Chapter 2 ✘ New home

199 11 0
                                    

Tine's POV

Nandito kami ngayon sa bahay. Nagusap usap kami kung magsasama sama na ba kami sa iisang bahay o hindi.

"Kung magpabili kaya tayo ng bahay sa parents natin. Para di na tayo nahihirapan pag papasok tayo sa school?" Tanong ni Lara.

"Oo nga noh." Sagot ni Yna .

"Eh pano kung di ka payagan ng kuya mo Lara?" Tanong ko kay Lara.

Napatingin samin si Yna. Hindi niya kasi alam na may kapatid si Lara. Kakakilala lang namin sakanya nung nag bakasyon kami sa Tagaytay nung naging close na kami sa isa't isa lagi na siyang sumasama samin.

"What? May kapatid ka?" Tanong ni Yna.

"Hindi ko pala nasabi sayo. Oo meron akong kapatid. Siya yung nabunggo mo kahapon sa school." Sagot ni Lara.

"Oh my! Sorry di ko alam na kapatid mo pala yun. Siya naman kasi ang di nakatingin sa daan eh ako pa sisisihin." Sagot ni Yna.

"Ayos lang. Sadya lang yun ganun. Mapang asar yun eh." Natatawang sabi ni Lara.

"Oh ano na? Sabihin na natin sa parents natin ngayon o bukas na?" Tanong ko sa kanila.

"Ngayon na para makapag ayos na tayo bukas." -Lara

"Ok. Tara na." Aya ko.

---
Lara's POV

Nandito ako ngayon sa office ni Dad. Para mag paalam.
Kumatok ako sa pinto at pinagbuksan naman ako ni Dad.

"Lara. What do you need?" Tanong sakin ni Dad at sabay yakap sakin.

"Ahm. Dad. Pwede po bang magsama sama na kami nila Tine sa iisang bahay?" May lambing na tanong ko kay Dad.

"Bkt niyo naman naisipan yan?" - Dad.

"Para kapag papasok po kami sa school sabay sabay na po kami."

"Sige. Tatawagan ko lang ang mga maid natin para maayos na yung bahay na lilipatan niyo." Sagot ni Dad. Napatalon ako at yumakap ako kay Dad at nag thank you.

Tine is calling.

Sinagot ko agad ang tawag ni Tine.

"Hello."

[Pinayagan ka ng Daddy mo?]

"Oo! Excited na ako. Pinapaayos na din niya yun titirahan natin."
Excited na sagot ko sakanya. Gosh! excited na talaga ako.

[Kami din. Oh sya. Kita nalang tayo sa bahay na lilipatan natin. Bye.]

"Bye."

...

OH MY! Andito na kami sa bagong bahay namin. Kyaaa! Ang ganda kahit maliit lang siya. Perfect.
Nag ayos na kami ng mga gamit sa bahay. Sabi namin sa parents namin hindi na namin kailangan ng maids kasi kailangan na din namin matuto sa mga gawaing bahay.

"Hay. Mag gagabi na hindi padin tayo tapos." Pagod na sabi ni Tine.

"Pahinga na muna tayo. Bukas pag kauwi natin galing school tsaka natin ituloy ang paglilinis." Sabi ni Yna.

"Osige. Maglilinis lang ako ng katawan." Paalam ko sa kanila.

Tag iisa kami ng kwarto. Pag katapos ko maglinis ng katawan ay humiga na ako. Pinikit ko ang mata ko at magsisimula na sana akong matung nang biglang nag vibrate ang phone ko.
Tiningnan ko kung sino ang tumatawag. Si kuya Steven pala. Hay. Paniguradong sesermonan lang ako nito . Napaka protective brother niya kasi sakin.

Sinagot ko ang tawag niya.

"Hello kuya.".

[Asan ka? Bakit di ka pa nauwi? Gabi na ah. Umuwi kana dito.]

Hayy. Sabi na nga ba eh. Papauwiin niya ako.

"Kuya nagpaalam ako kay Dad na sa iisang bahay na kami titira nila Tine."

[Pumayag na ba ako?]

Hayy buhay!.

"Kuya kaya ko na naman sarili ko eh." Pagmamaktol ko.

[Hindi. Pupunta ako diyan. Intayin moko wag ka muna matulog.]

End call.

Hayss. Nakakainis naman si kuya eh. Bahalana nga iintayin ko nalang siya.

'Dingdong'

Yan na ata si kuya. Bumaba aka at pinagbuksan siya.

"Kuya." Tawag ko sa kanya. Dirediretso lang siya at umupo sa sofa. Hayss kahit kelan talaga tong si kuya.

Tiningnan ko ang kwarto ng dalawa. Mukhang tulog na sila.

"Bakit ka pumunta dito kuya?" Tanong ko. May nakita akong dala niyang damit. Wag niyang sabihin na--

"Dito ako tutulog" sagot niya. Hala pano si Yna. Baka mag away nanaman sila. Hayyy.

"Ah. Eh. Kuya may kasama ako dito eh." Nanlaki ang mata ni kuya nung sabihin ko yun."Sino?!" Pasigaw niyang tanong. "Relax kuya. Sila Tine ang kasama ko dito." Biglang bumukas ang pinto ni Yna. Yan na nga ang sinasabi ko eh. Pano na toh?

"Lara? Sino ba yang kausap mo at may pagsigaw pa nagising tuloy ako." Pahikab hikab na tanong niya kinusot niya ang kaniyang mata at nakita si kuya. Tumingin naman sakniya si kuya at kinindatan. Tinarayan lang siya ni Yna at dumiretso na sa kusina.

"Tinawagan ko pa naman si Kyle na pumunta dito."
What the?!

"Kuya. Bakit naman sinama mo pa sila.?!" Sigaw ko

"No choice. Papunta na sila eh."

'Dingdong'

Kinis naman si kuya eh.

Binuksan ko ang pinto at pinapasok sila. Napansin ko yung isang kasama ni Kyle. Sino kaya siya. Di ko pa kilala yun eh. Si Kyle lang kase ang napunta sa bhay namin noon.

Nagkukwentuhan lang sila pero napansin ko na naman yung isang lalaki ang tahimik niya. Hayyy. Ang ingay nilang dalawa. Makataas na nga lang. Pataas na ako nang biglang lumabas si Tine. Napatingin siya sa baba at parang sinusuri kung sino ang mga iyon.

"Andito kuya mo?" Tanong niya sakin. "Oo. Kulit kase eh di ko naman siya pinapapunta nagsama pa."

"I see." Sgot niya at bumaba.

Pumasok na ako sa kearto ko at nagsimula nang matulog.

Tine's POV

Pagkababa ko ng hangdan nakita ko agad si Steven at may kasama siyang dalawang lalaki sino kay sila?.

Nang mapatingin ako sa lalaking tumatawa napasigaw nalang ako.

"IKAW?!" Sigaw ko. Napitingin sila sakin. Ngumisi naman yung lalaking humalik sakin noon sa school. Aba! "KISS STILLER!" Sigaw ko at lumabas na para bumili ng makakain ko.

"Manang pabili nga po ng piatos dalawa po." Binigay na sakin ni manang ang binili ko. Binuksan ko na ang piatos na binili ko. Hayy. I need a peaceful life. Kain lang ako nang kain biglang may tumabi sakin na lalaki. Tiningnan ko siya at tinarayan lang. Paalis na ako bigla niyang hinawakan ang braso ko. Hayss kelan ba matututo ang lalaking toh ng manners? Tumingin ako sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"Bakit?!" Sigaw ko. "I'm sorry about what happend to us yesterday. I think you want it. Kase lahat ng babae sa school namin may gusto sakin at akala ko isa ka dun. Kaya sorry."

"WOW just WOW! AKO?! MAGKAKAGUSTO SA KATULAD MO?! Oh what the?! Hindi naman kase lahat ng babae mag kakagusto sayo. Hindi porket GWAPO ka lahat sila magkakagusto sayo at ISA na ako dun! Never and No way!" Sigaw ko sa kanya. At iniwan ko na siya dun. Badtrip naman.!
Pagkauwi ko dumiretso na ako sa kwarto ko at natulog na.

"Destined For Each Other" - (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon