◆◆◆ Jelai's P.O.V.
Ang bigat ng katawan ko dahil mahigit sampung oras na naman akong nakatulog. Patay na naman ako kay Bossing nito. Late na naman ako sa trabaho panigurado. Kung di pa tumunog ang cellphone ko dahil sa message ni Basha for sure ay naghihilik pa rin ako hanggang ngayon.
***one message received***
Basha: Prinsesa nasan ka na ba? Kanina ka pa hinahanap ni Bossing. May nakaschedule kang shoot ngayong 10:00am.
J.M.: Haha. Kelan ka pa napromote bilang secretary ko? Hindi na naman tumunog 'yung alarm clock ko.
Basha: Leche ka! Secretary ka dyan. Itapon mo na yang alarm clock mo! Pumasok ka na dali.
J.M.: Otw na Miss Sexytary! :p
***message sent***
Mahigit tatlong taon na ko dito sa Manila. Pagkagraduate ko nang high school isinama ako ni Uncle June sa pagluwas. Namimiss ko ang Palawan paminsan-minsan pero buhat nang umalis kami doon ay naisip kong 'wag na itong balikan.
Nagtayo ng isang photo shop si Uncle. At dahil mula pagkabata ay hilig ko na ang kumuha ng mga larawan ay madali kong natutunan ang iba't ibang style at paraan ng pagkuha ng pictures. Kung dati-rati ay tiga set up lamang ako ng mga camera, tiga adjust ng ilaw at tiga hawak ng reflector, ngayon ay ako na mismo ang kumukuha ng mga larawan. Sa shop ay ako at si Basha ang tumatanggap ng mga customer na gustong magpakuha sa studio habang si Uncle June at ang iba pang photographer ang naghahandle ng mga shoot sa labas.
◆◆◆ Justin's P.O.V.
"Welcome to the Philippines Sir!"
"Thank you!".
Napakafriendly talaga ng mga Pilipino. Hindi ako nagkamali sa pagpunta dito. This is where I will spend the last three months of my freedom.
Kriiiiiiinnnngggg!!! Kriiiiiiinnnngggg!
***incoming call -- Mama***
***call rejected***
***one message received***
Mama: Son, where are you? Please come home.
J.M.: Ma, I'll be back after three months. Gagawin ko ang plano nyo ni Papa. Just let me have this time for myself, alright? I'll be back soon. I love you Ma. Just trust me, ok?
***message sent***
◆◆◆ Jelai's P.O.V.
Hanggang ngayon talaga ay di pa rin ako sanay sa napakaraming pila. Pila sa jeep, pila sa mrt at pila sa coffee shop. Super late na ko pero kailangan ko talaga ng kape. Activated na naman kasi ang zombiemode ng katawan ko. May natitira pa naman akong 20 mins. kaya abot pa 'to.
Puno na naman ng customers ang coffee shop. Abot sa pinto ang pila. Sana makita ako ni Enjo para makasingit.
(Evil smile activated ;) hehe)
Pagmamay-ari ng kababata ko ang coffee shop na ito kaya madalas ay ako ang inuuna nya kahit gaano pa kahaba ang pila ng mga gustong magkape. Pang-anim ako sa pila pero hindi ko makita sa counter sa Enjo. Abalang-abala ang lahat. Nagulat na lang ako ng biglang. . .
"One latte for customer J.M.!", sigaw ng babae sa likod ng counter.
Wow! astig talaga si Enjo. Navibes ba nyang parating ako?
Papalapit na ako sa waitress na mag-aabot ng kape ko. Ilang hakbang na lang nang biglang isang lalaki ang kumuha nito. Nakasuot ito ng pulang jacket na may markang dragon sa likuran. Ang init-init nakajacket.
BINABASA MO ANG
"The Broken Angel"
RomansaWhat if dumating ang pagkakataon sa buhay mo na tanggalin ng universe lahat ng emosyon sa katawan mo? At sa di inaasahang pagkakataon ay dumating ang taong bubuhay muli sa manhid mo ng puso. Nadurog ang puso ni Jelai mula nang mawala ang dalawang...