Chapter 1 ✘ First Day Of School

422 11 0
                                    

Lara's POV

Hay naku! First day of school na agad bukas maaga na naman akong gigising. Makabili na nga ng gamit ngayon tatawagan ko nalang sila Yna.

"Hello."

[Hello! Napatawag ka?]

"Bibili kase ako ng gamit para bukas. Ikaw nakabili kana ba?"

[Di pa nga eh. Sya sasabay na ako sayo bihis lang ako]

"Oh sige. Magbibihis lang din ako. Itanong mo din kay Tine kung sasama siya"

[Ok,sige.]

Nang makapag bihis na ako ay nagpunta na ako sa bahay nila Yna. Pagkapunta ko dun nakita ko na silang dalawa ni Tine magkasama.

"Oy! Tara na!" Aya ko sakanila

"Wait lang! Di ka naman excited noh?" Pambabara sakin ni Yna.

"Bilisan mo na dyan Yna. Ang bagal mo naman kanina pa ako andito ah!" Sabi ni Tine sakanya.

"Oo na eto na nga eh. Tara na" Aya niya samin

Nang makpunta na kami sa mall ay nagtingin agad kami ng mga gamit para bukas.

"Tapos na ba kayo girls?" Tanong ko sakanila

"Oo tara na bayaran na natin toh." Sabi ni Tine

Nang makapag bayad na kami ay dumiretso kami sa isang kainan. Umorder ako ng inumin ganun din naman ang sakanila.

"Tara na girls." Aya ni Yna

"Tara mag aayos pa ako ng gamit eh." Sabi ni Tine

"Ako din. Tara na."

**

*Rrriiinnnggg*

Hays ang aga aga nangiistorbo ng tulog eh!

"Hello!"

[Anong hello! Bumangon ka na nga diyan baka malate pa tayo nakakhiya first day of school late tayo ang pangit ata tingnan nun. Bilisan mo na diyan iniintay ka namin dito sa inyo.]
Ang aga naman mang sermon nitong si Tine.

"Sige."

Tumayo na ko at naligo. Pagkatapos ko maligo ay nag ayos na ako. Pagkababa ko nakita ko kaagad yung dalawa.

"Aga niyo naman."

"Anong maaga sa Ala-syete Lara?" Tanong sakin ni Yna.

Oh gosh! Late na nga kami! Hala pano pa ako makakakain nyan? Hayaan ko na nga lang dun nalang ako kakain.

Nagmadali na kaming umalis at pumunta nang school.

Pagdating namin dun ay hinanap na namin kung anong section namin.

Yna's POV

Hinahanap namin ang section namin nang mabangga ako ng isang lalaki.

"Ano ba?! Uso ding tumingin sa dinadaanan noh?!" Sigaw ko sakanya.

"Sino bang di nakatingin sa daan?"

Aba! Ako pa ata ang di tumitingin sa daan ah!

"Hoy! FYI nakatingin ako sa daan! Baka ikaw ang hindi!" Sigaw ko ulit sakanya.

"Mis magkalapit lang tayo oh. Bakit kailangan mo pang sumigaw?" Tanong niya sakin.

Napatingin naman ako sa mga tao na nakatingin samin. Hays! Ano ba naman. Nakakahiya ang ginawa ko. Inirapan ko nalang yung lalaki at umalis na.

"Akala mo kung sinong mayabang!" Inis na sabi ko.

Tinawanan ako nang dalawa. Pagtawanan ba naman ako. Kaibigan ko ba talaga ang mga toh.?

"Anong nakakatawa?" Tanong ko sa kanila.

"Ikaw naman kase eh. May pasigaw sigaw ka pa kala mo naman nasa bundok kausap mo." Natatawang sabi ni Tine.

Iniintay kong magsalita si Lara pero tawa lang siya nang tawa. Hay naku! Wala na akong makausap nang matino!

"Tara na nga pumasok na tayo" sabi ni Lara.

Tine's POV

Magkakaklase kaming tatlo. Sa likod kami umupo kung saan may tatlo ding lalaking nakaupo. Nang makaupo kami bigla nalang sumigaw si Yna buti nalang wala pa ang prof namin.

"IKAW!?" Tanong ni Yna sa kapatid ni Lara na nakabunggo niya kanina

Nagulat naman si Steven nang makita si Yna. At sumigaw din.

"IKAW!?" Sigaw din ni Steven at nagsigawan na naman sila.

Umupo na kaming tatlo nang dumating na ang prof namin. Nakikinig ako nang may kumalabit sa akin tumingin ako sa tatlong lalaki na nasa likod namin at nakikinig lang sila sa prof namin. Hayss sino kaya yun? Kapag nahuli ko yun sasapakin ko siya.!

"Okay. You may have your Lunch" sabi ng prof namin at naglabasan na ang mga kaklase namin. Nag aayos pa ako nang gamit nang pagmadaliin ako ng dalawa.

"Bilisan mo naman Tine. Nagugutom na ako hindi kaya ako kumain ng breakfast." Sabi ni Lara.

"Oo nga. Bilisan mo na dyan." Dagdag ni Yna.

"Mauna na nga kayo. Kitang nag aayos pa ako ng gamit ko eh. Go!"sigaw ko sakanila.

"Sige sunod kana lang ha." Sabi ni Yna.

Tumango lang ako.

Nang makaalis na sila ay inayos ko na ulit ang aking mga gamit. Nang matapos na ako ay lalabas na sanaako ng room nang may nakita akong dalawang estudyante na naghahalikan. Grabe naman sila pati ba naman dito maggaganyanan pa sila. Hays makaalisna nga. Nang makalabas ako ng room umalis na yung babaeng kahalikan nung lalaki. Nang makita ko yung lalaki parang kaklase ko siya. Oo nga! Kaklase ko nga! Lumabas na ako ng room at papunta ng canteen nang biglang may humila sa braso ko. Nakita ko yung lalaki kanina.

"Excuse me! Kilala ba kita?" Tanong ko sa kaniya.

Bigla niya akong hinalikan. Oh my gosh! My virgin lips!!
Nakakainis tong lalaki na toh akala mo kung sino kung makapang halik wagas. Tinulak ko siya at sinampal. Napahawak siya sa pisngi niya na sinampal ko.

"How dare you to kiss me?!" Sigaw ko sa kaniya.

"Hoy Mis! Kunwari kapa gusto mo din naman!" Sabi niya.

Aba! Ako gusto ko ? No way!!

"Sino kaba para halikan ako ha?!" Tanong ko sa kaniya.

"I'm ky--" naputol ang pag sasalita niya nang may biglang tumawag sakin.

"Hello Lara"

[Asan kana?] Tanong niya.

"Papunta na sandali lang"

[Oh sige. Bilisan mo ha!]

"Oo"

Binalik ko ang tingin ko sa lalaki at sinamaan siya ng tingin. Umalis na ako dun at baka lalo lang akong mainis.

Pumunta ako sa canteen at naabutan ko dun sila Lara.
Kumain lang,ako at bumalik na sa room. Nang matapos na ang pagtuturo ay nag uwian na.

"Destined For Each Other" - (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon