Kabanata 4

18 0 0
                                    

Kabanata 4

“Kaya mo bang mag-isa rito?” tanong ni Kuya Berto

“Opo, wag po kayong mag-alala saakin. Salamat po ulit” sagot ko

“Wag kang mag-alala at babalik din kami bukas” aniya

Ngumiti ako at tumango.

“opo, mag-iingat po kayo” sabi ko

Ilang sandali pa ay umalis na din sila. Napakalapit lang ng bahay nila dito. Kampante naman akong mag-isa sapagkat tahimik na lugar ito. People are very nice and very approachable. Kahit anong hirap ng buhay ay nagbibigayan parin.

Tinawag ako ng hangin sa labas ang mapayapang dagat ay nakakaginhawa ng pakiramdam. Umupo ako sa hagdan kung saan nakaharap ito sa dagat, niyakap ko ang aking tuhod sa lamig ng hangin. I think I can stay here like, forever. Kaharap ko ang mga bituin sa dagat. Ang ganda dito!

May ingay na nanggagaling sa malayo. Nagkibit balikat ako roon. Tinahak ko ang daang mabuhangin. Nilapitan ko ang mapayapang dagat, nilakad ko ang gilid palapit sa Hotel na minsan ng naging project ko.

My father owns a project line, I mean ‘Casabral line’ pinakamalaking kompanya sa bansa. It was build by my grandpa, my dad is the only child, so he gave it to him.

Sa malapit ay nakikita ko ang mga puno ng niyog, mga taong nagseset up para sa bonfire, mga nakakasiyahan. Narating ko din ang restaurant na nagging project ko na din.

“Good Evening, Engineer” bati ng aking nakasalubong. Hindi ko siya nakikilala ngunit nginitian ko padin siya.

Oh!

Medyo nalapitan ko na iyong Hotel. Maganda parin ito, maalagaang mabuti. Dapat lang, this Hotel is one of the most popular hotel nationwide.

Madami tao sa bandang ito. Umupo ako sa buhangin, binaliwala ang paligid.

“OMG, ang ganda niya” ani isang dalaga maybe she’s 16?

Hindi ko alam kung sino ang tinitukoy niya ngunit ng nilingon ko siya ay nahihiya siyang nginitian ako, nginitian ko siya pabalik.

“Pati nung suot niya. Bagay na bagay niya. I’ll buy something like that bukas, sa Vigan!” bulong ng isa pang dalaga.

Umiling ako sa aking narinig. I should take that as a compliment. Pinasadahan ko ang aking suot. Napangiti ako.

Vigan is also a nice place. I’ve been there thrice.

Dumaan ang dalawang oras at nagpasya nadin akong umuwi. Nilakad ko ang medyo maliit na distansya pauwi ng bahay ko.

Binuksan ko ang aking kwarto at nagpasya ng magpahinga.

Noon akala ko madali lang ang buhay because we have the money, we can have what we what pero hindi pala. Talagang laging may problema.

“Rick, we need to stop this. I don’t love you anymore” my mom’s word really stabbed me.

“But…I love you! May mga anak tayo Rosie mag isip ka! Hindi na tayo mga bata para ayawan ang isat isa isipin mo ang mga anak natin!” mahinahong sabi ni dad

“Madaming taon na ang nakalipas sa tingin mo hindi ako nagsakripisyo? Ha! Ayoko na!” sigaw ni mommy

“Please, Rosie. Mahal na Mahal kita!” dad is on bended knees that time.

“I am sorry, Rick!” iling ni mommy. Tinalikuran nya si Dad at ang tingin namin sa pintuan ng kanilang kwarto.

“Mom, Please…Stay” I cried.

For the last time niyakap niya ako, maikli at malamig na yakap iyon. No. no. no don’t go.

“Siane, I hope you’ll understand this soon. I love you, alagaan mo ang daddy mo. Okay?” aniya at umalis na.

“Ate, please stay with us” sabi ko sa aking kapatid.

Wala akong nakitang reaksyon sa kanyang mukha. Bakit kayo ganyan? Ha? You’ll pay for this!

Sa gabing iyon galit ako sa mundo. Nagkulong ako sa kwarto. Napakabata ko pa pero bakit hindi naisip ni mommy iyon. Galit na galit ako sakanya, selfish. Walang puso! Pero ina ko parin siya diba? Masama ba na magalit ako sakanya? Or I will just hate myself then para hindi na ako magalit sakanya?

Madaming araw ang sinayang ko para parusahan ang sarili ko. Siguro kaya umalis si mommy dahil hindi ako mabait? I did’nt please her so well kaya siguro ganun. But then wala akong naalalang pinasakit ko ang ulo niya. Sa tuwing inaaway ako ni Agnes ay nagpaparaya naman ako. Ang mga gusto niya ay hindi ko ginagaya. Sa  lahat ng gusto ko, nagpaparaya ako.

Naiingit ako noon sa mga magkapatid na nakikita ko may pareho silang damit, sapatos mga parehong bagay. Pero hindi ko naranasan iyon, ayaw niya kasi. Ayaw niya kasi saakin.

“Ate, bakit ka galit saakin?” tinanong ko siya noon.
Inirapan niya ako.

“Kasi palagi akong pinapagalitan ni Dad dahil sayo! Tsaka annoying ka! Umalis ka nga dito. Shooo!” taboy niya saakin.

“Siane, ano nanaman bayan? Naguumpisa ka ng away e.” ani mommy

Oo kakampihan nanaman niya si Ate palagi namang ganun eh, Nasa trabaho si Dad kaya wala akong kakampi dito except sa mga yaya ko siguro?

Nakangiti akong pinuntahan ni dad sa aking kwarto.

“Siane, are you okay? May pupuntahan lang ang mommy mo! Babalik din iyon.” Sabi niya. Dad stop it. Sirang sira na si mommy saakin.

“Dad, I will not leave you. I will stay with you no matter what.” Sabi ko sakanya.

It was the first time na nakita ko siyang umiyak saaking harapan. Lagi niyang pinapagaan ang aking pakiramdam but now, kailangan ako ang magpagaan ng kanyang pakiramdam.

“thank you, Anak” aniya

Iyon ang huli niyang salita bago siya dinala sa ibang bansa para sa pagpapagamot niya. Iniwan niya ako sa aking lolo at lola. Sila din ang nagpatakbo ng kompanya namin, mahirap iyon pero nakayanan naman. Matagal na panahon iyon, lumaki ako na parang mag isa. Nasanay na ako.

“I’ll just sleep” bulong ko sa sarili ko.

Alipin AkoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon