KABANATA II

0 0 0
                                        


           ALESHA's P.O.V.

     Tumigil na sa terminal ang bus na sinasakyan ko.Bumaba na ako at sumakay ng dyip ang lawak pala talaga ng Maynila hindi ko akalain 'oo' bano na kung bano ang tagal na kaya nung huling punta ko dito. Ang tataas ng mga building kailan kaya ako makakapasok sa mga building na yun? Inabot ko na yung bayad ko napaisip ako ibang - iba talaga kapag probinsya at lungsod. Sa probinsya namin maaliwalas, malinis, at higit sa lahat masarap langhapin ang hangin samantalang dito sa lungsod napakadaming sasakyan, napakalaki ng mga buildings na halos wala ng matamnan ang mga puno, napakadumi pa ng kalsada at ilog hindi karapat-dapat langhapin ang hangin dahil masamang hangin ang nandito.Binuhay ni manong yung radio ng dyip niya saktong napatapat sa isang taong nagkukwento. Tungkol iyon sa pag-aasawa ng maagap nung batang babae napailing nalang ako iba na talaga ang takbo ng mga kabataan ngayon hindi nila naiisip ang hirap lalo ng buhay kapag nagpamilya agad sila. Buong byahe akong nakinig naging maayos naman ang ending nung kwento nakakaiyak nga lang siya paano kasi kailangan pang mawala nung panganay nilang anak para lang matuto silang pahalagahan ang kanilang pamilya. Masyado pa kasing bata kaya padalos-dalos ng desisyon.

   Makalipas ang isa't kalahating oras nakarating din ako sa bahay ng Ate ko. Panganay siya lima lang kaming magkakapatid at ako ang bunso. Pagpasok ko sa isang kanto may mga nakahubad na lalaki ang naglalaro ng basketball.Sa tabing kalsada may mga nagsisigarilyong tambay may isang tao ang nakaagaw pansin ng aking mga mata hindi ko akalaing may bisyo pala siya.Ang lalaking unang nakakuha ng atensyon ko nung una kong dating dito 14years old ako noon. Ang kulit niya kasi noon ewan ko ba kung saan nun nakukuha ang lakas ng loob para magbuhat ng sariling bangko. Ewan ko rin ba kung bakit siya pa ang nagustuhan ko noon samantalang ang yabang - yabang niya. Natigilan ako  ng biglang may bola ang tumama sa ulo ko.

  'Ouch!Ang sakit!' Tumingin lang ako ng masama dun sa mga nagbabasketball bago tuluyang naglakad ng mabilis. Nakakaasar! kung hindi lang ako bagong dating dito malamang naibato ko na pabalik sa mukha nila yung bola! Nakakaasar talaga! hinilot ko yung ulo ko bukol pa ata natigilan ako sa paghilot ng ulo ko ng biglang may malamig na bagay ang nilagay sa ulo ko. Napatingin ako sa naglagay nagulat ako ngiting-ngiti siya sa akin. Lalo akong naasar! sa sobrang asar ko inalis ko yung yelo sa ulo ko.Tama kayo! Yelo lang naman yung nilagay niya sa ulo ko.

 

    "Huwag mong alisin pantanggal sa bukol yan." Sabi nitong nakatingin ng deritso sa mata ko.

  
    "Alam ko! Kaya pwede ba Mike! Lumayo layo ka sa akin ang baho mo!" Pagtataray ko dito sabay lakad ko na ulit papunta kina ateng bahay buti nalang hindi sila nalipat ng tirahan.

  

    "Ang sama ng ugali nito ang bango ko kaya,oh? Amuyin mo pa."  Nagulat ako sa biglang paglapit ng mukha nito sa akin alam kong hindi ko na siya gusto at wala na akong nararamdaman para sa kanya sadyang nagulat lang talaga ako.

Buti nalang may humila kay Mike palayo sa akin. Pagtingin ko kuya niya pala walang pinagbago kuya niya halatang may disiplina hindi katulad niya mukhang tambay.

    "Mike! Umayos ka nga! Kabago-bagong dating lang nung tao inaakit mo agad."
   Umaayos ng tayo si Mike ako naman nagderi-deritso na talaga papunta kina ate ngunit bago pa ako makalayo ng  tuluyan narinig ko pa ang huling sinabi ni Mike sa kuya niya.

   "Huwag ka ngang mamakialam!napakapakialemero mo!" Nagulat ako kaya napatingin ako sa kanila umalis na si Mike samantalang naiwan dun si Jhake na nakakuyom ang isang kamao nito. Napatingin ito sa akin sabay irap ng kanyang mga mata bago umalis hay! ang sungit talaga nun walang pinagbago. Ngunit tila sa  relasyon nila may  nagbago.

   "Hey!Tita namiss kita!" Nabigla ako ng may biglang yumapos sa akin yung pamangkin ko. 3years ang agwat niya sa akin dahil maagap nag-asawa ang ate ko sabi ni mama hindi pa kasi ako pinapanganak nung nag-asawa si ate.

    "Hay! Naku! Claudette namiss din kita." Sabi ko dito habang nagtatalon grabe ilang years din kaming hindi nagkita.

    "Sa bahay na tayo magdrama Tita." Isinama ako nito papunta sa kanila  apat ang anak ni ate dalawang babae at dalawang lalaki. Pangalawa't bunso ang babae samantalang panganay at pangatlo naman ang lalaki.

    Hindi rin kalakihan ang bahay nila ate kasya lang para sa pamilya nila. Tiningnan ko yung katapat nilang bahay.Tila napakalungkot na ng bahay nila.Ang bahay nila Mike ano nga bang nangyari sa mga taong nasa paligid ko sa mahabang panahon napabuntong hininga na lang ako.

  Pumasok na ako sa bahay nila niyapos ko yung mga pamangkin ko at yung ate ko. Wala pa kasi  yung asawa ni ate nasa  trabaho pa. Tila nagpapahinga si ate dahil natulog muli ito pagkatapos kong yumakap  sa kanya.

  "Magluto ka na lang dyan  Alesha katatapos ko lang kasing maglabada eh.Tutal alasingko na dagdagan mo na." Hay! Akala ko pa naman makakapagpahinga na ako nakalimutan kong palautos nga pala si ate. Ok lang yun ! Hilig ko namang magluto nagsaing na ako sa rice cooker nila. Napatingin ako sa banggerahan nila ang dami naman nilang dayagin. Tiningnan ko kung may maluluto kaya lang wala man lang akong nakita.

  
   "Clau! Baka naman pwedeng hugasan mo na yung mga plato." Mahinahon kong sabi dito ngunit tumingin lang ito sa akin at nagcellphone na ulit.

    "Tita, hindi ako ang naka asign ngayon sa pagdadayag eh! Si kuya ang magdadayag ngayon."
  Pero kahit na ganun dapat nagkukusa na sila. Tumingin ako kay Patrick.

   "Pat! Baka naman pwedeng pahugas nung mga plato.Hindi kasi ako pwede ngayong maghugas ng plato." May sugat kasi daliri ko nahiwa kanina sa bahay nung nagluluto ako. Nagluto muna ako bago umalis ng bahay. Tumingin lang sa akin si Pat tapos tuloy ulit siya sa pakikipagtawagan sa kung sino man.

    "Hayaan mo na yan Tita, mamaya ko yan huhugasan pagkatapos ko dito." Sabi nito napabuntong hininga nalang ako iba talaga ang mga tao sa probinsya kaysa dito sa lungsod.

   
  Lumabas ako ng bahay nila ate at umupo muna dun sa bangko na sa tingin ko ay tambayan talaga. Napatingin ako sa paligid ang daming naglalarong mga bata. May umiiyak na bata, may nag-aaway na mag-asawa
yun ang mga naririnig ko sa bawat bahay dito. Napabuntong hininga ulit ako tumingin nalang ako sa kalangitan.

   Napakadaming mga bituin sa kalangitan napakagandang tingnan. Isa kaya siya sa mga bituin na yan? sana nga.

      Nasaan na kaya si Mark ngayon? Maaari kayang nakatingin din siya sa mga bituing nakikita ko ngayon?.

   Bigla akong napalingon sa isang tao na nasa dilim pakiramdam ko kasi nakatingin ito sa akin at hindi nga ako nagkamali nakatingin nga ito sa akin. Tingin na hindi basta-basta unti - unti kong naaninag ang taong iyon. Bigla akong kinalabutan sa mga titig niya. Ano na bang nangyayari sa kanya?


   To be continued...

************************

A/N:

   I hope! Nagustuhan niyo muli ang aking kabanata.

Don't forget to
   Comment and Vote my story...

    Sana basahin muli ang susunod na kabanata...

Thank you!

MissCRUSHES11

"BEHIND  IN THE LIGHT"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon