ADC IV

22 7 0
                                    

Nagising ako dahil sa may kumakalikot sa katawan ko. Di ko lang alam kung anong pinag- gagawa niya sa akin. Alam kong siya to. Siya yung sumaksak sakin nung una. Ano bang gagawin niya sakin? Bakit palagi niya akong binabagabag? Patayin na lang kaya niya ako. Sa una palang edi sana patay na ko, wala na sana ako sa storyang to, pero joke lang, dahil ako ang main character dito! Kailangan kong magtagal sa pinag- gagawa niya sa akin.













Gumawa ako ng paraan upang mapatumba ko siya, para matigil ang pagkakalikot niya sa katawan ko. Nakatali ang katawan ko sa isang upuan, ang mga kamay ko ay nasa likod lang ng upuan, pero hindi ito nakatali! kaya nagpa-simple akong gumalaw upang maiayos ang aking pagkakaupo. So this is my chance, ni- try kong tanggalin ang lubid sa katawan ko habang di siya nakatingin, pero ang alam ko pinagmamasdan niya ako, so ayun, dahan- dahan kong itong tinanggal. Konting tiis na lang Dylan, malapit na itong matanggal.













Ayun! natanggal na ang lubid sa aking katawan, pero hinawakan ko na muna ito, para hindi niya masabi na natanggal ko na ang lubid, Dahan- dahan akong bumangon sa aking pagkakaupo, nakatayo na ako ng maayos nang biglang may magsalita.

"Saan ka pupunta?" alam kong siya yun dahil kami lang na dalawa ang nandito. Bilog ang kanyang boses.








"Ahmmmmm....." di ko alam kung ano ang gagawin ko. Kumaripas ako ng takbo at dali- dali akong tumungo sa pintuan. Nakalabas na ako sa silid, nang mapagtanto ko na sa bakuran na ako, tinignan ko yung silid at nakita kong nasa likuran lang pala ng bahay namin ang silid, napagtanto ko na isa itong abandonadong bodega, kaya pala sabi ni papa na wag na wag kaming pupunta sa likuran ng aming bahay.






Kumaripas ako ng takbo papasok sa bahay namin, pumunta ako sa kwarto nina mama. Kumatok ako ng malakas para marinig nila. Ito lang chance ko para hindi na ko habulin nun.




"Maaa!!! Paaa!!! Buksan niyo 'tong pintoooo!!!" narinig ko ang pagbangon ni mama, at dali- dali naman niyang binuksan ang pinto.








"Ano yun nak?!" dali- dali akong pumasok sa silid nila at ni- lock ko ang pintuan. Kinuwento ko na kay mama ang lahat ng nangyari sakin kanina. Labis ang pag aalala ni mama, dahil baka mamaya sugudin kami nung misteryosong tao.






Tinawagan ko ang hotline ng police station. Sinabihan ko sila na may kababalaghan na nangyayari sa bahay namin.




Mga ilang minuto ang nakaraan, dumating na ang mga pulis, agad kaming bumaba ng silid at lumabas ng bahay.





Kinuwento ni mama sa mga pulis ang nangyari. Dali- dali namang nag- imbestiga ang mga pulis sa bahay namin, una nilibot nila ang buong bahay namin, sunod naman ay pumasok sila sa bodega kung saan nangyari ang krimen, hindi naglaon, lumabas na ang mga pulis, at sinabing dapat sa tamang panahon, ipa- demolish na itong bodega, pero sa ngayon kailangan na munang saraduhin ang bodega, ang mga pulis ang nag-lock ng bodega, para daw sure.






Nagpasalamat ng pagkalaki- laki si mama sa mga pulis.




"Ma? Sigurado ka bang safe pa tayo dito? Hindi sumagot si mama, inulit ko itong sinabi.

"Ahh? Oo naman nak..."

"Tsaka nga po pala ma, saan po si papa???"



"May importante itong inaasikaso sa trabaho niya nak, baka sa susunod pang linggo, uuwi ang papa mo."



"Sige po ma."


Hindi ko pa rin alam, kung bakit ako lang ang binabagabag nun. Bakit trip niya ko? Bakit hindi ibang tao na lang ang pagtripan niya? Napaka- misteryoso naman nung taong yun.










A/N:

Annyeong Guys!!! Sorry kung ngayon lang ako nakapag- update, hindi ko na kasi ma- install tong wattpad, kaya ngayon lang ako nakapag update, sorry for the slow update. Please Vote and Comment for any suggestions. Thank You!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 16, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Alpha Death Conflict (Apelyido Kapalit Ng Buhay Mo)Where stories live. Discover now