Chapter 70

160K 1.7K 224
                                    

this chapter is dedicated to Ayeeeeeeeb! kulang ba yung "e" hahaha...girl salamat sa pagbabasa!!

Chapter 70


KATH’S POV


Mabigat ang pakiramdam ko. Parang feeling ko buhat buhat ko ang daigdig. Halos wala na talaga akong tulog. Tinitimbang ko ang lahat lahat. Nagtatalo na naman ang puso at isip ko. Parang feeling ko mababaliw na ata ako. Siguro kung magkabati kami ni DJ ngayon, hindi mahirap ang pagdedesisyon pero dahil alam kong hindi niya ako mahal...parang binigyan na rin niya ako ng reason para umalis. Four years? Five or six?? Hindi ko alam kung gaano katagal pero kakayanin ko ba? Kakayanin ko bang hindi siya makita ng ganoon katagal? Sabagay sa tuwing makikita ko rin naman kasi siya...parang pareho lang yung feeling. MASAKIT.

Bumangon na ako para maghanda sa pagpasok.


DANIEL’S POV


Kung anong ganda ng gising ko kahapon dahil sobrang excited akong makita na siya, ngayon naman parang nawawalan ako ng rason para pumasok sa eskwela. Ganoon ang epekto ni Kath sa akin. She ruled my life. Mabigat ang pakiramdam ko at masakit din ang ulo ko. Mamaya na pala ang unang laban namin para sa GPM.  Wala man ako sa kondisyon pero kailangan kong maglaro.

Sobra na akong nasasaktan sa ginagawa niya. Kahapon nga parang hindi ako nageexist dahil sa pagngiti ngiting ginawa niya kay Gil nung dalawin siya nito sa classroom. Hindi pa kami break pero harap harapan niya akong sinasaktan. Dumalaw lang ulit ang Gil na yan sa classroom mamaya, uupakan ko na siya.


SETTING: GPM


KATH’S POV

Busy na ang buong GPM dahil sa gaganaping sportfest bukas. Makikilahok ang halos lahat ng school sa buong Metro Manila, kabilang na ang Green Park Tigers. Papasok pa lang ako sa vicinity ng makita ang SC Officers na abalang abala sa pagaasikaso sa buong GPM. Naglalagay sila ng mga banderitas sa buong school. Meron ding tarpaulins at mga posters . Mamaya na rin pala ang basketball game.  Bumaba na ako sa sasakyan para magpunta sa classroom.

Naglalakad ako sa hallway ng biglang sulpot si Gil kasama ang mga alipores niya.

Enrique: Hi Kath!

No answer.

Enrique: Nood ka ng game huh?

Kath: Okay.

Enrique: Sayang nga hindi ikaw ang Muse.

Kath: Okay lang...si Yen naman ang kapalit ko eh. Sige Enrique...manood na lang ako later. Pagkasabi ko no’y pumasok na rin ako sa room at umalis na rin naman si Enrique. Papunta ako sa upuan ko ng mapansin kong wala pa si DJ. Hindi papasok???


DANIEL’S POV

First time kong malate dahil nung pagdating ko sa classroom eh naroon na ang unang subject teacher namin. Naroon na rin si Kath. Ganoon pa rin...hindi niya parin ako pinapansin.

After ng unang subject namin ay dumating na ang aming adviser na si Ms. Perez.

Ms. Perez: HI Class.

Loving You for No Reason (Kathniel FanFic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon