Chapter 6: Dream

18 0 0
                                    

Donna's Point of View

"Matagal pa ba 'yan?" Naiinip na tanong ko kay Kuya na busy sa pagluluto. Kanina pa kasi sya nakaharap sa kalan, pero wala 'man lang nalagay na kahit anong pagkain dito mesa. So ibig sabihin, hindi pa sya tapos magluto. Nagugutom na kasi ako. At hindi ko na alam kung makakayanan ko pang matiis 'yon.

"Wag kang atat." Mahina at mahinahong sambit nito. I rolled my eyes at him even I know that he wouldn't see it. Nakakainis kasi si Kuya! Lagi na lang.

Gustuhin ko 'mang tumayo at pumunta sa sala para kahit papaano ay malibang ko ang sarili ko at makalimutan ang pagkagutom e, hindi ko magawa. Tinatamad ako. 'Tila may humihigop sakin para ma-upo lang dito sa harap ng mesa.

Makalipas ang mga ilang minuto pa ay hindi na ko nagdalawang isip na umalis sa kusina at pumunta sa garden ng bahay ni Kuya. Wala ako sa sariling napaupo sa bermuda grass. I stared out of nowhere.

Naalala ko sila papa at mama. Siguro kung nandito sila, hindi nila ako hahayaang makitira sa isang lalaking hindi ko kilala at misteryo para sakin. Siguro masaya pa kaming kumakain ngayon sa hapag-kainan. Siguro masaya pa kaming nagkwe-kwentuhan tungkol sa kung ano anong mga bagay. Siguro masaya pa ako ngayon kasi.. kasi nandyan pa sila sa tabi ko.

Kaso hindi, hanggang imahinasyon na lang ang magagawa ko. Hanggang sa utak ko na lang makikita ang mga gusto kong mangyari.

"Big girls like you.." Dahan dahan naman akong napalingon kung saan nang galing yung pamilyar na boses. "Don't cry," napahawak naman ako sa pisngi ko, basa ito. 'Ni hindi ko manlang namalayan na umiiyak na pala ako. Siguro ganon na lang ang pagkasabik kong makita ulit ang magulang ko kaya napaluha ako habang inaalala sila.

Pinunasan ko ang mga luhang natuyo sa pisngi ko at tumawa ng mahina. Masabi na ni Kuya na baliw ako e, wala akong pakialam. Natawa ako sa sarili ko. Bakit ba laging siguro na lang ang lumalabas sa utak ko?

Siguro— argh! Lagi na lang siguro! Wala na bang kasiguraduhan na lalabas sa utak ko? Lagi na lang bang pag-asa? Pag-asa na alam kong kailanman ay hindi ako matutulungan para makalimutan ang nakaraan.

For the nth time, umiyak na naman ako. Hanggang kelan ba ako iiyak? Nakakasawa na kasi, minsan kasi nakakatamad at nakakapagod na ding maglabas ng luha para sa iisang bagay na alam kong wala na kong magagawa kundi alalahanin na lang.

Natawa naman ako sa sarili ko. 'Tila pang-teleserye naman yata ang drama ko ngayon. Napansin ko naman si Kuya na naglalakad papunta sa direksyon ko, may dala syang.. pagkain.

Napaiyak na naman ako ng makita ko sya. Bakit.. ngayon lang sya natapos magluto? Hindi nya ba alam na kanina pa ko gutom na gutom? Mas lalo akong napaiyak ng makita kong nakangiti sya. How can he managed himself to smile while me, crying like an idiot?

Binigay nya sakin yung pagkain at agad ko naman itong tinanggap. Agad naman ako sumubo ng pagkain. Wala na akong pakialam kung magmukha akong hindi kumain ng ilang linggo sa pagkain ko.

"You sure that you eat last night?" Napatingin naman ako sa kanya at napangiti. Tumango naman ako bilang tugon. Paano ako makasagot kung sinakop na ng pagkain ang buong bibig ko?

Nang malunok ko na ang nasa bunganga ko e, dinuro ko sya. "Leche ka! May lakas ka pang magtanong sakin ng ganun e, ikaw ang may dahilan kung bakit ako gutom na gutom! Hindi mo ba alam na sobrang gutom na ako pero ang bagal mo pa ring magluto! Nakakaasar ka!" Sabi ko at tiniklop ang kamay kong nakaduro sa kanya at ginawa itong pa-kamao.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 11, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The 30th DayWhere stories live. Discover now