MPH 21

15.8K 325 37
                                    

MPH 21


Megan

"SIGE BA"- ako

BAT KO YUN NASABI?!


Nagkaroon ng katahimikan. 


"a-alis na tayo?" Tanong ko sabay tayo.

"S-sige" At tuluyan na kaming lumabas sa ice cream parlor.

Takte maglalakad pa pala kami pabalik sa school!

Habang naglalakad, tahimik lang kami.

Nabalot ng katahimikan sa aming dalawa habang naglalakad pabalik. 

 "Ehem" Nag ubo ako para naman mabawasan ang awkwardness na  nakapalibot samin ngayon.

"Ah, may gagawin kaba bukas?" Tanong niya.

"Wala. Bakit?"

"Wala lang" Sabay ngiti niya sakin.

Okaaay. Ngumiti siya sakin?


Pagdating namin sa school, konti na lang yung mga tao. Umuwi na kasi yung iba. So, sumakay na ako sa motor ko. Iniwan ko na si Ken .

Uuwi na sana ako pero naisipan kong bumili muna ng pagkain kasi nagugutom ako. Oo na ako na ang matakaw! Kaya nag stop muna ako sa isang shop. Bibili ako ng junk foods tapos ice cream.

Habang naghahanap ako ng masarap na ice cream, may bigla nalang kumilabit sa balikat ko. Pagtingin ko, si manong driver sa bahay! Anong ginagawa niya dito?

"manong! bakit? Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko habang nakatingin parin sa iba't ibang ice cream.

"Mam Meg. Pinapauwi na po kayo" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

Pinapa uwi? Anong pinagsasabi neto.

"Pinapauwi?Sino nag utos sayo?" Tanong ko. Ayokong umuwi nang bahay lalo na ngayon kasi andun si Natasha!

"Si Madame po"

"M-MADAME!? SI MAMA!?" Kinabahan naman ako sa sinabi niya. Wag niya sabihin nakauwi na ang nag-iisa kong ina! Akala ko ba aabot pa sya ng mga three months!

"O-opo. Kaka uwi niya lang kanina. Hinahanap ka niya kaya dapat sumama na po kayo."

BAT HINDI NIYA SINABI NA UMUWI SIYA?!

Dali- dali kong kinuha yung cellphone ko at tiningnan. Naka silent pala yung phone ko.

45 MISSED CALLS - MOM

Hala? Kaya pala kanina ko pa napapansin na umiilaw yung phone ko.

"Oo sige pupunta na ako." Sabi ko kay manong driver. Umalis na siya kasama yung isa pang lalaki. Kaya pala naka suit na sila kasi dumating na si mama.

Pagkatapos kong bayaran yung mga binili ko, dumiretso na ako sa mansion kung saan naghihintay na raw si mama.

"Anak!" Bati ni mama sakin pagkadating ko. Ako naman, kumakain lang ng cornetto habang nagbeso- beso sa kanya.

"Ba't parang hindi ka masaya na andito na ako?" Tanong niya.

"Masaya ako ma. Pero siguraduhin mong marami kang baon na kwento diyan para sakin" Sabay subo sa last piece ng ice cream.

My Pervert Housemate [ IN REVISION] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon