ALESHA's P.O.V.
Sumakay na ako ng sasakyan papuntang Cavite umupo na ako sa bandang hulihan dahil doon nalang ang bakante. Mamimiss ko ang mga kaibigan ko nakakalungkot naman dahil sa kahirapan sa buhay kailangan ko pang lumayo at iwan sila. Masyado na kasing matanda ang mga magulang ko hirap na silang pag-aralin ako kaya't kinailangan kong tumigil sa pag-aaral at pumunta nalang sa Cavite upang humanap ng trabaho. Second year college na ako sa HRM gustong-gusto ko talagang maging isang magaling na magluluto balang araw napayuko na lang ako hindi ko na ata matutupad pa iyon."Miss,may katabi ka ba?" Napaangat ako ng ulo tila tumigil ang paligid ko sa lalaking nasa harap ko ngayon
matangkad, medyo kayumanggi ang balat, medyo matangos ang ilong ,may mapupungay na mata , at may maliit na labi."Miss?" Ay! grabe napatitig na pala ako sa kanya mukha tuloy akong baliw nito umiling na lang ako na ibig sabihin ay wala mukhang magiging maayos ang byahe ko kasi may katabi akong gwapo. Sumakay na ang driver at binuksan ang telebesyon nila upang malibang kaming mga pasahero. Maya - maya ay nagsimula ng umandar ang bus habang nagbabyahe tinitingnan ko ang bawat paligid na madadaanan ng bus na sinasakyan ko. Ngayon nalang ulit ako magbabyahe at nakakalungkot lang kasi mag-isa lang akong nagbabyahe napatingin ako sa katabi ko bakit kaya siya mag-isa? Sa tingin ko nasa 20-22 na siya kaunti lang agwat niya sa akin pagnagkataon ano ba yan! ano bang mga pinag-iisip ko mamaya may girlfriend na pala siya naku! sakit lang sa puso ang aabutin ko nito. Nagulat nalang ako kasi nakatingin narin pala ito sa akin kaya bigla akong umiwas nakakahiya kaya. Paano kaya kung makipagkilala ako pero ang akward naman kasi babae ako . Bago ko pa magawa ang iniisip ko ay bigla nalang siyang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.
"Miss, ako nga pala si Denmark ikaw?" Nakangiting sabi nito sabay lahad ng kanyang mga palad kinuha ko ito agad.
"Ah! A-Alesha! nga pala nice meeting you kuya." Sabi ko dito ang lawak pa ng ngiti ko habang sinasabi ko sa kanya ang aking pangalan.
"Ganun din sayo, atsaka grabe ka namang makakuya samantalang 21 lang naman ako.Ikaw ilang taon ka na ba?"
Sabi nito sa akin bata pa pala siya ayos! joke lang! ang keri ko na naman." 19 na ako saan ka nga pala papunta?" Curios lang ako hindi ko naman siya susundan ngayon lang ata ako nainlove ng ganito yung tipong kulang nalang kumindat ako ng kumindat upang maging cute sa harap niya.
" 2years lang pala tanda ko sa iyo eh! so Mark nalang for short" Hindi sinagot kung saan siya pupunta grabe! hindi ko naman siya susundan.
"Mark, nice nickname Sha nalang for short." Sabi ko naman dito
humaba ng humaba ang aming usapan masaya naman siyang kakwentuhan pati yung nalaglag siya sa kanal kinuwento niya rin sa akin grabeng tawa talaga ang ibinigay ko sa kanya. Hindi ko akalaing mawawala ang lungkot ko habang nagbabyahe ibang klase kasing magkwento ito si Mark at kapag tumawa pa naku! madadala ka talaga yung tipong mas malakas pa yung tawa mo kaysa sa pinapanood niyo."Hoy! Kayong magsyota dyan huwag kayong maingay nanonood kami!." Napatingin kami dun sa matandang babae sobrang lakas na pala talaga ng boses namin.
"Ikaw! kasi ang lakas ng tawa mo eh." Sabi nito sa akin
close na agad kami samantalang kakikilala lang naman namin."Grabe! Naman kasi mga kwento mo nakakatawa lalo na yung tawa mo masyadong nakakadala." Sabay hampas ko sa braso niya .
"Aray! Grabe kang manghampas babae ka ba talaga?" Pabirong tanong nito sa akin madami ng nagsasabi sa akin na masakit daw akong mamalo one time nga nagalit sa akin yung isa kong kaibigan kasi napalakas daw hampas ko.
"Oo kaya! Pero masakit ba talaga?" Baka nga masakit , naku! nakakahiya naman.
"Joke lang! lalaki ako kaya wala pa ring panama sa amin ang mga hampas niyong mga babae." Pagmamayabang na sabi nito sa akin grabe! may pagkamayabang din pala siya hindi na talaga maaalis sa isang lalaki ang maging isang mayabang.
"Weh? Yabang naman... pero seryoso baka nasaktan ka talaga." Seryoso kong sabi dito ayaw ko na kasing may masaktan na naman ng dahil sa akin ng dahil sa katangahan ko!.
"Hindi nga! ito talaga!" Nakangiti nitong sabi sa akin kaya napangiti na rin ako sa kanya bakit ba ang gaan agad ng loob ko sa kanya?. Love ba ito o dahil Freindly lang talaga kami?
"Kayo pong dalawa saan?" Nakakagulat naman yung konduktor bigla-bigla nalang nadating.
"Sa Alabang po , ikaw ba Mark Alabang din?" Nakangiti kong tanong dito umiling siya.
"Turbina lang po ako, Kuya"
Bigla akong nalungkot sa sinabi niya akala ko pa naman iisa lang babaan namin. Maiinip ako nito kasi wala na akong makakausap.Binigay na sa amin ang ticket naming dalawa ningitian ko lang yung konduktor.
"Hanggang dun ka lang pala? Malapit ka na palang bumaba?" Sunod-sunod na tanong ko dito tumingin ito sa akin at ngumiti.
Ngunit bakit tila malungkot ang kanyang mga mata."Bakit mamimiss mo ba ako? Hahanapin ko kasi sarili ko sa lugar na iyon." Seryosong sabi nito habang nakatingin ng deritso sa unahan. Ngunit anong ibig sabihin nito? Naliligaw ba siya? O baka naman baliw itong katabi ko huwag naman sana gwapo pa naman madaldal pa.
"Kapal mo! Sino ka para mamiss ko? Atsaka bakit mo hahanapin sarili mo ? Sa totoo lang hindi kita naintidihan." Seryosong sabi ko dito pero imbis na matuwa ako sa sagot niya ito ako at inis na inis sa sagot niya grabe ang ganda paano ba naman tinawanan lang ako baliw ata talaga ito bakit hindi ko napansin kanina?
"Maiintidihan mo rin kapag nagkita muli tayo." Sabi nito na nakangiti sa akin huwag mo nga akong ngitian baka patulan kita kahit baliw ka.
"Baliw! Hindi na tayo magkikita sa sobrang dami ng tao at sa sobrang lawak ng Maynila magkita pa kaya tayo? Haler!?" Pagtataray ko dito pero tingin ko malapit na kami sa Turbina ang bilis naman ata.
"Magkikita pa tayo malay mo destiny pala tayo." Pabirong sabi nito sana nga pero syempre iba ang sinagot ko.
"Baliw!" Sabi ko dito biglang sumigaw yung konduktor kaya nagulat na naman kami.
"Turbina!Turbina! Sinong bababa?" Sigaw muli ng konduktor turbina na pala ibig sabihin bababa na siya.
" Alis na ako! Ingat sa byahe Sha!" Binuhat na niya yung mga dala niya tinanguan ko lang siya at nginitian nakakalungkot naman.Bago pa ito bumaba ng tuluyan tumigil muna ito sa pinto sabay sumigaw.
"Sha! Some jokes are half meant!"
Napatulala nalang ako kahit hindi ko naiintidihan sinabi niya bigla nalang akong napangiti. Sana nga magkita muli tayo.
Nakakalungkot mag-isa na naman ako.Mag-isa ko na namang haharapin, ang mga pagsubok, problema at ang realidad na sarili ko lang ang hindi ako kayang iwan kahit na anong mangyari. Tiningnan ko muli si Mark bago ako tumingin ng deritso sa unahan mag-isa na naman ako.
To be continued...
------------------------
A/N:
Don't Forget to Read,Comment and Vote .
Thank you!

BINABASA MO ANG
"BEHIND IN THE LIGHT"
Storie d'amoreSa bawat liwanag may madilim na parte... May kadilimang nakatago... May sakit na patuloy na itinatago... @Ms.CRUSHES11