Kabanata 5
Alas diez na ako nagising. Tirik na ang araw nang nagising ako. Lumabas ako sa veranda at tanaw ko ang mga bankang nanggaling sa pangingisda.
Sa naalala ko kagabi ay nagbigay ng kaunting kirot sa aking puso.
“Siane, gising kana pala. Mag agahan kana” ani Manang sa baba.
Nginitian ko siya. “sige po.”
Lumabas na ako ng aking kwarto at bumaba na para kumain.
“Bagong kuha yang mga isda, masarap yan, Siane!” ani manang
“Nasan po si Kuya Berto? Sabayan niyo nap o akong kumain” sabi ko
“Sige kumain ka lang tapos na ko. Si Berto ay nag aayos ng lambat” aniya
Si manang ay naglilinis ngayon ng bahay.Kumain na lamang ako at nag isip ng maaring gawin mamaya.
Natapos ako sa pagkain at natapos nadin akong linisin ang aking sarili. Narating ko ang tahimik na parte ng dagat may kalayuan ito sa bahay may iilang kubo dito mga bahay at cottage.
Sumilong ako sa mga puno ng niyog may suot akong bikini sa loob ng maikli kong short at malaking t-shirt. Nakakaenganyo ang dagat maya maya ay maliligo ako. Mabuti na lang at may mauupuan naman dito.
Tanaw ko ang bundok sa aking gilid malinis itong tignan at maaring tayuan ng resort.
Halos tatlong taon nadin nung tinanggap ko iyong hamon ni Daddy na gawin ang pinakamalaking hotel sa buong bansa lang naman ang pride ng Ilocos na Berato’s Hotel. 21 palang ako noon pinakaunang project ko fresh graduate civil engineer without any job experience(board passer) iyon at hindi ko inakalang magtatagumpay ako. Lalong nagtagumpay ang Hotel na hanggang sa buong bansa ay ang iyong plano ko ang nasunod. 3 yrs lamang iyon dapat mas mahabang panahon ang kailangan ngunit natapos iyon ng kay bilis and now I’m 24. Mas lalong gumanda din ang kalagayan ng kompanya namin na gustong makuha ni Agnes.
Lahat ng meron ako ngayon ay bunga ng pawis ko. Hindi ko inasa ang buhay k okay daddy. Kahit na may katigasan ang ulo ko ni minsan hindi ko siya binigo. I can succeed in my own way. Sana ganun din si Agnes but knowing her hindi talaga siya ganun.
“Russiane! Ikaw bayan?” isang sigaw ang nakapagbalik ng aking kaluluwa.
Kaharap ko na ngayon ang baliw kong kaibigan. Tinanggal ko ang sunglasses na suot ko at niyakap si Jona.
“Sianeeee! Ikaw na ba yan? ” aniya
Natawa ako sa tanong niya. Tumango ako.
“kamusta kana Jona? Maliit padin?” tumawa siya at pinampal ang pwetan ko
“I mean sexy ka at pandak padin?” tanong ko ulit
Tinampal niya ako ulit. “Excuse me! Matangkad ka lang ayos lang nman itong Height ko a!” aniya
It’s true normal lang ang height niya. She’s jolly at hindi pikon. kaya I like her. She’s my bestfriend.
“Kailan ka umuwi? Siane hindi kalang naman nagsabi” aniya
Ngumuso ako. “nandito naman na ako” sagot ko
“Sus! May problem aka ba? Nanaman?” tanong niya
Ngumiti ako sakanya “Palagi naman” sagot ko
Tumawa siya. “oo nga! Kwento ka ha. Hindi ako tsismosa!” depensa niya
I know!
Ganoon ang nagging hapon ko nagkwentuhan kami naglakad lakad at kumain. Lumangoy din kami ng saglit at nagpasyang umuwi ng bahay doon din daw muna siya matutulog. Oh! Imissher!
“Grabe naman si Agnes! She’s immature parin talaga!” aniya
Tumango ako. Yes, she’s really immature.
Gabi na ng nakauwi kami. Madami kaming nadatnan, bar, bonfire, mga nagcacamping and so on. Dinadayo talaga dito.
Sabado ngayon at may fireworks display sa hotel tanaw naman ditto iyon kaya nanood muna kami. Alas syete na kayat nag uumpisa na iyon. Umupo kami sa buhangin at nag enjoy sa panonood.
“Ang ganda” aniya
Tinigala ko iyon. Oo maganda, kasing ganda ko. Kung sana walang problema, sana saya nalang lahat diba? Naisip ko iyong lalaki bakit hindi parin niya ako tinatawagan, kung talagang ipakukulong niya ako? ha! I hate it. Walang isang salita. Dapat ngayon pinapahanap na nya ako or siya nalang maghanap. WHAT? Sinasabi ko ba talaga ito?
“Siane, iniisip mo parin yung lalaki? Crush mo? Ano ka ba gusto mong makulong mabuti nalang at pumunta ka agad dito!” ani Jona
Umismid ako sa tanong niya.
“Ofcourse not. Baka patay na siya? Kaya hindi na niya ako hinanap” omg? Nakapatay ako? sorry lord hindi ko po sinasadya.
Tumawa siya.
“hindi siguro. Malaki katawan niya diba?” aniya tumawa ulit siya
“Whatever!tara na nga!” nagtawanan na kaming umuwi ng bahay. I missed her talaga.
Pagod kami sa ginawa namin sa araw na ito kaya nagpasya na kaming matulog. Busog ako sa kinain kanina kaya pinauwi ko nalang kay manang iyong niluto nya upang hindi masayang.
Si Jona ay nasa isang kwarto na dati nan yang tinutulugan. I met her here. 3 yrs ago nung nagstay ako ditto sa Sta. Maria she gave the idea na gumawa ng bahay ko habang ginagawa iyong hotel. I thank her for that. Habang ginagawa itong bahay at hotel ay nagstay ako sa bahay nila. Nasa average type of person ang pamilya niya hindi mahirap at hindi din masyadong mayaman. Ngunit mayaman talga sa pagmamahal ang pamilya niya. They treated me as their family.
Madali akong nakatulog sa payapang gabing iyon ngunit nagising din ako ng napaka aga. 3 o’clock am ng magising ako lumabas ako sa veranda ng kwarto ko at tingingala ang mga bituin kaharap ko ang mapayapang dagat. Nagulat ako ng Makita ang isang likod ng isang lalaki tahimik itong nakatayo sa buhangin kaharap ang dagat.
Oh! So? Am I not the only one na hindi makatulog. Tinignan ko lamang ito mula sa malayo at gulat akong tumakbo pabalik sa aking kama ng Makita niya akong nakatitig sa kanya. I need to sleep.
He is very familiar.
BINABASA MO ANG
Alipin Ako
RomanceA woman who will ask you "I don't look evil, do I?". Pain and loneliness makes her strong, making her to reach the top. A very successful woman, who is called "Lonely Successful" of all times. Russiane Cardi Casabral. She's mean....sometimes. She fe...