Someone's POV
"Bye Girls. Thank you for the day. Nag-enjoy ako." Tuwang tuwa akong nagpaalam sa dalawa kong girl bestfriend. Birthday ko kasi ngayon at sinurprise nila ako. Gabi na nang matapos ang party na ginawa nila. "Bye bessy, Happy birthday ulit. Ingat sa pag-uwi ha. Love you." Sabi ni Mayka.
"Oo nga. Hahha huwag kang mag-alala babatiin ka rin ni ano hahah alam mo na, magwish ka lang kay kupido magkakatotoo yan ngayon hahah" Sabay ngiti at taas kilay pa ni Kendra. Hahah kaya love na love ko tong mga bestfriend ko na 'to eh. Alam nila gusto ko. "Oo na. Sige na aalis na ko. Salamat sa lahat." I give them a big hug then nagsimula na akong lumakad pauwi.
Tumingin ako sa relo ko. Its 7:33 PM. Ba't gano'n? Hindi pa naman masyadong gabi pero parang wala ng tao dito? Nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Nakarinig ako ng kaluskos sa likod ko. Tumingin ako dun, nakita kong may lumabas na itim na aso sa likod ng malaking puno. The dog's eyes were fixed on me. "Okay. Kumalma ka. Aso lang yan, may aso ka rin sa bahay diba? Sanay ka sa aso. Just turn around and pretend that you don't see anything." Sabi ko sa sarili ko.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. This time mabilis na ang paglalakad ko. I felt a little brush of wind passed by on my right shoulder. Hindi ko alam pero tumaas ang mga balahibo ko. Bumilis na rin ang tibok ng puso ko. Kinakabahan na ako.
"Kaunti na lang, isang kanto na lang, makakarating ka na sa bahay niyo." Bulong ko sa sarili ko. 🎶 I'm a barbie girl, in a barbie world, life of plastic its fantastic🎶 nagring ang phone ko. Huminto ako sa paglalakad. Kinuha ko ang phone ko sa bag at tiningnan kung sino ang nagtext sa'kin. Haha natandaan ko tuloy yung request ng bata kong kapatid na ito raw ang wish niya na gawin ko sa birthday ko, ang gawin ko 'tong ringtone. Kahit ayaw ko, ayos lang. Mahal ko 'yun eh.
"Nak, pauwi ka na ba? Sa'n kana? Hinahanap ka na ni Lily," text sa'kin ni mama. Ngumiti ako. Nabawasan ang kaba na nararamdaman ko. "Pauwi na po ako. Kaunting lakaran na lang po, nasa kanto na ako papunta diyan sa'tin." I replied.
Pinasok ko na sa bag ang cellphone ko at nagsimula na uli maglakad. Nang natatanaw ko na ang bahay namin, I saw two dark figures. Ang isa nagpupumiglas at yung isa naman hawak hawak siya sa leeg. Ang nakapagtataka lang nasa leeg nung nagpupumiglas ang mukha nung nakahawak.
Mas natakot ako nung mas naaninag ko pa sila. Ang taong nagpupumiglas ay si Mike, ang childhood enemy, bestfriend at secretly crush ko, at ang nakahawak sa leeg niya ay isang bampira. Nakakagat siya sa leeg niya. Mukhang ngayon lang nakarating ang bampira dahil nakakagalaw pa si Mike. Buhay pa siya.
Nagsilabasan na lang ang luha ko ng makita ko ang nakakalat na bouquet ng flower at teddy bear. Tinakpan ko na ang bibig ko para hindi ako makagawa ng kahit na anong tunog. Napako na ang paa ko sa kinatatayuan ko. Ni hindi na ko nakakapagsalita. Nandito siya. Pinuntahan niya ako at bibigyan sana ng regalo.
Unti-unti ng nanghihina si Mike. Bago siya maubusan ng hininga tumingi siya sa unahan. Our eyes met. Nakikita ko ng nauubos na ang buhay sa mga mata niya.
Ngumiti siya sa'kin. Tanggap niya na ang mangyayari sa kaniya. Bago siya tuluyang bumigay, I saw his lips formed the word, "l love you." Pagkatapos nu'n pumikit na siya. Basang basa na ng luha ang mukha ko. Wala man lang akong nagawa para iligtas siya.
Tumingin sa'kin yung bampira. Hindi parin ako makapaniwala kung bakit may bampira dito. Totoo pala sila? His red savage eyes were fixed on me. May dugo pa sa gilid ng labi niya. He smirked at me. Binitawan niya ang walang buhay na katawan ni Mike.
Sa isang iglap, nawala siya. Naramdaman ko na lang ang presence niya sa likuran ko. Bago pa ako makatalikod, he held my neck and pierce his fangs on me.
YOU ARE READING
Blood Heir
VampireHe can't escape to his fate. But this would be his strength to conquer his isolation.