Donna's Point of View
"My ghad! So init!" Pagrereklamo ko sa init ng araw na tumatama sakin.
Bakit ba kasi hindi ko naisipang bumili ng payong?
I'm facing the ground while walking at the sidewalk of the bridge. I didn't even bother to look if I'm going to dump by someone or something. It's too hot. At baka kapag in-expose ko pa ang mukha ko sa araw e, baka ma-heat stroke pa ko dito sa gitna ng tulay ng wala sa oras.
My eyes became larger when I felt someone's hand held my wrist. Pinaharap nya ko sa kanya.
"Yuck!" I said, disgustingly. How can I not be disgusted? Ang chaka chaka ng face ni Kuya, butas-butas. Akala mo nginudngod sa griller. Tapos sobrang itim pa, siguro naligo 'to sa putik o kamag-anak 'to ni Binay. Hindi mo mapagkaka-ilang tambay 'to sa kanto sa Divisoria.
My thoughts started to blew up when he talked to me.
"Holdap 'to, akin na pera mo" sabi nya habang tumingin-tingin sa paligid. I felt something sharp in the side of my waist. I'm not scared. I really am not. Baka nga sya pa ang matakot sakin e. Wrong choice of person kasi 'tong si Kuya.
Biruin mo ba naman, ako pa yung napili nya sa bilyong-bilyon na tao sa mundo?! E, be-bente pesos na nga lang ang pera ko. Siraulo lang di ba? Lakas maka-bad vibes ni Kuya. Sarap hambalusin ng kawali sa ulo.
Kinuha ko na yung bente pesos sa bulsa at wala sa sariling binigay sa kanya.
"Bakit eto lang?" Bulalas nya.
"E, siraulo ka pala e!" Sigaw ko at binatukan ko sya. "Sa tingin mo ba may pera ako?! Nakikita mo na ngang naglalakad lang ako di ba?! So it means, I don't even have enough money to afford a transportation fee!" Sigaw ko ulit.
Aalis na dapat sya, pero dahil mas lalo nyang sinira ang araw ko ngayon. Hindi ako nagdalawang isip na ihampas sa kanya yung bag ko, dahilan para mabaon nya yung kustilyong hawak nya na nakatutok sakin.
Why am I so stupid?
Tumakbo sya papalayo sakin. Na-hit and run ako. Kapag talaga nakita ko pa ulit yung lalaking tambay sa kanto sa Divisoria na parang naligo sa putik e, papakulong ko 'yun. Leche sya. LITCHI!
Hindi ko ininda yung sakit at nagpatuloy sa paglalakad. Kahit iika-ika na akong maglakad e, nakayanan ko pa ring matawid yung napakahabang lecheng tulay na 'yan. Nang dahil sa lintik na pesteng tulay na 'yan e, nagkaroon pa ako ng sugat.
While I'm walking, my hand supported my wound. Hindi naman sya masyadong bumaon pero hindi pa rin ito tumitigil sa pag-agos ng dugo. Napatingin ako sa langit, medyo makulimlim sya. Agad akong naghanap ng waiting shed bago pa ako maabutan ng ulan.
At ayun na nga, nagsimula ng umulan hanggang sa lumakas ito ng lumakas. Kasabay ng paglakas ng ulan e, ang pagkawala ng pag-asa kong mabuhay pa. Charaught!
Napatingin ako sa limang pisong pera ko, kinuha kasi nung holdaper yung bente ko. Saan na lang ako madadala nito? Tinignan ko ang paligid. Baka kasi makakita ako ng tindahan, makabili pa naman kasi ako ng mga tigpi-pisong chichirya sa tindahan. Nakakaramdam na kasi ako ng gutom.