Chapter 6 - My Knight Shining Armor

147 8 0
                                    

Yna's POV

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Ay oo nga pala nag alarm ako kagabi. Hayy. Sarap ng tulog ko. Tumayo na ako at bumaba. Pagkababa ko ay wala pa sila. Siguro mga tulog pa. Natoothbrush muna ako at tsaka nagluto ng makakain namin mamaya pag kagising nila. Syempre ang niluto ko ngayon ay ang Specialty ko kapag breakfast ang sinangang ko at ang ulam na bacon,hotdog,egg and pritong talong na isinasawsaw namin sa toyo na may halong kalamansi.

Tapos na ako magluto ng nagbabaan na sila.

"Aga mo ata magising ngayon Yna ah." Sabi sakin ni Tine.

"Oo nga. Ang sipag pa." Puri sakin ni Lara.

"Ito namang mga toh minsan na nga lang gumising ng maaga at magluto eh." Patampo ko sabi sa kanila."Joke lang ito naman masyadong sineseryoso." Sabi sakin ni Tine. "Oh siya. Tara na gutom na ako ha. Nagtalo pa kayo diyan eh. Kanina ko pa kayo tinititigan ng masama pero wala palang epekto sa inyo kailangan ko pa palang magsalita." Singit ni Nicole.

"Ay. Sorry Nicole. Sige tara na kain na tayo." Natatawang sabi ni Lara. Haha. Kahit kelan tong si Lara hindi mapigil pigilan ang tawa.

"Oo nga pala may imimeet ako mamaya. Sige liligo muna ako ha." Paalam ni Nicole. Sino naman kaya ang imimeet niya?

"Ako may practice ng volleyball mamaya. Magreready muna ako." Paalam din ni Lara. Hayy. Sana naman hindi ako mag isa dito mamaya sa bahay.

"Ako din Yna eh. May practice ako ng badminton mamaya. Liligo muna din ako." Paalam ni Tine. Hayy. Etoh na nga ba sinasabi ko eh. "Sige. Maligo kana maghuhugas muna ako ng plato." Sabi ko sa kaniya at naghugas na ng plato.

Nakaupo ako sa sofa nang bumaba na silang tatlo.

"Ikaw Yna wala ka bang pupuntahan?" Tanong ni Nicole sakin.

"Edi sana kung may pupuntahan man ako bihis na din ako!" Sarcastic ko sabi sa kaniya.

"Ito naman. Nagtatanong ako ng maayos eh." Sabi ulit ni Nicole.

"Siya. Alis na kayo. Nang matahimik na ang bahay na toh." Sagot ko sa kanila at tinulak na sila palabas ng bahay.

Hayy. Ano kaya gagawin ko ngayon. Makatulog nalang nga muna. Inaantok na din naman ako eh. Tumaas na ako at pumunta sa kwarto ko.

...

Nagising ako nang bigalang may kumaluskos sa baba. 6:00 na pala. Napasarap ang tulog ko. Nagvibrate ang phone ko kinuha ko iyon at nakita kong may tumatawag.

Unknown Number

Ha?  Sino naman kaya ito?

Sinagot ko yung tawag.

"Hello?" Panimula ko. Hindi pa tumatagal at nang may napakinig nanaman ako sa baba. Ano ba naman yan.

Bumaba ako para tingnan kung sino yun.  Nagulat ako kasi patay pa ang ilaw dito sa sala. Dahan dahan akong naglalakad papunta sa may kusina nang may naapakan ako na nakagawa ng ingay. Oh gosh! Bigla ako nakakita ng tao na naka maskara.

"Ahhhh!!! May magnanakaw!!!! Sigaw ko bigla naman niya akong tinutukan ng kutsilyo sa may leeg. Hoo! Ayoko pa mamatay. Madami pang nagmamahal sakin.

Naalala ko bigla na may tumawag nga pala sakin kaya tinignan ko ulit ang phone ko pero patay na. "Kuya ano po ba kailang niyo saken?!!" Sigaw ko. Hindi niya ako sinagot. Bigla namang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang lalaki. Hindi ko siya masyado maaninag kase unti unti nang nanlalabo ang mata ko.

Nakita kong sinuntok niya ang magnanakaw at kumuha ng tali para di makatakas ang magnanakaw. Tinitigan ko ang lalaki pero hindi ko talaga makita ng maayos. Bigla nalang akong nahilo at bumagsak.

Nagising nalang ako na nasa hospital na ako.

Nakita ko sila Tine na nasa may sofa sa hospital.

"Anong nagyari. Bakit ako nandito?" Tanong ko sa kanila. Lumapit naman sila sakin at bigla akong niyakap.

Bigla kong naalala yung lalaki. Oh my! Muntik na nga pala kaming manakawan. Buti nalang at dumating ang lalaking iyon.

"Dapat bumalik na agad kami para hindi nangyari toh." Maiyak iyak na sabi ni Lara sakin. "Dapat pala umabsent muna ako sa practice para may kasama ka." Dugtong ni Tine. "Dapat pala kinancel ko na ang pakikipag meet sa ex ko." Umiiyak  na sabi ni Nicole.

"Ano ba naman kayo. Ayos na ako oh. Buti na nga lang biglang dumating yung lalaki na tumulong sakin eh. Kung hindi baka patay na ako." Pagbibiro ko sakanila.

"Ano?! May tumulong sayo?!" Gulat na tanong ni Lara.

"Oo. Hindi ko na siya nakilala kase nahimatay na ako. Pero nahuli na ba yung magnanakaw?" Tanong ko sa kanila.

"Oo nakita kasi namin siya na nakagapos sa may upuan." Sagot nila.

Hay. Kung sino mana ang tumulong sakin. Maraming salamat sa kaniya. Kung hindi siya dumating ano nalang mangyayari sakin?

Naalala ko na may tumawag nga pala sakin nun. Oh no!asan ang phone ko?

"Asan ang phone ko?" Tanong ko sa kanila.

"Etoh oh." Sagot ni Nicole at inabot saking ang phone ko. Hinanap ko agad ang number na tumawag sakin pero hindi kona makita.

"Binuksan niyo ba gong phone ko?" Tanong ko sa kanila.

"Hindi. Bakit?" Tanong ni Tine.

"Kasi pagkagising ko bigla nalang may tumawag sakin unknown number eh. Tapos bigla nalang may kumaluskos sa baba kaya pumunta muna ako sa sala. Hindi ko pa pinapatay yung tawag. Sumigaw ako tapos bigla akong tinutukan ng kutsilyo nung magnanakaw." Sagot ko sa kanila.

Tumango-tango naman sila. "May humingi ba ng nunmber ko sa inyo?" Tanong ko sa kanila. "Wala naman."sagot ni Tine at ni Nicole. "Si kuya Steve lang namn humingi ng number mo sakin eh. " Hindi kaya si Steve ang nagligtas sakin? Ay ano ka ba Yna. Hindi ka nun tutulungan noh.

"Pwede na daw baako umuwi.?" Tanong ko sa kanila.

"Sabi samin ng doctor pagkagising mo daw pwede na kung maayos na ang pakiramdam mo." Sabi sakin ni Nicole.

"Ayos na ako. Tara na uwi na tayo?" Aya ko sa kanila.

"Sige." Tugon nila

Nagpaalam na kami sa doctor at umuwi na.

Pag kauwi ko ay kumain muna ako at naligo bago mag pahinga. Hay kailangan ko munang mag pahinga ngayon.

"Destined For Each Other" - (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon