S P R I N G

"Yes, two thousand pesos lang a month," sagot samin nung may-ari ng paupahan na pinagtanungan namin ni Winter.

"Spring, what do you think? Okay na ba 'to?," tanong sa akin ni Winter.

Tinignan ko yung bahay. Kung iko-compare ko 'to sa bahay namin, kasing laki lang siya nung kwarto ko and mas malaki pa ang condo ni Winter. Pero okay na rin 'to. Ano pa bang magagawa ko?

Kailangan kong magtiis para makatakas ako. And ang kapal naman siguro ng mukha ko kung aangal pa ako kay Winter 'no? Eh ako na nga itong tinutulungan niya.

"It's okay na for me," sagot ko.

"Alright. Kunin na po namin," sabi ni Winter doon sa may-ari ng paupahan.

Nag-negotiate na sila 'don. And ako? Nag-ayos na ako ng gamit. Konting gamit lang naman yung dinala namin. Yung mga important lang.

And si Yjy? Ayun tulog pa. Napagod siguro. Kanina pa kasi kami naghahanap ng apartment eh.

"Spring, are you sure na okay lang sa'yo itong bahay na 'to? Alam ko namang hindi ka sanay sa ganitong pamumuhay eh," nag-aalalang tanong ni Winter sa akin pagkapasok niya sa bahay.

"Yup. I'm okay here. Ano pa bang magagawa ko diba?," natatawang sabi ko.

"Spring, mukhang umaayos na yung pagsasalita mo ah," pansin ni Winter.

"Ah, yun ba? Pinipilit ko kasing ayusin, mukhang nahihirapan ka ng intindihin ako eh. At saka kahit sa bagay na 'yun lang masuklian ko yung mga itinulong mo sa akin," genuine na sabi ko kay Winter.

"Bait ah," asar niya.

"Siyempre ako pa. Marunong kasi akong tumanaw ng utang na loob. Pero alam mo Winter, nagtataka ako ah. Ba't ang bait mo sa akin. Tinulungan mo ako kahit kakakilala lang natin. At nung nagkakilala tayo hindi pa siya sobrang pormal," nagtatakamg sabi ko.

"I don't know either. Meron lang kasing something sa'yo. Something that makes me care for you," he explained.

"Aww, bumabait ka na ah," natatawang sabi ko.

"Well, people change," nakangiting sabi niya. "Nga pala Spring maghanda ka aalis tayo mamaya."

"What? Saan tayo pupunta? Magde-date ba tayo. Omg," sagot ko.

"Assume pa. Maggo-grocery lang tayo," poker faced na sabi niya.

"Haha, joke lang. Sige mag-grocery na tayo mamaya," natatawang sabi ko.

*********

When Spring Experienced A Sprain [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon