Nandito ako ngayon sa room pinapahupa ko muna ang tilian.'Parang ngayon lang nakakita ng mga pogi. Tsk.'
Minulat ko na ang mga mata ko at tumingin ng diretso sa kanila. Kaya nanahimik na sila.
"Okay na ba? Pwede na ba akong magsalita?"
"Yes!!!!" masiglang sagot ng mga babae.
"So. I introduce to you Mr. Wayne Sandoval, Mr. Irvin Jack and the last gentleman here in front is Mr. Steven Austin" pagpapakilala ko.
"Ang pogi pogi nila"
"Ang hot nila"
"Ang gwapo gwapo nung Steven"
"AAYYYYIIIEEEE"
"Okay stop!" saway ko sakanila. Tumingin naman ako sa tatlo. "You may now seats" utos ko.
Nang makita kong naka upo na sila. Pumunta na ulit ako sa gitna.
"Good day everyone! I, Silver Henderson the class president of Class 3-A" paninimula ko. Tumingin na ulit ako sa tatlo at kitang kita ko ang pagka bored nila. "Everyone respect me so I look forward to your good attitude! DISCIPLINE is the main rule of this class! Isang saway ko lang matutong makinig, makuha lang din kayo sa tingin. Dahil magsisimula ang disiplina..."pagpuputol ko sa sasabihin ko "SAAN!?" malakas na tanong ko.
"SARILI!!!" malakas na sagot naman ng mga kaklase ko!
"Very good Class 3-A. The second rule is?"
"RESPECT!!" sigaw na sagot na naman nila.
'Galing ko talaga mamuno hahahah'
"Very well said Class 3-A. I-respeto ang iba para makuha mo rin ang respeto nila. Yun lang and kapag may problema nandyan lang ako sa upuan ko o kaya sa tabi tabi! At kung may kailangan tawagan o i-text lang ako! Gets Class 3-A?" tanong ko sakanila.
"YESSSSS!! PRESIDENTT!!!!" sagot naman nila.
Syempre yung isang number yung binigay ko. Pangkalahatan na. Sa mga relatives ko naman ay iba ring number. Ang talino ko talaga. Char lang hahahahha.
Dumating na nga ang next teacher naging smooth naman ang takbo ngayong araw sa school. Hays.
*RRRRIIIINNNGGGG*
Huwag ka tunog yan ng bell! Ibgsabihin uwian na! Yehey! Makakapagpahinga na.
Naglalakad lang ako kapag uuwian, ayoko ng maistorbo ang driver namin may pamilya din naman siya medyo malayo pero carry naman ng ganda ko. Syempre kasama ko yung dalawang loka loka at nag aaway na naman ngayon.
Kailan sila matatapos, kaka-away! Hays!
"Ang ingay niyo, letse! Huwag na nga kayong sumabay sa'kin! Naiinis ako!" sabi ko sabay lakad ng mabilis.
Ang daldal nila grabe naman! Naririnig ko parin silang nagtatalo. Nagsisihan kung sino ang nanguna, jusko naman.
Kaibigan ko ba talaga 'tong mga 'to. Immature eh. Isip bata kainis!
Nakauwi naman ako ng safe at yung dalawa? Nawala na, nasagasaan kanina. Hahahahha char lang.
Naka uwi na rin. Pare pareho lang naman 'yung way namin pa uwi pero maghihiwalay din kami bago makarating ng bahay.
'Ganun naman eh, kahit anong tibay mo maghihiwalay at maghihiwalay din kayo'
Hahahhaha babaliw na ako kinakausap ko ang sarili ko.
"Anak, bumaba ka na! Kumain na tayo"
Gabi na naman. Ano kaya mangyayari bukas? Hays. Makakain na nga lang.
~~~~~~~
Hi!!!! Hahahhaha short update na lang muna.
-ateng_maliit17-
