12:00 AM
Hindi ako makatulog dun sa nahanap ko kanina, parang naaamoy ko parin yung kanyang amoy. Kinakabahan ako baka mamaya nandiyan siya sa katabi ko.
Biglang may narinig akong kumalabog dun sa baba.
Boooooooggssssshhhhh (ganda ng sound effects xD)
Lumabas ako sa kwarto ko upang tignan kung ano yung bumagsak. Nakita ko rin na lumabas si Dian sa kanyang silid.
(A/N: Twin in Dylan si Dian, halata naman sa pangalan diba?)
"Psssttt kuya! Narinig mo rin ba yung bumagsak? Nagising nga ako bigla eh!" Ganyan talaga tawagan namin, ate at kuya
"Obvious naman diba?" Umirap na lang ako at hindi siya pinansin. Bumaba agad ako sa hagdanan at hinanap kung ano yung bumagsak.
Papunta na ako ng kusina nang nakita ko yung napakakapal na encyclopedia. Ewan ko ba kung bakit to nahulog. Baka yung pusa lang namin siguro. Pero, wait! Makakaya ba ng pusa namin itong ihulog?
Bumaba na si Dian at tinanong ako kung ano yung nahulog.
"Kuya, ano yung nahulog?" Magsasalita na sana ako nang biglang nagsalita sa tabi ko si Dian. "Kuya hindi ka ba natatako----" naputol ang kanyang sasabihin ng biglang may narinig kaming halakhak.
Hahahahahahahaha haha hahahahahahaha
"Sino yun?" sabi ko na pawang kinakabahan dahil sa takot. Hinarap ko yung puwesto ni Dian, pero wala akong nakita. Tumakbo siguro dahil sa takot at kaba. Tumungo na ako sa kusina upang tignan kung sino yun. Sabi nga ng iba "Face your fears" kaya agad agad akong tumuloy sa kusina. Papunta palang ako ng kusina nang makita kong bukas ang mga bintana.
Ang lamig ng simoy ng hangin. Nadarama ko tuloy ang pagtindig ng aking mga balahibo sa aking braso at paanan. Parang may naririnig akong mga hakbang na papunta sa direksyon ko. Pagharap ko may nakita akong taong may hawak na kutsilyo. Anong gagawin niya sakin??? Please sana hindi ito ang huling hantungan ko.
Tatakbo na sana ako nang biglang sinaksak niya ako sa may braso.
Tumutulo na ang dugo ko, kumikirot ito bungad sa pagkasaksak sakin. Pero nilakasan ko ang loob ko, hinarap ko siya at nakipaghead- butt ako sakanya, bumagsak siya sa sahig at sinipa ko ng limang beses sa tiyan (kawawa naman kung marami)
Dali- dali akong tumakbo pataas at kinatok ko ang kwarto nila mama at papa.
"Papa!!!! Mama!!! May akyat bahaayyyyy!" katok ako ng katok pero di sila nagigising sa ginagawa ko.
Tinakpan niya ang aking bibig dahil sisigaw na sana ako ng malakas na malakas para lang magising sina mama at papa. Naramdaman ko ng may pinaamoy siya saking lason (ewan ko ba kung lason yun) at sinunod niya ang pagsaksak ng kutsilyo sa isa ko pang braso.
Dumidilim na ang aking paningin, Kumikirot na ang dalawa kong braso dahil sa pananakit. Di ko na kaya, unti- unting bumagsak ang aking katawan sa sahig.
A/N:
Vote! Vote! Vote! Kamsahamnida <3 :-D
YOU ARE READING
Alpha Death Conflict (Apelyido Kapalit Ng Buhay Mo)
TerrorApelyido kapalit ng buhay mo. Paalala sa hawak mong apelyido, yan ang magsisilbing kamatayan mo. Ito kaya'y magmistulang isang sumpa? Tunghayan natin kung tunay ba ang sumpang yan.