~D I A N~
Nagising ako nang hating- gabi dahil may narinig akong kumalabog sa baba. Pagkalabas ko sa kwarto ko nakita ko si kuya. Kinausap ko siya pero hindi niya ako pinansin. Inirapan niya lang ako. Bumangon na ako sa aking kinaroroonan, saktong 8:00 na kasi. Pababa palang ako sa hagdanan ngunit nakita ko si kuya nakahiga sa may tapat ng kwarto nina mama, pinuntahan ko si kuya at nakita kong may dugo siya sa kanyang dalawang braso, di ako umimik kaya ginalaw- galaw ko siya, yun ang dahilan kaya ko siya nagising.
"awwwww!" sabi niya na pasigaw.
"kuya anong nangyari? Kailangan mo nang dalhin sa ospital" sabi ko dahil alalang- alala na ako dahil sa nangyari sa kanya.
"Wag na. Hindi naman masyadong malalim ang pagkasaksak sa akin." wika niya
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
~K I L L E R~
Sayang naman dahil sumigaw at tumakbo si Dian, hindi tuloy siya nadamay sa krimen na naganap.
More crimes to come.
More blood to flow.~D Y L A N~
Hindi ko talaga makalimutan yung itsura nung sumaksak sa akin, palagi niya na lang ako binabagabag sa aking isipan. Kakalimutan ko na lang kung anong nangyari kanina. Ieenrol na kami mamaya ni Mama sa isang unibersidad. First time kong maenrol sa ganito ka pribado na eskwelahan. Nung elementary at high school pa lang kami ay palagi kaming nasa public school. Ngayon nasa pribadong eskwelahan na kami. Kinakabahan ako, parang ayaw kong pumasok sa ganito kalaking Unibersidad.
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Nakarating na kami sa eskwelahan kung saan kami ieenrol ni mama. Pagkapasok palang namin sa gate lahat ng tao ay nakatitig sa amin.
Kanina pa kami pinagtititigan ng mga tao dito. Nakakahiya na. Parang mamatay na ako sa sobrang kahihiyan. Naririnig ko ang pinaguusapan ng mga ibang estudyante.
"Mga Kojuanco!"
Anong meron sa amin? ano meron sa apelyido namin? Narinig ko pa ang ibang bulungan ng mga kapwa naming estudyante.
"Pamilya ng mga mamatay tao yan!"
"Kaya nga. Pinatay ng kamag- anak nila ang dating pangulo at prinsipal ng De Lima State University." (dedicated ang apelyido na to kay Jek) huh? sinong kamag- anak namin ang pumatay sa kanila? Bakit parang kami ang pinagdududahan na ang kamag-anak namin ang pumatay sa dating pangulo at prinsipal nitong unibersidad. Ibang- iba talaga ang atmosphere na namamagitan sa amin at sa kanila. Kanina pa kami pinag- chichismisan dito. Kanina pa kami pinagtititigan.
Napagtanto ko na kanina pa pala nasa gate si mama. Agad- agad kaming tumakbo paalis ni Dian. Grabe! parang ayaw kong pumasok sa ganitong eskwelahan. Parang kami palagi ang nasa 'Hot Seat'.
Pauwi na kami galing sa eskwelahan, ni- isa sa amin ni Dian ay walang umiimik. Naisipan kong tanungin si mama kung anong nangyari sa amin kanina.
"Ma---!" tumingin agad sakin si Dian ate biglang tinakpan ang bibig ko. Nag se- senyas siya na tumahimik na lang ako. Tumahimik na rin lang naman ako.
"Ano yun, nak??" sabi ni mama habang nag mamaneho siya.
"Uhhmmm. Wala lang po ma." wika ko. Alam kong kanina pa naiinis sa akin si Dian. Ang daldal ko kasi masyado ehh.
Nakarating na kami sa bahay. Papasok na kami sa bahay. Nang nakita ni Dian na basag ang bintana sa taas ng bahay namin, mismong sa kwarto nila mama at papa, nabasag ang salamin.
Hindi namin alam kung anong gagawin namin. Pero nilakasan ko ang loob ko para pumasok sa loob ng bahay. Tumakbo ako papunta sa kwarto nila mama. Bukas ang pintuan! may pumasok na akyat bahay sa loob ng bahay namin. Nakita ko rin na papunta na sila Dian at mama dito sa kwarto.
Huli na ang lahat.
Wala na ang mga ari- arian nila mama. Wala na yung mga alahas nila, walang perang natira, mga importanteng papel nila mama at papa, wala na. Wala na lahat na importante sa amin. Wala na.
//Katapusan ng Kabanata//
A/N:
Sorry po kung minsan lang ako mag- update. Walang ibang maisip si author eh.
Please read, vote and comment kung gusto niyong magsuggest ng scene.
^Kamsahamnida^
YOU ARE READING
Alpha Death Conflict (Apelyido Kapalit Ng Buhay Mo)
HororApelyido kapalit ng buhay mo. Paalala sa hawak mong apelyido, yan ang magsisilbing kamatayan mo. Ito kaya'y magmistulang isang sumpa? Tunghayan natin kung tunay ba ang sumpang yan.