Chapter 36

202K 2.6K 649
                                    

Chapter 36





DJ’S POV


Hindi ko alam kung anong meron na naman kay Kathryn. Kaninang umaga lang ang ganda ganda pa ng ngiti niya ngayon naman parang gusto akong kainin ng buhay sa mga irap niya. Napaka moody talaga ng mahal ko. pero sorry ka Ms. Bernardo..kahit magsungit ka pa, hindi mababawasan ang kahit konti ang pagmamahal ko sayo.



Hindi niya ako kinikibo. Ewan ko ba kung bakit natutuwa parin ako sa kanya...lalo kasi siyang gumaganda pag nakasimangot siya.



Van namin ang naghatid sa amin sa Manila University. Nakapantalon ang kamahalan...mabuti naman.


Buong biyahe nya akong hindi kinikibo. Sa uwing magiinitiate ako ng topic bigla nyang kukunin ang phone niya at aakting magtetext. Kamahalan, ano bang problema mo?



Ilang saglit lang ay narating na namin ang Manila University. Ako ang may dala ng bag ng kamahalan. Hindi na siya pumalag ng bigla kong kunin ito.



Nagtext sakin si Niel na nasa isang classroom daw sila malapit sa stage. Foundation day rin kasi ng MU.


Kiray: I’m so exicted!!!


Yen: Puro lalake na naman kasi ang nasa isip mo.


Kath: Tama.


Pagpasok kitang kita ko kung pano kami pagtinginan ng mga students doon. Siguro akala nila mga artista..haha.


Mabentang mabenta si Yen at Kath sa kanila. Buti na lang wala sa mood ang prinsesa ko kung hindi baka nagpacute na rin ito.


Dj: Ito na yata ang room eh.


Binuksan ko ang pinto at naroon nga sila. Ma bantay sa labas...mukhang pinagkaguluhan ang SERENITY huh.


Dj: Mga parekoy...parang pinagkakaguluhan kayo dito huh!!!

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon