Kabanata 2

20 0 0
                                    

Kabanata 2


Kaunti lang ang mga gamit ko kaya saglit lang ay natapos kami sa ginagawa. Binilin ko kay Rando ang gagawing paglilinis sa aking bahay.

“Sabihan mo si manang Rita at ang iba pang kasama niya na upang maglinis sa bahay ikaw din muna ang magbabantay sa bahay, si Jo ay naroon sa Vilion siya ang nagbabantay kaya ikaw ang inaatasan ko din dito” sabi ko

“Opo, Miss Casabral” aniya tumango ako at nagpasyang aalis na.

“Oh, aalis na ako Rando. Ikaw na ang bahala dito” iyon ang sabi ko bago inandar ang sasakyan at umalis na.

Malayo ang Sta. Maria mula rito sa Enchanta mahigit  6 oras ang aking gugugulin para sa byahe. Sanay na akong bumyahe mag-isa. Im used to it. Dadanan nalang ako mamaya sa restaurant para makakain at makapag take out.

Listening to music makes me feel better. Sa pagdaan ng oras ay madaming bayan na ang aking nadaanan. Bawat bayan dito ay may maipag-mamalaki. Their products. Iyong mapagkukuhanan nila ng ikabubuhay nila.

Mahigit tatlong oras na akong nagbyabyahe, medyo gutom na ako kaya’t titigil nalang ako mamaya para kumain.

Napukaw ang tingin ko sa ganda ng dagat sa aking kaliwa, nasa probinsya na nga ako. Mga puno ng niyog, ang madalas na aking nadadaanan. I will surely love this place.

Tumigil ako sa isang restaurant sa La Union medyo malayo pa ako. Matao ang lugar na ito. Pi-nark ko ang aking sasakyan at bumaba na ako, inilagay ko sa aking ulo ang suot kong wayfarers. I smiled when the guard open the door for me nakaawang ang kanyang bibig. Umupo ako sa gilid na lamesa where matatanaw ang bentahan ng mga bulaklak.

Binigyan ako ng menu at agad na akong pumili ng makakain.

“Iyon… lang …po ba Ma’am?”paputol putol na tanong nung isang waiter

I smiled at him. Napawi ang ngiti ko ng mabuhos ng isang waiter ang tubig sa aking lamesa, agad akong tumayo at laiking pasasalamat ko na hindi ako nabasa.

“Sor-ry po Ma’am” nakayukong sabi noong waiter

Hindi ko siya sinagot. Napairap na lamang ako. Nakakainis. Lumipat ako sa isang bakanteng lamesa.

Agad na dumating ang aking pagkain. I expected na matatagalan iyon dahil madaming tao, well okay din pala dito.

Agad na akong kumain. I need to hurry I still need to travel. Nakakapagod but I know this will be worth it.

Nang natapos ako ay tinawag ko na iyong waiter para sa bill. Nang natapos iyon ay agad na akong lumabas. 3 hours to go!

Kagabi ay tinawagan ko na si manang Letty upang maglinis sa bahay ko sa sta. maria kaya malinis na iyon panigurado. Sila din ang caretaker roon. I trust them, mabubuti silang tao.

Sunset ang naabutan ko sa maalong dagat. Nakarating na din ako, what a peaceful place. Mataas na gate ang nasa aking harapan agad din itong binuksan ni kuya berto asawa ni manang letty.

Nginitian ko siya.

“Maligayang Pagdating, Russiane” bati niya

Ngumiti ako. “Kamusta po?” tanong ko

Pababa na ako sa sasakyan. “Mabuti naman” tumango ako at ngumiti

“Nagluto si Letty, pumasok kana at ako na ang bahala sa mga gamit mo” aniya

“Sige po, papasok na ako” sagot ko

Nilakad ko ang kaunting distansya papunta sa aking bahay. Umakyat ako sa hagdan at binuksan ang pinto. I miss my house. Ang mga picture ko na nakasabit sa wall ay naroon walang pinagbago. Ang engrandeng hagdan ay makintab maging ang aking kinatatayuan. Naalagaang mabuti ang bahay. Ang sofa ay puting puti. Ang sarap magrelax.

Ang malaking pintuan sa side ay nakabukas, dahilan kung bakit naririnig ang alon ng dagat. Ang mabangong amoy nito ay nakakaenganyo.

“Russiane, narito kana pala” ani manang Letty

Ngumiti ako at niyakap ko siya.

“opo, nakakapagod” iyon ang sabi ko

“Ang mabuti pa, kumain ka muna, malayo ang nilakbay mo. Umay kan ta mangan kan!” aniya

Nasa probinsya na nga ako.

“Sige po” agad ko na siyang sinundan.

Madaming niluto si manang. May tinola, pritong isda, inihaw. Natakam ako sa mga ito.

“ano po ito?” turo ko sa malaking isda

“Sungayan iyan, Siane” sagot niya. Tumango ako.

Nakita ko si kuya berto dala dala ang aking mga gamit. Tunay na nakapabuti ng mga taong ito. Napagpasyahan kong tawagin narin sila upang kumain.

“Manang, Kuya Berto kumain na po tayo, sabayan niyo na po ako” tawag ko sakanila

“Sige, Berto halika na” tawag niya sakanyang asawa.

“Kamusta pala ang ama mo?” tanong ni Kuya Berto

“Maayos naman, nasa England po sila. Business trip po” sagot ko sakanya

Tumango siya at nagpatuloy sa pagkain. Natapos kami sa aming pagkain ay agad din nagligpit si Manang Letty. Tinulungan ko siya roon. Sinaway niya ako ngunit hindi ako nagpatinag.

Ano kayang magandang gawin bukas?

Alipin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon