Chapter 16- AQUANTANCE

24 0 0
                                    

Yna's POV

Tapos na kami mag ayos at paalis na din kami ng bahay. Sa kotse na ni Nicole kami sasakay para daw isang sasakyan na lang. Pumayag namn kami kaya dumertso na kami sa school. Pagka dating na pagkadating namin doon ay madami nang tao.

Bumaba na kami at sabay sabay na pumasok.

Nakita ko na agad si Cris sinalubong niya agad ako.

"Tara dun tayo sa table namin." Aya sakin ni cris andun din si Dominic.

"Sige" pag payag namin ni Tine. Pero si Nicole at Lara hiwalay samin kase si Kev ang partner ni Lara at si Tyrone naman ang partner ni Nicole. Hays hiwalay tuloy kami.

Pumunta na kami ni Tine sa table nila Cris. Andun yung kabarkada nila kasama na don si Dominic. Kung tutuusin masaya naman kasama si Cris mayabang nga lang. Yun yung ayoko sakaniya pero gwapo siya. Hays ano ba yan!

Nakita kong tumaas na yung MC. Siguro magsisimula na.

" Okay students this is the day! Na kaya niyong gawin ang gusto niyo. Sana maging masaya kayo sa gabi na ito! Ayain niyo yung crush niyo na sumayaw! Ayos yan! HAHA! Okay So magsisimula na ang event na toh kaya mag enjoy kayo! LETS PARTY GUYSSS!" Pagkatapos magsalita nung MC ay nagsimula na ang party... Nauna ang pag sayaw.. Inaya ako ni Cris na sumayaw inilahad niya ang kamiyang palad sa harap ko. Napangiti naman ako at tinanggap iyon.

"Lets enjoy this night Yna." Nakangiting sabi sakin ni Cris.

"Okey Cris!" Masayang sabi ko...

Habang nagsasayaw kami ay panay ang pambobola at pangloloko niya sakin kaya tawa ako ng tawa. Nang matapos kami magsayaw ay nagsalita ulit yung MC.

"Guys! Wag puro kapartner niyo lang ang isayaw niyo! Ano ba kayo? Kahit sino pwede niyong isayaw kaya go lang wag mahiya mga beshy!" Nagtawanan nman yung iba sa sinabi nung MC.

Umupo muna ako kasi wala pa namang nag aaya sakin saka umalis si Cris may isasayaw lang daw siya. Tumango nalang ako. Habang nakaupo ay pinagmasdan ko ang mga tao. Lahat sila masayang nagsasayaw hanggang sa napapunta yung tingin ko kay Steve at Mae. Ang saya nila. Tawa sila nang tawa. Siguro nga close sila. Halata naman e! Ano ka ba Yna! Nasapok ko ang sarili kong ulo.

"Yna" nagulat ako nang may tumawag sakin. Hindi ko siya kilala pero bakit kilala niya ako?

"Bakit?"

"Pwede ka bang mai-sumayaw?" Tanong niya. Nag nod lang ako tapos tumayo.

Habang nagsasayaw kami ay bigla siyang nagsalita.

"Kilala mo ba ako?" Tanong niya.

Aba nagtanong pa malamang hindi!

"Hindi" sagot ko.

"Ako si Caleb stalker mo!" Pagkasabi niya nun sabay tawa.

Aminin ba namang stalker ko siya!

"Ah ganun ba? Ang ganda ko talaga!"

"Oo hehe" sagot niya.

"Ah Caleb upo muna ako ha iba naman ang yayain mong sumayaw."

"Ah sige. Upo ka na!"

"Sige" pagkatapos nun umupo na ako.

Steve's POV

Kasayawan ko ngayon si Mae. Ayaw niya akong paalisin gusto daw niya ako lang kasayawan niya. Nainis ako kase gusto naman iba yung kasayawan ko ayoko nang siya lang. Kaya sa huli nagsayaw pa din ako ng iba.

Wala na akong maaya nayaya ko na si Lara,Tine at Nicole. Sino pa kaya?

Ayyy! Si Yna.. Hinanap ko kung saan siya nakaupo pero di ko siya nakita kaya naghanap naman ako sa mga nagsasayaw at dun nakita ko na kasayawan niya pa si Dominic. Hays! Oo nga pala naiinis parin ako sakanya! Masyado kasi siyang mapambara e! Siya na nga tinulungan ko sa magnanakaw siya pa ang ganan. Ay nga pala di niya alam na ako yun. Hays! Tsk!

Nang matapos sila mag sayaw ay nagsabi na ang MC na pwede na daw kumain kaya lahat ng nasa party ay kumain.. Hehe.

Madami ata akong makakain ngayon sarap ng foods eh..

Kumuha ako ng madaming pagkain at bumalik na sa table namin.

"Oh? Kuya Di ka naman gutom niyan?" tanong sakin ni Lara.

"Nakakagutom kaya sumayaw!" sagot ko.

"Okeyy."

Hindi ko na siya pinansin at kumain nalang.

Tapos na akong kumain kaya lumabas muna ako saglit. Ang ingay kasi sa loob nagpaparty na sila kaya magpapahangin muna ako dito kesa magparty sa loob ayoko naman mag inom..

Kev's POV

Nakakaboring pala talaga ang party na toh! Puro sayawan ayos lang kung kainan e! Ulol din nagpauso ng party'ng ganto e! Boplaks!

Uupo na sana ako ng biglang hilahin ni Steven ang upuan ko kay ayun nagderedretso ako sa sahig yung pwet ko lumanding sa sahig kaya ang huli tumambok pwet ko.. Jokeeee! Ang sakit nga ee!

"Anak ka ng teteng steven! Potek ka!" Sigaw ko.. Tapos siya tawa lang nang tawa! Ulol din ee!

"WAHAHAHAHHAHA! ANG TANGA TANGA MO!" sigaw ni steven.

Natawa ako ng biglang nagsalita si Yna sa likod at mas lalo akong natawa sa sinabi niya..

"Ooopss! Alam na natin kung sinong uutot mamaya ah" pagpapaalala niya samin... Si steven naman napatigil sa pagtawa at yung tawa niya kanina ay napalitan ng inis...

"Ikaw talagang babae ka di ka talaga titigil noh?!" Iritang sabi niya..

"Hala siya? Ikaw ba sinasabihan ko?" Pambabara ni Yna!

"Ikaw na babae ka ha! Namumuro kana sakin! Isa pa! Isang usa nalang papuputukin ko yang labi mo para di kana makapambara!" Iritadong sigaw ni steven...

"ULOL!!! Di ako lababo, di ako kanal at mas lalong di ako kubeta para mabara!" Sigaw ni Yna..

"Oyyyy!!! Diyan nagsimula ang lolo't lola ko!" Singit ni Tine..

"Hoy ikaw Tine mukha ka na ngang singit sisingit kapa sa usapan gusto mo upakan kita?!" Sigaw ni Yna... Ulol din tong isang to eh!

"Tama na kase yan!" Awat ko sa kanila..

"Ukeee!" Pag sang-ayon ni Yna...

"Destined For Each Other" - (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon