KABANATA V

1 0 0
                                        

    
            ALESHA's P.O.V.

    "Hoy! babae maghahanap ka ba talaga ng trabaho? Tagal mong kumain dyan!"

  
    Umagang - umaga ang ingay talaga nitong babaeng ito 5years na ang nakakalipas hindi pa rin nagbabago. Napapailing nalang tuloy ako buti nakakayanan pa ito ng mga kapitbahay sa sobrang kaingayan. Naging kaibigan ko siya noong una kong dating dito sa Cavite limang taon na ang nakalilipas . Si Maxinne siya yung tipo ng babae na mahilig makipagflirt  kahit isa sa mga lalaki wala siyang sineryoso hindi ko nga alam kung ano ang nangyari samantalang nung 14years old palang kami siya lagi ang nagkukwento sa akin tungkol sa love na dapat ang mga lalaki daw hindi niloloko upang hindi ka rin nila lokohin. Anong nangyari sa linya niyang iyon?

    "Oo, bakit ba ang agap-agap mo dito? Huwag mong sabihing sasamahan mo ako?"

   Ngiti- ngiti kong tanong dito ang hirap kayang maghanap ng trabaho lalo na kung wala  ka man lang kasamang kaibigan.

    " Sana nga eh! Kaya lang mukhang ayaw mo ata maghahanap na lang ako diyan ng bagong kaibigan sabay manlalaki kami."

    Sabi nito sabay dikwatro mukhang lalaki talaga siya hindi na nagsawa.

    "Samahan mo na ako, atsaka wala ka ng mahahanap na katulad ko. Ikaw din! Atsaka wala ka namang mapapala kapag nanlalaki ka."

    Sabi ko dito sabay inom ng tubig tapos na ring kumain. Maagap akong nagising sapagkat pinagluto ko pa ng pagkain sina ate maglalabada kasi ulit si ate ,si Pat at si Claudette naman nasa trabaho na yung dalawa ko pa namang pamangkin nasa paaralan na nasa sekondarya na ang dalawang iyon. Si Kuya naman nasa byahe na naaawa na nga ako kay ate kasi kailangan niya pang maglabada samantalang may trabaho naman ang mga anak niya.

    "FYI! Babae maraming napapala sa lalaki unang-una may manlilibre sayo kapag gutom ka.May magpapatawa sayo kapag malungkot ka .May aakbay sayo para bang sinasabi niyang 'akin ka lang'. May yayakap sayo kapag nilalamig ka.May haha-----"

Pinutol ko na sinasabi niya.

    "Ok! Tama na! Liligo na ako atsaka lagyan mo muna ng scatch type yang bibig mo ang Ingay!"

       Sabi ko dito bago ko kinuha yung towel ko at pumasok na sa banyo. Ligo...ligo...ligo...ligo...

    After 30minutes tapos nading maligo. Nagbihis na ako ng isang simpleng V-neck plane lang siya atsaka pants. Hinugasan ko muna yung mga platong pinagkainan ko. Matapos kong maghugas humarap na ako sa salamin at inalis ang towel na nasa ulo ko upang tuyuin ang buhok ko. Medyo curly ang buhok pero proud na din akong kulot ako kaysa naman yung iba diyan na kailangan pang magpastraight or what maging maganda lang. Maganda rin naman ang buhok ko bumagay din siya sa maliit kong mukha ang cute ko talaga. Matapos kong mag-ayos ng sarili humarap na ako kay Maxinne.

  
     "Oh? Ano cute na ba ako?"

Sabi ko dito sabay ngiti ng malawak umirap lang ito sa akin sabay tayo.

     "Bakit tuta ka ba para maging cute? Tara na nga!"

     Grabe talaga siya ! Bakit ko ba ito naging kaibigan? Bago ako lumabas humarap ulit ako sa salamin.

    "Aja! Aja! Kaya ko ito! Makakahanap din ako ng trabaho."

    Nakangiting sabi ko sa sarili ko.

    "Hoy! Babae tara na !"

    Panira talaga siya sa moment ko. Ang lakas talaga ng boses ni Maxinne kahit na malayo na siya sa bahay ni ate rinig ko pa rin ang boses niya. Nagdollshoes nalang ako nilock ko na rin yung pinto nila ate baka manakawan pa. Iba na ang mga tao ngayon iilan nalang ang mapagkakatiwalaan.
Paglabas namin andun na naman sa tambayan si Mike hindi na ba siya nag-aaral?

"BEHIND  IN THE LIGHT"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon