S P R I N G
"Winter!!"
"Ano na naman!"
"Buy me those balloons!"
"Tangina, ano ka bata?"
"Hey, don't cuss! Nandito tayo sa simbahan oh!"
"Whatever! Nagmumura ka rin naman ah?"
"At least hindi sa simbahan."
"Ganun parin naman 'yun!"
S P R I N G ' S P O V
Nakakainis talaga si Winter!
Ayaw ba naman akong bilhan ng pikachu na baloons.
I love pikachu pa naman.
"Winter, please. Bilhan mo na ako!," pagmamakaawa ko pa. Alam kong ang kapal ng mukha ko dahil nakikitira na nga ako sa kanya, yung ginagastos ko pa ay galing sa kanya.
Kakakilala lang namin, pero magaan agad ang loob ko sa kanya. Kapag siya ang kasama ko, I feel safe.
"No."
"Aww," maktol ko. Naupo na lamang ako sa bench dun sa labas ng simbahan.
Nakakainis, gusto ko pa naman nung balloons.
"Here," napatingala ako nung may nagsalita. And I saw Winter giving me a pikachu balloon.
"Oh my goshh! Sabi na nga ba at hindi mo ako matitiis Winter eh," masayang sabi ko.
"Childish," i heard him muttered.
"Bakit? Only children lang ba ang pwede sa balloons?," naka-pout kong tanong.
"Psh."
"Huy, pero thankies talaga Winter ha?," pagte-thank you ko.
"Tch."
"Ay, pasungit effe--," naputol ang sasabihin ko nang may lumapit sa aming babae na may dalang baby. I think around two years old yung bata.
"Uhm, Miss and Mister. Pwede ko ba kayong paki-usapan?," tanong sa amin nung babae. Sa tingin ko mas matanda lang siya sa amin ng mga three years. Maayos rin naman siya, mukha namang disente.
"Uh, Ate kasi--," tututol na sana si Winter pero inunahan ko siya.
"Sure po. Ano po ba iyon?," tanong ko sabay baling kay Winter with my makisama-ka-na-lang-kawawa-naman-oh-look.
"Pwede bang pakibantayan muna itong anak ko? May hahabulin lang ako. Tinakbuhan kasi ako nung isa ko pang anak. Hahanapin ko lang," paliwanag naman nung babae.
Tumingin naman ako dun sa bata. Boy siya. Ang cute nga eh. Nakasuot siya ng cat suit eh. With matching cat headband pa.
"Eh kasi po--,"
"Sige po. Ano nga po palang pangalan niya?," I said cutting off Winter's words.
"Siya si Yjy Theodore. Pero pwede mo siyang tawaging Yjy or Theo nalang," paliwanag ni Ate.
"Ah."
"Sige, maiwan ko muna kayo ah? Hahanapin ko lang yung anak ko," paalam ni Ate at umalis.
"Spring, bakit ka pumayag?," iritableng tanong ni Winter.
"Eh, kasi kawawa naman sila eh," naaawa kong sabi.
"Tss."
"Hello Yjy, I'm Ate Spring," nakangiti kong sabi kay Yjy.
"A-ache Ishphring?," gosh! Ang cute ng boses niya.
"Yes baby. He's Kuya Winter naman," sabi ko sabay turo kay Winter sungit.
"Ku-kuya Winchel?"
"Yep."
"Mama? Saan Mama?," bigla nalang umiyak si Yjy.
"Yjy calm down," sabi ko sabay tapik sa likod niya para kumalma.
"WAAAHHHHHH!! MAMAAAAAAA!!!," iyak ni Yjy.
"Aish, ang ingay ng batang 'yan ah," inis na sabi ni Winter.
"Winter! Bilhan nga natin siya ng cotton candy," utos ko kay Winter.
"Gago, 'wag. Baka masira yung ngipin ng bata," pagtataray ni Winter. Bakla ba 'to?
"Huwag ka ngang magmura," saway ko.
"Whatever. Tara na nga. Bumili na tayo," yaya niya. Binuhat ko naman si Yjy at sumunod na kay Winter.
"Kunwari pa, papayag naman pala," bulong ko. Pero mukhang matalas ang pandinig ng Koya niyo.
"Oh edi 'wag na!," sagot niya at akmang uupo na ngunit pinigilan ko siya.
"Joke lang. Hehehe. Bili na tayo?," pa-cute kong sabi.
"Tigilan mo nga ako. Pa-cute pa, hindi naman cute. Ang creepy kaya tignan," nakangising sabi niya.
"Lul ka."
HAPON na pero hindi pa rin bumabalik yung Mommy ni Yjy. Nakatulog na't lahat-lahat si Yjy pero wala pa rin si Ate.
"Winter, wala pa rin si Ate. Kawawa naman si Yjy oh," nakapout kong sabi at tumingin kay Yjy.
"Tch. Sabi ko kasi sa'yo kanina na 'wag mo nang tulungan eh. Malay mo hindi na niya balikan yung anak niya," nangangaral na sabi ni Winter sa akin.
"But Winter, paano kung sa other strangers naibigay ni Ate si baby Yjy and we didn't help her. Malay mo those strangers are masasamang tao pala. Edi Yjy is magiging kawawa na," malungkot na sabi ko.
"Aish. Antayin na nga lang natin si Ate. Malay mo dadating na 'yon mamaya. And Spring please, stop your talking style. Masyadong nakakairita yung pagka-conyo eh," kunot-noong sabi niya.
"Winter, just like what I had said to you noong nakaraan, I'm sanay na sa pagsasalita ng gan'to so wala ka ng magagawa 'don. And umaayos lang ang talking style ko when i'm depressed or serious," sabi ko at tinignan nalang si Baby Yjy.
"Baby Yjy, sleep well."
*********
BINABASA MO ANG
When Spring Experienced A Sprain [ON-HOLD]
FanfictionNaniniwala ba kayong makakameet ka talaga ng mga tao in an unexpected way? Pwes maniwala kayo.