's chest when I turned around. I murmur an apology.
Hinawakan niya lang ako sa kanang braso, dun ko lang narealized na hindi na ako nauulanan. I raised my head and nagulat ako dahil si Aaron pala ang nabangga ko.
Si aaron.
Yung hinayupak na nangtrip saakin kahapon ay hawak hawak ako sa braso at pinapayungan ako.
Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sakin. Bakit nandito siya?
Tinulak ko siya palayo saakin after kong matauhan. Naramdaman ko nanaman ang ulan dahil hindi na ako abot ng itim na payong niya.
"Bakit mo ba ako hinahawakan?"
He sighed but he didn't answer. Lumapit ulit siya sakin. Nabigla ako ng ibigay niya sakin ang payong niya.
"Oh, gamitin mo na. Nahiya naman ako sayo kung magpaulan ka diyan."
Siya naman ngayon ang nababasa ng ulan pero hindi na siya sumilong sa payong niya. Pakiramdam ko nasa pelikula kaming dalawa.
Pelikula kung saan kami ang bida. Anong eksena ba tong ginagawa namin sa ulanan?
Maya maya pa ay nabigla ako ng hilain niya ako sa kamay. He stopped in front of a tricycle before I could complain.
"Teka---."
Pinapasok niya na ako sa loob ng tricycle at pagkatapos ay sumakay din siya sa loob.
"Hoy, saan---." he put his hand over my mouth to stop me.
"Sa school malamang. Ang ingay mo din eh no?"
Tinanggal niya na yung kamay niya. Sinabi niya na dun sa driver yung school namin at pinatakbo na ni kuya yung tricycle.
"Bakit sinabay mo pa ako dito?"
"Don't worry, akong bahala sa tricycle fare. Kung gusto mong bumaba, okay lang naman."
Sabi ko nga shut up na lang ako di ba.
Bakit kaya nasa kanto namin siya?
Hindi na siya nagsalita at nakayuko lang the entire ride. Tsaka ko lang napansin kung gaano siya basang basa ng ulan.
Halos naligo na siya sa ulan pero pumasok pa din siya...kung sa bagay, parehas kaming halos naligo na sa ulan.
Sana lang hindi malamig sa classroom pagdating namin.***

BINABASA MO ANG
Cheated by Cupid
Novela JuvenilThis is a story about a boy who meets a girl. Paano nga ba natin malalaman kung soulmate na natin ang kaharap natin? Paano kung kailan handa ka ng mahalin siya tsaka naman siya biglang binawi sayo? Fan fiction of Song Ji Hyo, Song Joong Ki and Lee D...