Chapter 83

149K 2K 110
                                    

This chapter is dedicated to RiaPhineluvbatman!! Salamat po sa pagbabasa.


VOTE + COMMENT + BE A FAN = HAPPY SI OTOR!!


CHAPTER 83


DANIEL’S POV



Abala na ang lahat para sa gaganaping Senior prom bukas ng gabi, lahat na may kadate except me. Dahil busy na ang lahat ay halos hindi na rin kami magkita sa school. Abala pa kasi si Kath sa pagaassist sa mga bagong officer ng SC at madalas kong naririnig na hindi rin siya pumapasok. Ano kaya ang pinagkakaabalahan niya?  Palihim ko na lang siyang sinusulyapan pag nagkakaroon ako ng pagkakataon.


Diego: Tol ano? Nayaya mo na ba si Kath na maging ka prom date??


Dj: Hindi pa nga ako kinikibo diba??


Diego: Deej, ang dali mo namang sumuko. Go lang ng go tol!


Anthony: Oo nga…


Dj: Oo nga ka diyan…ito ang gusto niya…


Gusto kong iparamdam sa dalawang to na hindi na ako masyadong apektado pero as usual, hindi naman sila naniniwala.


Anthony: Ito ang gusto niya…tol, make a move…be a man.


Dj: Anthony,  sinusunod ko lang ang gusto niya. Sabi niya layuan ko siya…so eto ako!


Naglalakad kami sa hallway ng central building ng makita naming lumabas si Kath galling sa Dean’s office. Pasimple pa itong nagpahid ng luha. Nakayuko kasi kaya siguro hindi kami napansin.


Diego: Umiiyak ba si Kath??


Anthony: Hala..baka ito yung tungkol sa insidente last time…


Dj: Anong insidente??


Anthony: Alam niyo bang ginawang pancake ng charms si Sab? Pero si Kath…sinave niya si Sab.


So totoo nga…friends na nga sila.


Diego: Si Kath? Si Sab??? Unbelievable.


Anthony: Di wag kang maniwala…kalat na kaya sa buong school na bati na ang CHARMS at si Sab.


Diego: Tsk tsk….grabe na ang panahon ngayon…paiba iba....pati ugali paiba iba na rin.

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon