RUSSEL's P.O.V.*click**click*
"Totoo po ba na nasa bar kayo kagabi at may kasamang babae?"
"Sino po yung kasama niyo kagabi girlfriend niyo rin po ba?""Break na po ba kayo ng anak ni Mr.Go na si Miss Sabrina Go?"
Ang sakit talaga sa ulo nitong mga reporters na ito. Sino ba namang hindi sasakit ang ulo kung paglabas na paglabas mo sa Condo mo eh mga tanong agad na walang kakwenta-kwenta ang sasalubong sa iyo. Hinarap ko sila sabay ngiti sa camera."Wala ako sa bar kagabi sapagkat kausap ko ang manager ko.Kaya malabong mapunta ako dun na may kasamang babae. Kung pupunta man ako dun magagalit sa akin si Sabrina sapagkat ayaw niyang may kasama akong ibang babae iba pa namang magselos yun."
Ningitian ko muli ang mga media saka ako tuluyang umalis at nagderi-deritso sa sasakyan ko buti nalang hindi ako nahirapan sa pag-alis sa gitna ng mga media sapagkat may mga body guard naman dun.
Pagkasakay na pagkasakay ko biglang tumunog ang cellphone ko tiningnan ko kung sino
nanonood siguro ito. Inilagay ko sa tainga ko ang headset ko bago ko ito sinagot.
"Bakit?Namiss mo ba ako?" Pabiro kong sabi dito iba talaga ang tama ko dito sa babaeng ito. Iba siya, napangiti nalang ako sa sarili ko sobrang inlove na talaga ako sa babaeng ito.
"Ha!ha! Wag kang assuming! ano yung sinabi mo dun sa mga media hah?!"
Pagsusungit nito sa akin kaya ang dali kong umibig sa kanya eh dahil iba siya sa mga nakilala ko. Pag nakikita ako nito akala mo laging mangangain ng tao."Easy, Sabrina maya nalang tayo mag-usap nagmamadali ako eh mukhang pagsasabihan na naman ako ni manager."
"Sana nga! Hindi na pati ako tatawag sayo! Assumerong artista!"
Nakakatuwa ka talaga Sabrina lalo na kapag nagagalit.
Kung hindi ka man tatawag ako nalang ang tatawag sayo malulungkot ako kapag hindi kita nakakausap."I love you too..."
"Ewan ko sayo!"
Pagkasabing - sabi niya nun pinatay niya na rin agad. Tumingin ako sa salamin at inayos ko ang buhok ko ang gwapo ko talaga. Lahat nabibighani sa akin except Sabrina. Sa totoo lang akala ng mga media magkarelasyon kami pero ang totoo naman hindi. May boyfriend si Sabrina kaya lang tago ang relasyon nila sapagkat kapag nalaman ng daddy niya iyon ay tatanggalan siya ng mana at itatakwil siya na parang wala silang anak. Marami talagang nagagawa ang pera may mga kailangan pang magsakripisyo para lang dito.Ako ang pinakilala ni Sabrina na boyfriend niya sapagkat mas gugustuhin pa daw ng daddy niya na ako ang boyfriend niya kaysa yung iba. Gustuhin ko mang maging masaya dahil pabor sa akin ang daddy ni Sabrina ay hindi ko maramdaman sapagkat alam kong hindi sa akin sasaya ang taong mahal ko.
Pagkabigay ko ng susi sa guard upang siya na ang magpark ng sasakyan ko ay dali-dali na akong pumunta kay manager. Paniguradong galit-galit na naman yun ang sungit pa naman nung babaeng iyon. Habang naglalakad ako papunta sa opisina nung mataray na yun ay ang dami na namang babae ang nagpapacute sa akin. Kung hindi lang ako nagmamadali panigurado nilapitan ko na yung isang babae ang ganda kasi bukod pa dun ang sexy pa. Ang kinis pa tapos ang puti. Kami talagang mga lalaki hindi buo ang araw ng walang nakikitang magagandang babae."Hi! Miss andyan ba yung boss mo?"
Nakangiting sabi ko dun sa secretary ito namang secretary hindi mapakali dahil ba sa akin? Ang gwapo ko talaga iba talaga ang lahi namin.
"Ah! O-opo! Sir!"
Natatarantang sabi nito ano kayang problema nitong secretary I think bago lang siya ngayon ko lang siya nakita."Ah, Thanks atsaka Miss huwag kang mataranta alam kong gwapo ako huwag mo ng ipahalata."
Sabi ko dito iniwan ko siya pulang-pula mukha at nakakunot ang noo iba talaga karisma ko.
Hindi na ako kumatok pa basta-basta nalang ako pumasok. Pagpasok ko andun na yung mga barkada ko. Bakit kaya nandito itong mga ito? Papanoorin ba nila ako habang pinapagalitan ni manager?
"Where's your manner Russel?!"
Sigaw na naman ang salubong niya sa akin grabe talaga siya.
Hindi niya ata ako namiss samantalang kakauwi niya lang 4months kasi siyang wala dito sa Pinas. May inaasikaso daw siyang kompanya sa States."Naiwan ko sa condo."
Pilosopo kong sabi dito hinarap ko yung mga kaibigan ko namiss ko rin itong mga ugok na ito."Bro! Kamusta ang bakasyon?"
Tanong ko kay Renz sabay tapik sa balikat niya. Tumingin ito sa akin at ngumiti mukhang naging maayos ang bakasyon nito sa probinsya.
"Ayos naman! Mas marami pa rin ang magaganda dito sa Maynila kaysa doon kaya lang mas matitino ang mga taga probinsya."Natatawang sabi nito sabay tingin ulit sa librong binabasa niya. Napakaadik talaga nito sa pagbabasa. Siya ang kaibigan ko since college mabait na kaibigan iyan maasahan mo rin sa lahat ng bagay.
"Balita ko Russel galing ka daw sa bar kagabi? Totoo ba yun bro?"
Napatingin ako kay Franz sa lahat naman ng kaibigan ko siya ang pinakaopposite ko ng ugali. Napakaseryoso nito sa buhay at higit sa lahat may allergy sa babae yung tipong iwas na iwas sa babae. Ayaw niya din ng buhay showbiz at sa tatlo kong magkakaibigan siya ang pinakanakakakilala sa akin sapagkat kababata ko siya.
"Hinayaan ko lang naman ang sarili ko na magsaya."Nagupo na ako sa sofa at tumabi kay Renz. Kinuha ko yung magazine na malapit sa akin binuklat ko ito napangiti nalang ako ng makita ko kung sino ang nasa larawan ang ganda talaga niya.
"Bro, may mga bago bang chicks?"Bulong nito sa akin , kaya lang biglang may namato dito.Napatingin kami kay manager yari kang bata ka. Kaibigan ko din siya pero mas matanda siya sa akin ng dalawang taon.
"Ikaw! Talagang Kelly ka! napakaplayboy mo talaga baka gusto mong hiwalayan kita!"
Taas kilay na sabi nito ang totoo niyan may relasyon si manager at si Kelly 2years na silang may relasyon. Sa aming magkakaibigan ako lang ang nagshowbiz ang arte kasi nung tatlo magulo daw ang buhay artista hindi naman medyo lang.
"Ikaw naman! Russel! Talagang nakuha mo pang magbar nakalimutan mo atang nasa showbiz ka! Artista ka na! Sikat ka na! tapos ano? sasayangin mo lang dahil gusto mo lang magsaya ang sarili mo?!"
Pagsusungit na sabi nito sa akin naiintindihan ko naman siya kung bakit siya ganun kaconcern sakin kasi mas maapektuhan siya kaysa sa akin. Marami siyang sinakripisyo para lang maging artista ako tapos sasayangin ko lang. Hindi ko naman kasi alam na may mga media rin pala sa bar.
"Sorry na, hindi na mauulit."Sabi ko dito pero kinunutan niya lang ako ng noo tapos yung mga kaibigan ko nagtinginan sa akin.
"Russel, madami ng araw,buwan, at taon na nagdaan umalis na ako't bumalik iyan parin ang linya mo? Kesyo 'sorry na hindi na mauulit' hoy! Russel magbago ka naman ng linya."
Napakamot nalang ako ng ulo sabay tapik sa akin sa balikat ng mga kaibigan ko atsaka sila nagsilabas samantalang si Kelly naman pinapaklma si manager. Ningitian ko lang si manager sabay labas iiling - iling akong napakamot sa ulo ko.
To be continued...
**************************
A/N:
Sana nagustuhan niyo atsaka sana naman magcomment kayo para naman mas lalo akong mainspired sa paggawa.
Don't forget to
Comment and Vote in my story.Thank you!
MissCRUSHES11

BINABASA MO ANG
"BEHIND IN THE LIGHT"
RomanceSa bawat liwanag may madilim na parte... May kadilimang nakatago... May sakit na patuloy na itinatago... @Ms.CRUSHES11