Simula

37 0 0
                                    

 

Nagising ako sa pagkakatulog dahil sa mga yapak na aking naririnig. Narito ako ngayon sa Vilion sa aming bahay. Dahan dahan akong lumapit sa pintuan. Binuksan ko to at bumaba ng hagdan, naririnig ko parin ang mga yapak na tila nasa may kusina. Sa pagbaba ko ay umusbong ang kaba sa aking dibdib. Nagtago ako sa likod ng sofa at dahan dahang gumapang papunta sa silong ng lamesa. Narating ko ang kusina dahil sa aking pag gapang.

Naka-killer hills in a red tight dress ang tumambad sa akin. Sa katangkaran at kurba ng katawan ay nakilala ko ito. I smirked.

Tumayo ako nang nakita kung sino nga ang naroon. Nakatalikod siya sa harap ng sink na tila may hinahagilap.

"Agnes Sione, what brings you here?" tanong ko

Nagulat siyang napatingin sa akin. Napakurap kurap siya ng nakita ako. Tinaasan niya ako ng kilay.

"oh, sorry sister. Nagising ba kita?" natawa niyang sabi

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

Lumapit siya saakin at hinaplos niya ang aking braso at bumulong.

"Is that how you welcome me in our house?" tanong niya

"Hindi mo ito bahay!" sagot ko "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko agaran ang pag-iiba ng kanyang ekspresyon.

"Gusto ni Dad na ikaw ang mamahala ng kompanya and I really really want to kill you right now! I am looking for a knife" diretso niyang sagot ngunit ramdam ko ang galit sa kanyang salita

Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ko mahanap ang tamang salita para sa aking kapatid. After all those years, galit parin siya saakin. Matagal ng ganito si ate. Galit na galit siya saakin.

"Magagawa mo talaga iyan? You are evil!" tanong ko

Tumawa siya. Napako ang tingin niya sa aking mga mata. Nagngingitngit siya sa galit. Kapatid ko siya at nararamdaman ko 'yon.

Lumapit siya saakin. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Hinayaan ko siyang makalapit saakin.

"Sana nawala ka nalang!" sabi niya

Hindi ko siya sinagot. Hinayaan ko siya. I love her. She is everything I am not. I look up to her. She is my standard.

Tinalikuran ko siya at nagpasya nang umalis sa aming bahay patungo sa aking bahay sa Enchanta.

"Wag kang bastos, Russiane! Tell dad you don't want that company! Tell him!" aniya

Lumapit ulit siya saakin ngunit sa pagkakataong ito hinila niya ang aking buhok dahilan kung bakit ako napaupo sa sahig. I am controlling my anger right now! Hindi ko siya papatulan. Hinayaan ko siyang pagsasampalin ako.

She can kill me right now. Funny how things turned into this. We are sisters, we should love and care for each one of us but, damn, I don't understand why are we like this!

She wants me to suffer. To feel pain and to die. She hates me. She hates me so much! I love her that's why I am here bearing all what she wanna do.

Sakit lang ang nararamdaman ko ngayon. Sakit ng kanyang mga salita at ng pagdampi ng kanyang mga kamay sa aking pisngi. Hahayaan ko siya. Mas matanda siya saakin, I love her. Walang tigil sa pagluha ang aking mga mata pero hindi ko hahayaang Makita niya iyon. Pinunasan ko ang aking luha.

"Gawin mo lahat ng gusto mong gawin saakin ngayon at iyan na ang huling mahahawakan mo ako." sabi ko natigilan siya sa sinabi ko

"Oh? Is that so? Hindi ako titigil hanggang mawala ka!" aniya

Malalim na hininga ang pinakawalan niya. Masakit na tingin ang iginawad niya saakin na tila hindi siya nakuntento sa ginawa niya. Tumayo siya at agad akong iniwan doon.....

Pinunasan ko ang takas na luha sa aking pisngi. I am here alone. This isn't the life I want but what can I do? Right?

This is my life ever since. Pain and loneliness really connects my name Russiane Casabral! Damn I hate this.

Agad na akong tumayo at nagpasyang pumunta na sa bahay ko. Kinuha ko ang susi ng Motorbike ko,sinara ko ang pinto ng bahay ganun din ang ginawa ko sa gate at pinaandar na ang motor sinuot ko ang mga nararapat isuot. Pinaharurot ko na ang aking motor. My house is quite far it will took me one hour until I finally get there.

Kinailangan kong tanggalin ang sakit na aking nararamdaman. Of course I don't wanna die in a accident. I still love my life, anyway. I love dad, I don't wanna leave him of course.

Gabing gabi na at napukaw ng mga ilaw sa daan ang aking atensyon. Ang sarap sarap sanang mamuhay kung hindi lang ganito ang takbo ng buhay ko. Sa pagdaan ko sa pinakamahabang tulay ay agad akong namangha sa kagandahan nito. Madalas akong dumaan dito ngunit ngayon ko lang napagtanto na sobrang ganda pala dito. Tanaw mula rito ang bundok.

Nadaanan ko ang mga pamilyang kumakain sa gilid ng tulay, enjoying the view. Nakakainggit.

In a minute narating ko ang pataas at matirik na daanan, the trees are very amazing. God is really amazing. But my life isn't, sumakit ang aking puso sa aking sariling pag-iisip.

Bumilis lalo ang aking takbo from 80km/hr to 100km/hr. Sa bilis ng aking pagtakbo ay hindi agad ako nakapagpreno natumba ang aking motor at nahulog ako. May tumawid sa daan! At sa madilim na parte pa.

"WHAT THE HELL? Fuck!" sigaw ng isang matangkad na lalaki saakin.

Nabalik ako sa katinuan sa aking narinig. Irritation in his voice echoed.

Nakaupo na siya ngayon ibang iba sa pwesto niya kaninang nakadapa dahil sa paggulong.

I can't take this anymore. 

------------------------------

HELLO! HELLO! Thank you for reading, please continue reading it! Also, i would love to read your comments and votes too. 😍

Alipin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon