KABANATA IV

0 0 0
                                        

        
         RUSSEL's P.O.V.

   Pagkaalis ko sa opisina ni manager ay  nagderitso agad ako  sa kompanya nila Sabrina. Deri-deritso ako sa opisina nito. Pagpasok ko sa loob wala si Sabrina baka nasa conference room. Nagpatimpla ako ng coffee sa secretary ni Sabrina para mawala na rin yung hangover ko. Tiningnan ko yung kabuuan ng opisina niya puro larawan  niya. Isang larawan lang ang nakaagaw pansin sa akin yung larawan naming dalawa nung high school pa kami pinipisil niya yung pisngi ko sa larawan habang ako naman medyo busangot ang mukha sobrang taba ko noon  kaya pisngi ko lagi ang pinagdidiskitahan ng babaeng yun.

      Napatawa nalang ako ng maalala ko yung mga masasayang nakaraan namin noon. Tanging siya lang ang naging kaibigan kong babae noon sapagkat napakaaarte ng mga babae noon hindi rin naman kagandahan.

      "Tinitingnan mo ba kung gaano ka kapanget ?"

   Nagulat ako sa narinig kong boses tumingin ako sa kanya nakangiti siya sa akin ngunit halata namang nang-aasar lang.

   
   "Panget daw, kung panget ako bakit sa lahat ng lalaki ako pa ang ginusto mong maging kaibigan?"

   Napangiti nalang ito sa akin kitang- kita tuloy ang kanyang malalim na dimple. Napangiti na rin ako para sa sarili ko makita ko lang siyang nakangiti napapangiti na rin ako.

     "Kasi nga kakaiba ka sa lahat para sa akin."

   Kung kakaiba ako bakit hindi mo ako minahal ng higit pa sa kaibigan?

    "Totoo? Ede inlove ka na sa akin niyan?"

   Nakangisi kong sabi dito tumawa lang ito kaya ayaw kong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko dahil alam kong maaaring pagtawanan niya lang ako.

  
     "Kapal mo! Kay Naithan lang ako maiinlove noh?!."

    Ouch! Sakit naman sa damdamin. Ningitian ko lang siya ng nakakaloko hindi ako tumitingin sa kanyang mga mata sapagkat lalo ko lang siyang mamahalin pag nagkataon.

   
    "Joke lang! Atsaka hindi rin naman ako maiinlove sayo hindi ako nagmamahal ng kaibigan "

    Sabi ko dito sabay higop ng Coffee.Napangiti nalang ako ng mapait nagsinungaling na naman ako. Ang galing ko talagang magsinungaling sana may premyo din yung mga taong magagaling magtago ng kanilang mga nararamdaman.

   
    "Hindi rin naman kita papatulan noh?! You're just my bestfriend and also my older brother to me."

   Ang sakit naman bakit hindi ba pwedeng mas higit pa dun? Napatingin ako sa mga magaganda niyang mata tila malungkot siya? Napaiwas din ako agad.

    "Ayos ka lang ba? Kamusta kayo ni Na-Naithan?"

    Grabe! Nasabi ko pa talaga pangalan nung lalaking iyon. Kaya lang nautal pa ako nagseselos lang kasi ako bakit kasi sa dinami dami pa ng lalaking pwede niyang mahalin isa pang palengkero at higit sa lahat kitang - kita ko sa mga mata niya na mahal na mahal niya talaga yung lalaking yun. Hindi ko alam kung paano sila nagkakilala samantalang langit si Sabrina isa lang hampas lupa ang lalaking yun.

    "Ito may problema na naman.Ikaw kasi bakit kasi kailangan  ganun pa ang isagot mo sa media naghihinala na tuloy siya sa akin sa atin."

    Napabuntong hininga nalang siya g*g* pala yung lalaking yun eh pasalamat nga siya pinagtatanggol ko pa siya sa daddy ni Sabrina kung hindi dahil sa akin panigurado hindi na makikita ang mukha niya dito sa ibabaw ng mundo. Pasalamat nga siya dahil siya ang mahal ng taong mahal ko kung manghihinala siya ng manghihinala aba! aagawin ko sa kanya ang kaibigan ko.

"BEHIND  IN THE LIGHT"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon