Kev's POV
Tss. Lunes na naman. Maaga na naman akong gumising. Pero syempre ayos lang sakin kase makikita ko naman si Lara eh. Haha. Naligo na ako at kumain bago pumasok sa school.
School---
Pumasok ako sa room. Ang ingay nila nung dumating ako. Palibhasa wala pa ang prof namin kaya ganyan sila.
Umupo na ako sa gitna nila Kyle. Saktong pagka upo ko dumating na ang prof namin.
"Ok. Class may iaanounce lang ako. Malapit na ang Acquantance Party. At nakasulat na ang date sa board. Kaya maghanda na kayo." Announce samin ng prof namin.
Nagbulungan naman ang mga kaklase namin habang kaming tatlo ay nagkatinginan lang. Tumingin ako kay Lara napatingin din naman siya sakin nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako sa kaniya.
Nagturo na ang prof namin.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
LUNCH!!
Nagsitayuan na kami at pumuntang Canteen. Pumila kami at nang ako na ang bibili ay umorder lang ako ng juice at sandwich. Busog kasi ako eh kaya konti lang ang kakainin ko.
"Wow! Diet kaba Kev?" Biro sakin nila Steve.
"Tss." Sagot ko sa kanila.
"Ito naman niloloko lang siya eh. Sungit naman.!" Sabi sakin ni Tyrone.
Hindi ko na sila pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain. Nang tapos na ako ay inintay ko silang matapos.
"Tara na malapit na magsimula ang second class natin baka malate tayo. Terror pa naman ang prof natin sa History." Sabi samin ni Tyrone. Kaklase namin si Tyrone sa next subject.
Pumunta na kami sa next class namin. Halos kasabay lang namin pumasok ang prof namin.
"Good afternoon." Bati samin ng prof namin.
"Good afternoon." Bati namin sa kaniya.
"So Let's start." Si prof
"Ok Maam." Sagot namin sa kaniya.
DISCUSS
DISCUSS
DISCUSS
Hayy. Tinatamad ako makinig ngayon. Nakatingin lang ako sa prof namin pero lutang ang isip ko.
Hayy. Sino kaya mayaya sa acquantance? Si Lara kaya pumayag? Tanungin ko nalang siya kapag nagkita ulit kami.
UWIAN
Hayy. Salamat at uwian na din. Tinatamad talaga ako ngayon eh.
Papunta kami ngayon sa parking lot."Sinong idedate niyo sa acquantance?" Tanong samin ni Kyle.
"Bahala na kung sino ang mayaya ko." Sabi ko sa kanila.
"Ako din." Sagot din ni Steve.
Iniintay namin ang sagot ni Tyrone.
"Ahm. Aayain ko nga si Nicole eh." Nahihiyang sagot niya.
"Ayain mo. Malapit naman kayo sa isa't isa diba?" Sabi ko sa kaniya.
"Oo nga. Malay mo may nauna nang mag aya sa kaniya." Sagot naman ni Tyrone.
"Oohh! Sabihin mo na agad para di ka na maunahan.!" Sabi ni Steve sabay batok kay Tyrone. Napahawak naman si Tyron sa batok niya at hinimashimas iyon.
"Bakit kailangan mong mambatok?!" Sigaw na tanong ni Tyrone.
"Hindi naman. Sige tutulungan ka nalang namin sa pag aaya kay Nicole. Sagot ni Steve.
"Oo nga!" Sabay na sigaw namin ni Kyle.
"Eh. Ikae nga pala Kyle. Sino kadate mo?" Tanong sakaniya ni Tyrone.
"Yun na nga eh. Ang hirap mamili ang dami ko kasing babae." Pabirong sagot niya.
Nakatanggap siya samin nang tig iisang batok. Napahawak naman agad siya dun hinimashimas.
"Ano ba?! Sabay sabay ba talaga dapat kayo?!" Tanong niya.
"Ayaw mo.? Oh sige ulitin namin." Biro sa kaniya ni Tyrone.
"Wag na baka magasgasan pa ang makinis kong batok!" Pagyayabang niya. Hayy. Kahit kelan talaga tong si Kyle ang yabang!.
"Wag ka ngang mayabang!" Sagot sa kaniya ni Steve.
"Hahaha. Oo nga!" Dugtong pa ni Tyrone.
"Hahaha." Tawa ko. Tumawa nalang ako dahil sa eksprasyon ng mukha ni Kyle.
"Oh siya. Tara na." Aya ko sa kanila at sumakay na sa kotse ko.
**
Lara's POV
Hayy. Sino kaya ang mag aaya sakin. Sana si Kev. Haha charot. Sana lang talaga.
"Guys. Sino kadate niyo sa acquantance?" Tanong ko sa kanila.
"Wala pa ngang nag aaya sakin eh." Malungkot na sagot ni Yna.
"Sakin din." Sagot din ni Tine.
Tumingin naman ako kay Nicole.
"Ah. Hindi ko padin alam eh. Wala pa kasing nag aaya sakin." Sagot niya.
Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang libro na nasa table at binasa yon.
Nang matapos na ako magbasa ay inilagay ko na iyon sa shelf at tumaas na sa kwarto ko.
Nag halfbath lang ako saka humiga sa kama ko at pinikit ang aking mata. Pero hindi ako makatulog. Bigla namang nagvibrate ang phone ko kaya kinuha ko iyon.
Oh my!! Tumatawag si Kev.
Hoo.! Lara keep calm ok? Enhale.... Exhale...
Sinagot ko na ang tawag niya.
"Hello Kev?" Panimula ko
[Ah. Hello Lara.] Sagot niya.
"Bakit ka napatawag?" Tanong ko kay Kev.
[Ah. Eh. Ano. Kasi. Ahm.] Si Kev
"Ano?" Natatawang sagot ko.
[Ahm. Pwede ka bang makadate sa acquantance?] Tanong niya.
HUWHATTT?????!!! TOTOO BA TOH? NIYAYAYA AKO NI KEV?!! KYAAAAAA!!! KINIKILIG AKO.!!!
[Hello Lara. Andyan ka pa ba?] tanong niya.
"Ah. Heh oo." Sagot ko.
[Ayos lang naman sakin kung hindi ka papayag eh. Pede naman akong maghanpa ng iba] si Kev
"Ah. Ano. Hindi. Ahm. Oo pumapayag na ako." Sagot ko. Ano ba yan nahiya ako dun ah.
[Talaga?!] Tanong niya ulit.
"Oo!" Sagot ko.
[Yess! Sige salamat. Goodnight. Sleepwell Lara. Bye] - Kev
"Sige. Same. Bye din." Sagot ko.
* End Call *
HALAA!! PEDE NA BA KILIGIN?!!! KYAAA. ANG SAYA KO NGAYOONNNNN!!!!
Nagpagulong gulong ako sa kama ko. Nang mahimas masan na ako ay tumigil na ako sa pagulong gulong ko. Hayy. Ipipikit ko na sana ang mata ko nang biglang nagvibrate ulit ang phone ko.
'Salamat sa pagpayag mo maging kadate ko. Sige matulog ka na. Bye. Goodnight again. Sleep tight.'
Ohh mohhh?!! Ano ka ba naman Kev masyado mo nakong pinapakilig ahh!!!
Pinikit ko na ang mata ko at nagsimulang matulog nang naka ngiti.
BINABASA MO ANG
"Destined For Each Other" - (ON GOING)
Teen FictionTatlong mayayabang na lalaki. Si "Kev" or (Kevin) na seryoso . Si Kyle na Play boy at si "Steve" or (Steven) na mapang asar. Tatlong palaban na babae. Si Lara na mabait . Si "Kristine" or ( Tine) na maldita at maarte at Si Yna na mapangbara.