S  P  R  I  N  G

Hayy, ang hirap pala mag-commute lalo na kapag may kasama kang bata.

Spring, erase okay? Kailangan mo munang kalimutan yung marangyang pamumuhay mo noon. Kailangan mong maging simple at kailangan maging sanay ka na sa ganitong buhay.

"Spring, nandito na tayo," nagulat ako nang magsalita si Winter. Nakatigil na pala yung bus na sinasakyan namin. Masyado yata akong na-occupy ng mga iniisip ko.

"Ayy, hehe tara na?," natatawang sabi ko at bumaba na.

Nandito kami sa Purecarat. Iba 'yon sa Puregold. Mas mura kasi sa Purecarat. Dito kami mamimili para mas makamura. Wala pa kasing trabaho si Winter. Sabi ko nga magtatrabaho 'din ako pero sabi niya wala daw magbabantay kay Yjy, kaya ayon lonely ako sa bahay.

"Uy Spring! Lutang ka na naman," nagulat ako ng makita ko ang mukha ni Winter sa harap ko.

Agad akong napalayo dahil sa gulat. "Hehehe, sorry."

"Akin na nga si Yjy. Mukhang delikado siya sa'yo eh," sabi ni Winter at binuhat niya si Yjy.

"Yeah. Feel na feel mo yung pagiging Tatay kay Yjy ah. Samantalang dati ayaw mong kunin kay Ate 'yan," nanunuksong sabi ko.

Agad naman siyang namula. "A-ano ba 'yan. Tara na nga sa loob," yaya niya at pumasok na sa loob ng Purecarat.

Ang cute ni Winter kapag naba-blush.

Ay, putspa! Naiwan na ako nila Winter!

"NO, I want the chocolate one."

"I want the milk one."

"I want the chocolate."

"I want the milk one."

"Chocolate."

"Milk."

"Chocolate."

"Milk."

Nandito kami ni Winter sa chocolate section ng grocery store.

At nagtatalo lamg naman kami kung anong flavor ang kukunin naming chocolate. Gusto niya ay yung milk pero ko gusto ko naman ay yung dark chocolate. Medyo pinagtitinginan na nga kami eh.

"But Winter! Masarap yung dark chocolate."

"No it's final. Yung milk yung kukunin natin."

"I wantch milk and shocolate," nagulat ako ng biglang magsalita si Yjy.

"Oo nga 'no? Ba't di mo 'yun naisip Winter? Puwede naman nating bilhin pareho," medyo natatawang sabi ko.

"Tss. Hindi mo nga rin naisip eh," angal niya at nag-ikot pa para maghanap ng iba pang bibilhin.

Ako naman ay nakasunod lang sa kanila. Si Yjy ay nakasakay dun sa pushcart. Tuwang-tuwa nga eh. I wonder kung bakit siya iniwan ng Mommy niya. He's such an adorable baby.

"SPRING, tara na okay na 'to. Magabayad na tayo," sabi sa akin ni Winter matapos niyang makuha yung mga bibilhin namin.

"Sige tara n-- ay wait lang may nakalimutan pala akong bilhin. Wait, magbayad ka na and antayin niyo nalang ako ni Yjy diyan. Okay?," paliwanag ko. Nakalimutan ko kaseng kumuha nung conditioner na ginagamit ko.

"Sige. Basta bilisan mo lang ah?"

"Yes, Sir."

Agad kong pinuntahan yung section ng conditioners.

Ayun buti meron pa! Kukunin ko na sana ito nang biglang--

"Spring?"

**********




When Spring Experienced A Sprain [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon