Casey's POV
-In the morning-
Nagising ako sa sinag ng araw. Agad kong kinapa ang phone ko sa gilid, tiningnan ko ito.
No message.
Hays, binigay ko naman yung card ko doon. Puntahan ko ba siya? Napailing na lang ako sa iniisip ko at bumangon na. Baka malate ako, nag ayos na ko ng sarili ko.
-1 hour later-
Tagal noh? Walang pakielaman. Bago ako bumaba ng floor tiningnan ko muna ang kwarto ni Clyde, mukhang nauna na siya. Pumunta ako sa parking lot ng building para kunin yung sasakyan ko, pero imbes kotse ang dinala ko, Ewan ko ba bat dinala ako ng paa ko sa motor. Kinuha ko na lang yung helmet sa likod ng kotse ko nang may naramdaman akong kakaiba kaya agad akong sumakay sa motor ko at pinaharurot palayo sa parking lot mga ilang minuto nakarinig ako ng pagsabog. Tumingin ako sa loob ng parking lot at nakita ko ang kotse ko na sumabog. May ibang kotse din na katabi ang nadamay sa pagsabog.
"Shit." I cussed at mabilis na pinaharurot yung motor papuntang school.
Someone's POV
"Mga walang kwenta!" Sigaw ko at isa-isang pinaputukan ng baril yung mga tauhan ko sa isang iglap ay tumba ang mga ito.
"Oh anong nangyari?" Bungad ng tanong sakin ng err, kaibigan ko? Hindi ko ito pinansin at umupo na lang. Badtrip tsk.
"Kamusta yung inaalagaan mo?" Tanong ko sa kanya.
"Ayun, duwag pa rin at feeling anghel." Walang gana niyang sambit.
"Ikaw, sa pag e-eliminate mo kay Devine?" Tanong niya. Tumayo ako at tinutok ang baril ko sa picture ni Devine.
"Sa susunod, ako na ang mismong papatay sayo." At pinutok ko na ang baril. Mapapatay din kita Devine, humanda ka papahirapan tulad ng pagpapahirap mo sa kapatid ko.
Casey's POV
Mabilis naman ako nakapunta sa W.U (Winchester University) nasa front gate palang ako rinig na rinig ko na ang bulungan ng mga stupidyante. Bukod kasi sa maganda ako, wala akong pake sa kanila. Nagbibigay naman yung iba ng way sa dinadaanan ko takot lang nila, syempre walang lusot ang bulungan nila. Positive at negative na comments na binibigay nila sakin.
"Ang ganda talaga ni Devine noh?"
"Ang yabang niya talaga."
"Winchester eh."
"Ang swerte niya!"
At kung ano ano pang nakakairitang bulungan nila. Pero di nakaligtas sakin ay yung naglakas loob banggain ako.
"Slut."
Rinig kong bulong nito napantig ang tenga ko. Tiningnan ko ito at nakita niya naman nakatingin ako sa kanya kaya umiwas siya. Ini-scan ko lang ang mukha nito at tinalikuran na ito at pumunta sa tambayan, bukod sa wala akong oras baka mapatay ko siya kung haharapin ko pa siya. Tch. Sa susunod na lang siya magbayad.
Nasa likod ako ng school which is tambayan namin yeah nagpagawa ako nito. Lumang building ito na bawal puntahan ng mga students pero ang totoo niyan eto ang naging tambayan namin. Kala mo sa labas isang pabuwag na building na ito pero sa loob----
"Whoo! Kaya mo yan!" Sigaw ni Mira na seating pretty sa malaking sofa habang kumakain at nanonood tawa lang siya ng tawa sa pinapanood niya hindi niya naman napansin na nandito na ko mukhang di niya naramdaman ang presensya ko. Umiling na lang ako at Hindi na lang ito pinansin.
BINABASA MO ANG
Fall Out of Love [Ongoing]
Teen FictionWe met unexpectedly, Lahat ng nangyari samin hindi namin kontrolado basta nagising na lang ako, Mahal ko na siya. Nang... dahil sa isang kasinungalingan Falling out of love is hard, falling for betrayal is worse, broken trust and br...