Chapter 72

153K 1.7K 151
                                    

CHAPTER 72



KATH’S POV

Back to normal na ang klase after ng mga busy schedule dahil sa iba’t ibang event, pero ang utak ko...STUCKED. Naiwang naka-HANG sa pagiisip. Ilang araw na rin ang nakalipas after ng matinding pangyayari after the final game. Hindi ko na alam kung pano iiwasan si Dj kung sakaling lapitan niya ako sa classroom.

Pagbaba ko ng kwarto para magalmusal ay nakita ko si DK na naglalaro sa may sala. Gusto kong maiyak pag nakikita ko sya. Pinapaala niya kasi ang lahat ng mga gusto ko ng kalimutang moments with DJ. Seeing DK is a torture, pero hindi ko naman siya kayang ipamigay. Maybe someday.....he’ll be with someone na may karapatan din sa kanya, pero for the mean time...akin na muna sya...hindi ko pa kayang hindi siya nakikita sa bahay namin.

Lorna: Good morning Kath. Bati ni Ate Lorna.

Kath: Good morning. Bati ko naman.

Lorna: Kath yung mga mahahaba mong skirts, hindi mo na ba susuotin??

Kath: Hindi na. Itapon mo na. Seryoso kong sabi.

After kong magalmusal ay pumasok na rin ako.



SETTING: GPM

It seems that everything is colored gray. Yung feeling mo down na down at isang tao lang ang magpapansin talaga sa akin, makakatikim. Parang nararamdaman ng mga kapwa ko estudyante na hindi maganda ang mood ko kaya kahit ngiti ay parang nahihiya sila. Direcho akong pumunta sa locker ko para kunin ang books na kailangan ko.

Pagbukas ko ng locker ay may nahulog na isang  nakatuping papel. It is DJ’s.  Ayoko na sanang buksan pero hindi ko alam kung bakit binuksan ko pa at binasa.


KAMAHALAN,

I know that YOU DON’T WANT TO TALK TO ME, so eto ako...sinusulatan ka. I rolled my eyes upon reading this.

First of all...alam mo bang namimiss na kita??? May kung anong konting tuwa akong naramdaman pero madali namang napawi dahil mas matindi ang sakit.

Sobra na kitang MISS. Sana bigyan mo ako ng chance na ipaliwanag ang side ko. Sabi mo nga “WE ARE LIVING IN A FREE COUNTRY”.  I really want to talk to you...kung ayaw mo ngayon, kahit bukas o kahit sa makalawa or kahit sa isang linggo. Basta magusap tayo.

Sincerely,

DJ.

Just DJ. dati pagsumusulat siya halos gamitin na niya ang lahat ng adjectives para sa sarili niya, pero ngayon halatang malungkot din siya. Dj, pag ikaw ba binigyan ko ng chance....san mo ba gagamitin yon? Para magkaayos tayo o para magkaroon tayo ng maayos na hiwalayan? Napapikit ako ng saglit. Muli kong itinupi ang papel at pumasok na ako sa classroom.



DANIEL’S POV

Palagi kong tiningnan ang desk ko at tinatanong si Anthony kung sumagot na ba si Kath sa mga sulat ko. ilang araw na rin ang nakakalipas pero wala parin siyang sagot doon. Parang nawawala ako sa concentration. Tama nga si Lolo noon, ang pag-ibig raw ay istorbo sa pag-aaral. Ngayon ko iyon napatunayan, dati naman kasi hindi ko nararamdaman ang ganito eh.

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon