S P R I N G
"Spring?"
Nagulat ako nang may nagsalitang pamilyar na boses sa gilid ko.
"Ge-geron?"
"Uhm, hi?," nag-aalangang sabi niya.
Putspa. Ba't ngayon ko pa siya nakita? Bakit bumabalik yung lahat ng sakit? Bakit?
Pinilit kong ngumiti kahit nahihirapan ako. Gusto ko nang umiyak, pero hindi pwede. Kailangan kong ipakita sa kanya na malakas ako. "Uy, Geron ikaw pala. Hello, long time no see ah! Kamusta ka?," pilit na ngiti kong sabi.
Then I started to have flashbacks.
"Oh my gosh! My favourite book," naiiyak na sabi ko. Nahulog kasi sa tubig yung favourite book ko. At dahil 'yon sa lalaking nakabangga sa akin.
"I'm sorry Miss. I'm just in a hurry. Papalitan ko nalang yung book mo next time. May hinahabol lang kase ako," paliwanag niya at tumakbo palayo.
Shocks. Naniniwala ba kayo sa love at first sight? Ang saya pala sa feeling.
(Putspa kelan pa tumibok ang mata? ---epal)
NUNG sumunod na araw, nakita ko yung lalaki na nakabangga sa akin. Nag-aantay siya sa labas ng room namin.
Gosh! Ang gwapo niya.
"Miss, I'm sorry talaga. Papalitan ko nalang yung book," paghingi niya ulit ng tawad.
"I almost forgot na nga yung nangyari kaya wala na 'yon. But if you want to make palit my book, samahan mo nalang ako sa bookstore," nakangiti kong sabi.
"Uhm, sige. By the way I'm Geron Sy," he said and offered his hand to me.
"Spring Kasami," nakangiti kong inabot yung kamay niya.
And just like other fairytales, naging close kami at nagkatuluyan. Ika nga nila 'And they live happily ever after.'
Pero naalala ko hindi pala totoo ang fairytales. Hindi pala nag-eexists ang happily ever afters.
End of flashback
"I'm okay," nakangiting sabi niya.
"Oh, buti naman," kasi ako hindi.
"Ikaw Spring kamusta?," tanong niya.
Teka anong isasagot ko? 'Eto hindi pa rin nakaka-move on sa'yo?' Ang pangit naman nun.
"I-i'm fine too."
"Oh, ano ng ginagawa mo ngayon?," tanong niya.
"Wala, ganun pa rin. Just like my daily routines before," ba't ba ang awkward?
"Mukhang nag-iimprove na yung salita mo ah. Di ka na conyo katulad nung dati," oo tulad ng dati. Dati noong tayo pa.
"Ah, is that a--,"
"BABE! Andiyan ka lang pala," nagulat ulit ako nang may sumigaw sa hindi kalayuan.
I-is that Va-vana?
Gosh, I'm doomed.
********
Geron Sy sa mm ☝☝
BINABASA MO ANG
When Spring Experienced A Sprain [ON-HOLD]
FanfictionNaniniwala ba kayong makakameet ka talaga ng mga tao in an unexpected way? Pwes maniwala kayo.