Production supervisor ako sa isang garment factory sa loob ng compound na iyon noong makilala ko si Sgt. Carlos Cardenas. 30 anyos sya at ako naman nasa 25 ang edad. Isang tipikal na pinoy ang kanyang itsura, gwapo, maskulado, moreno, army cut ang gupit. Dagdag sa feature nya ang pormang pagkamaangas. Maaaring bunga iyon ng pagiging militar nya. Pero di naman bastos o barumbado. Katunayan marespeto at matulungin sya sa mga nakakakilala sa kanya.
Halos magkasingtaas kami sa hieght na 5'8". Sa compound na pagaari ng aking amo inuupahan nya ang bahagi ng isang lote doon bilang garahe ng kanyang owner type jeep na malapit sa gate. May kalumaan na ang kanyang jeep madalas kase itong maconfine sa talyer. Binibiro nga sya ng kanyang mga tropa "Boss, posporo gusto mo?". Hahalakhak na lang sya.
Madalas kaming magkita ni Sarhento. Ang tirahan ko kase ay malapit din sa pinaka-gate ng compound. Provided ito ng aking amo. May isang kwarto, kusina at maliit na salas. Tama lang para sa isang tao. Batian lang kami lagi sa una hanggang kalaunan naging magkaibigan. Sa kabila nito di pa rin namin lubos na kilala ang isa't isa. Maliban na lang siguro kung alam niya na madalas akong napapatingin sa kanya. Particularly doon sa kanyang harap lalo na kapag nakasuot ito ng shortpants na maikli yung exposed ang kalahati ng kanyang mabibilog at balbong mga hita. Iyon ang lagi kong pinagpapantasyahan kay Sarhento. Expressive ang kanyang mga mata at may kapilyuhan din lalo na kapag ngumingiti ang gwapong sundalo. Dito tumataas ang aking libido sa lakas ng kanyang sex appeal.
Sabado ng hapon noon off duty ko, pagkagarahe nya ng jeep bumaba si Sarhento nakablack shirt na hapit at stretch levi's jeans. Nakakalibog talaga ng mokong habang sinusundan ko sya ng tingin. Nakataas din ang kanyang shade sa ulo bitbit nito ang dalawang supot na plastic. Tumuloy agad sya sa aking accomodation. Inilabas niya sa supot ang dalawang bote ng alak (longnecked na whisky) at mga pangkaing pampulutan. Mukhang may okasyon sa isip ko. Nalaman ko birthday pala nya. Nagulat ako dun. Sinisi ko pa sya na sana nasabihan ako para kahit papano nakapaghanda rin ako ng may mai-share man lang. Nagkibit-balikat lang sya at sinabing di na raw kailangan. Binati ko naman sya ng happy birthday. Hinintay kong may darating pang ibang tao pero wala nang ibang dumating. Kaming dalawa lang ang magdaraos ng kanyang kaarawan. Wow ha!
Naging malisyuso tuloy ang isip ko. Ika-tatlumpong taong kaarawan nya kumbaga nasa "Pearl Anniversary" ginawang exclusive ang birthday party at kaming dalawa lang.
Wala akong kutob o hinala na nagkaka- interes sya sexually sa kapwa lalaki. Straight sya. Iyan ang nakikita ko. Sa kanyang porma, galaw, boses at pananalita mahirap syang pagdudahan. Ayoko namang mag-assume na kursunada ako.
Ako pala si Rob Javier. John Pratt look alike. Sabi daw nila?
Nagtoast kami. Pagkatapos nagsindi sya ng sigarilyo. Natatandaan ko Zippo ang lighter nya. Paboritong brand daw iyan ng mga sundalo kahit noong world war 2 pa.
Last year noong magbirthday sya sa kampo iyon idinaos ayon sa kanyang pagbibida. Barako lahat ang kanyang mga nakaparty. Pero ngayon pari daw ang kanyang kasama. " Ikukumpisal ko sa kanya lahat ang malungkot kung buhay." Natawa ako dahil ikinumpara pala niya ako sa isang pari. Marahil iyon ang impresyon niya sa akin. Una syang nagtanong kung may girlfriend daw ako. Sinabi ko "dati meron pero sa ngayon wala na".
"Magandang lalaki ka Rob... hindi dapat mabakante yan...."
"Kung pwede ka Sarge ikaw na lang". Napahalakhak na lang ako.
"Joke lang sir".
Patuloy ang aming pagiinuman.
Mahilig sya sa mga kanta ng Menudo at Journey kahit paulit-ulit mukhang hindi pinagsasawaan pakinggan ang mga kanta nito.
Makwento sya. Hanggang sa ibinida ang karanasan nya bilang isang sundalo, yung encounter nila sa mga rebelde, may panahon na muntik na silang ma-ambush. Buwis buhay ang ginagawa nila tuwing may mga kalamidad. Kahanga-hanga talaga ang buhay ng isang sundalo sa bawat misyon nakahanda silang ialay ang kanilang buhay para sa bayan. Parang nakakaproud na magkaroon ka ng isang kaibigang sundalo tulad ni Sgt. Carlos Cardenas. Pakiramdam ko safe ako sa kanya. Kaya kang maipagtanggol sa kahit na sinong tulisan.

BINABASA MO ANG
Ang Kaibigan Kong Sarhento
RomanceIto ay kwentong pag-ibig ng isang gwapong sundalong may asawa na. Nagmahal sa kapwa nya lalaki na itinuturing pa niyang kapatid. Dumating sa punto na dapat syang pumili. Sino ang pipiliin nya? Ano ang kahihinatnan sa magiging takbo ng mga pangyayar...