Kabanata 6
“Siane! Alis na ako. dumating daw si Mr. Dulgre. Late na ako. sige sige bye” natarantang sabi ni Jona.
Humalik siya sa aking pisngi at umalis na. kinawayan ko siya “Mamayang out mo ulit!” sigaw ko. “Sige” aniya.
Nagtaka ako sakanyang galaw. Mabait naman si Mr. Dulgre he is very approachable. He is a well known senior business man kahit may edad na ay madiskarte parin talaga. Ilang ulit ko din siyang nakaharap non dahil sa project he never treated me as an employee but rather parang nakikipaglaro lamang siya saakin habang sinasabi niya ang mga gusto niyang mangyari sa hotel. Madami din akong natutunang strategies about business.
He is kind talaga kaya siguro sobrang matagumpay siya.
I’ll visit him.
Binuksan ko ang ref at kumuha ng tubig nagsalin din ako ng gatas. Oh! I need to buy some food. Mag grocery nalang ako mamaya.
“Nagmamadaling umalis si Jona. Naku ang batang iyon. Malalagot nanaman” ani Manang
Umupo ako sa sofa sa labas ng bahay.
“Ganun na ba talaga kalupit ang may ari ng hotel?” tanong ko
Nagkibit balikat siya.
Nagpatuloy si manang sa paglilinis sa hardin. Ang lalaki nadin ng mga bulaklak na tanim niya. Matagal na din noong binili naming ang mga yan madami na sila at magaganda talagang alagang alaga.
“Manang, mag grogrocery lang po muna ako. Gusto niyo bang sumama? May bibilhin po ba kayo?” tanong ko
“Sige, aayusin ko lang ito” aniya
Pumasok na ako sa loob ng bahay at nagbihis na. Isang shorts at simpleng T-shirt lang ay okay na. Malapit lang naman ang Savemore dito.
“Ayos lang po ban a mag-tricycle nalang tayo Manang?” tanong ko.
Nakabihis na siya at may dala siyang basket na maaaring paglagyan ng isda at karneng bibilhin niya.
“Oo naman. Ikaw talaga, Siane” aniya
Ngumiti ako at niyaya na siyang umalis. Nakasakay na kami ng tricycle at maybe 15 mins lang ay nasa bayan na kami. Maingay ang tambutso ng tricycle, mas gusto ko iyon, ang saya sa probinsya! Feeling probinsyana ako.
Nakarating kami sa savemore at napagpasyahan naming magkita nalang kami sa mga nagbebenta ng bulaklak. She loves being there. Aniya bibili daw muna siya ng isda at karne.
“Ang ganda niya” bulong ng isang batang babae sa kasama niyang bata rin. Diretso ang tingin niya saakin. Nginitian ko din siya. Nahihiya siyang umalis sa harapan ko. Cute mo baby.
Madami akong binili mula pagkain, inumin, toiletries at marami pang iba. 1 hour din akong namili. Nakakapagod! Pumila na ako at nagbayad na. lumabas na ako at nagpunta na sa flower shop. Nakita ko agad si manang may kausap siya kaya hindi niya ako nakita. Dala ko ang cart haggang sa flower shop.
“Manang narito na po ako. magtatawag na po ako ng tricycle” sabi k o kay manang habang nagpapara ng tricycle.
“Ay! Wag na. Wag na.” ani manang
Lumapit siya saakin. Lumapit din iyong kausap niya.
“Isasakay ko na kayo” ani lalaki.
“Naku, salamat. Nakakahiya naman. Sasakay nalang kami sa tricycle” sabi ko
Matangkad ako ngunit tiningala ko siya. Tinignan ko siya at pamilyar ang gwapong mukha niya. May galos siya sa mukha. Hindi kaya?
Tumalikod ako at nagpasyang aalis na. “Manang, may pupuntahan pa po pala ako” sabi ko
“Saan ka naman pupunta, Miss Casabral. Tatakas nanaman?” boses ng lalaki iyon. Omygod!
Nagtataka si manang sa gagawin niya. Ngunit nakalayo na ako iniwan ko sakanya iyong grocery. Sorry po manang.
Kilala niya ba iyong lalaki? Malamang! Kausap niya ano ba Russiane?
Ipapakulong niya ako!
Sumakay ako ng tricycle hindi ko alam kung saan ako pupunta. Saan ako pupunta? Sumagi sa isip ko iyong kweba! Tama sa kweba!
“ah! Dito nalang po!” sabi ko sa driver binaba siya ako sa malayong parte ng dagat. Tanaw mula rito ang bahay ngunit malayo ito roon. Sa kweba ang distinasyon ko. Maganda ang tanawin doon, sa loob ng kweba ay mahahampas ng alon ang harap na bahagi nito ngunit ang loob ay maaaring tulugan.
Malapit na ako. mahabang lakaran ang gagawin ko bago makarating roon. Nadatnan ko ang taniman ng niyog may mga pakwan din. Narating ko din iyong kweba. Mamaya nalang ako uuwi. Omy! Makukulong ako! kung kaibigan ni manang iyon, baka may magawa siya para isalba ako? geez! Sana!
Maginhawa ang pakiramdam ko dito. Nagdaan ang oras at mag gagabi na. Umalis na ako roon at naglakad pabalik ng kalsada. Pumara ako ng tricycle para makauwi na.
“Russiane! Hay naku bata ka! Nag alala ako sayo!” aniya
“Ano bang ginawa mo? Muntik mo na daw siyang mapatay!” aniya ulit
“Hindi ko po sinasadya iyon! ” sabi ko
Natataranta ang looban ko. Hindi ko alam ang aking gagawin. Ayokong malaman ito ni Daddy. Ayoko siyang mabigo! Noo. No.
“Humingi ka ng paumanhin! Hay naku bata ka!” aniya.
WAIT?
“Taga rito po ba siya?” tanong ko.
“Ha? Siya iyong may ari ng hotel.” Aniya
So? He’s the bullshit son.
Nagulat ako sa sinabi niya. Napalunok ako. anong gagawin ko? Sa gabing iyon hindi ako nakakain. Oa ba ako? wala naman siyang ginawa saakin kanina. Hindi naman siya nagtawag ka ng pulis or whatever diba? Napatawad na niya siguro ako?
“Siane! I’m here!” ani Jona
Nagbalik muli ang aking kaluluwa.
“Stressful! Nakakainis iyong boss ko! Goodness!” aniya
Isa pa ito!
“Siya ba yung may galos sa mukha?” tanong ko
BINABASA MO ANG
Alipin Ako
RomanceA woman who will ask you "I don't look evil, do I?". Pain and loneliness makes her strong, making her to reach the top. A very successful woman, who is called "Lonely Successful" of all times. Russiane Cardi Casabral. She's mean....sometimes. She fe...