Pagdating namin ng terminal di nagtagal lumarga na rin ang bus makalipas ang kalahating oras na delay ng kanyang schedule. Nang biglang nagpreno ang driver dahil sa may humarang na isang jeep sa unahan namin.
Nagkaroon ng kunting commotion ang mga pasahero sa loob ng bus sa mga pangyayaring iyon. Hanggang sa nakita kong lumabas ang naka-boots na driver ng jeep. Nang makababa sya sa laking gulat ko si Sarhento pala. Suot ng sombrerong pang-army (flat top) naka t-shirt na itim at pantalong camouflage. Wala syang sukbit na baril. Mabilis syang umakyat ng bus na mistulang may aarestuhing tao. Habang nakatuon ang pansin ng mga pasahero sa gwapong sundalo kinausap ang drayber ng bus at humingi ng paumanhin sa abala dahil may isang pasahero daw syang hinahabol sinabing pang kapatid daw niya ito.
Iginala niya ang kanyang tingin sa loob ng bus hanggang sa nakita ako.
"Boss! sya yong brother na hinahanap ko!" sabi ni Sarhento sa drayber at konduktor. Pagkalapit niya sa akin naki-usap syang bumaba ako.
"Salamat at inabutan kita bumaba ka Rob ako na maghahatid sa'yo sa Bulacan please..." Wala akong magawa sa oras na iyon kundi magpahinuhod sa pakiusap ni Kuya Carlos. Natatawa lang ako dahil parang eksena sa pilikula ang mga pangyayari. Pumayag na ako kasi naiisip ko na baka magwala pa sa loob ng bus ang sundalo. Isa pa gusto ko na rin naman at least bonding moment na namin 'tong dalawa.
Agad namang nailipat ang mga bagahe ko sa kanyang jeep sa tulong ng konduktor ng bus. Pagkatapos lumarga na kami at naghanap sya ng gasolinahan. Pinalagyan niya iyon ng full tank na gasolina inabot ko sa kanya ang bayad bilang bahagi ko naman sa libreng byahe ko pero di sya pumayag. Si kuya Carlos pa rin ang nagbayad.
Habang naglalalakbay kami sa kahabaan ng NLEX bukas ang aming mga damdaming nagkwentuhan. Sinabi ko sa kanya ang dahilan ng biglaan kong pag-uwi. Katuwiran ko upang iwasan sya.
"Hindi ko lang maintindihan sayo nang dahil sa pag-aasawa ko pati ang iyong trabaho iiwanan mo na. Dapat ka bang umiwas ng dahil lang dito? Alam mo Robin (tunay kong pangalan)... apat ang mga kapatid kong babae... sabik lang siguro ako na magkaroon ng isang kapatid na lalaki tulad mo. Kaya napalapit ang damdamin ko sayo. Noon pa man kapatid lang talaga ang pagtanggap ko sayo... nahaluan lang kasi nang pagnanasa ng laman kaya ganito ang nangyari. Halimbawa pala kung tunay tayong magkapatid sa laman, incest na tawag dun sa ginagawa natin dahil sa pagkakaroon ng sexual relation nating dalawa. Isa pa para mo na ring sinabi sa akin na huwag akong mag-asawa kung hindi iiwanan kita! Heto na nga nangyari na. Tama ba ang ganoong katuwiran? Ano pang maitatago ko sayo Rob? Na unlock mo na ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam kung nababakla na ba ako o naghahanap lang ng isang buddy (close friend). Binibigay ko na nga pati pagkalalaki ko sa'yo kahit hindi ko naman gawain yan... para parihas tayong maging masaya. Pagkatapos ito gagawin mo sa'kin? Pinakialaman mo ako eh... pagkatapos mang-iiwan ka!"
Nang biglang may nag overtake sa amin pakaliwa sa pinakamalapit na distansya sa likod ng aming sasakyan. Ang bagal kasi ng takbo namin nasa 70 km/h lang samantala ang required na takbo dapat 100 km/h naasar yata yung kabuntot namin hahaha. Kung bakit kasi sa bandang gitna pa pumuwesto si Sarhento eh pang punerarya ang takbo ng kanyang jeep. "Pasensya na luma na ang sasakyan namin." Napamura tuloy si Sarhento. Mabuti na lang hindi sya matarantahin. Kung hindi baka nakabig nya ang manibela pakanan sigurado nag-somersaults kami. nagpatuloy sya sa kanyang sermon.
"Ipagpalagay nating may relasyon na tayo... let say mag-boyfriend na... kasi nakikita ko na patungo doon ang mga nangyayari sa ating dalawa. Hanggang kailan ito tatagal? Sa tanong ko merong technical answer dito Rob."
"Ano ibig mong sabihing technical answer kuya?" Parang ginagamitan yata ako ng logical reasoning. So... nakinig ako interesting sya.
"Kung fraternal ang relasyon natin habambuhay tayong magmamahalan kasi ang fraternal ay brotherhood. Choice na natin yon kung ang pagiging brotherhood natin sasamahan natin ng sex o wala.
BINABASA MO ANG
Ang Kaibigan Kong Sarhento
RomanceIto ay kwentong pag-ibig ng isang gwapong sundalong may asawa na. Nagmahal sa kapwa nya lalaki na itinuturing pa niyang kapatid. Dumating sa punto na dapat syang pumili. Sino ang pipiliin nya? Ano ang kahihinatnan sa magiging takbo ng mga pangyayar...